31

63 9 0
                                    

Alunsina's POV

"I don't get it! Why are you guys fighting and shouting?! Para kayong mga bata!"

Nasinok pa ako nang sinabi ko iyon at pumagitna sa kanila. I gave them a very confused look. Ano ba kasing nangyayari? Bakit ba bigla nalang naging galit na galit si Blaire kay Clyde?

"Pasalamat ka lasing si Alunsina ngayon, hayop ka," gigil pa'rin na sabi ni Blaire at matalim na tinignan sa mata si Clyde. "Tangina mo," Blaire pointed him with so much anger on her face.

"I.. can explain.." napatingin naman ako kay Clyde nang magsalita siya. I even heard his voice cracked.

Pota, ano bang nangyayari?

"Explain what?" sinisinok kong tanong. Naguguluhan ako! Masyado na kasi akong maraming nainom kaya gulong-gulo at tuliro na ang isipan ko ngayon. Idagdag mo pa ang sakit ng ulo ko.

"Ayan ka na naman sa explain-explain mo! Anong sasabihin mo?! May nilagay na namang kung ano si Shamiyah sa inumin mo?! Ha?! Sasabihin mo na namang inosente ka at yong babaeng 'yon ang may kasalanan?! Sinong niloko mo rito?! Yang sarili mo?!" gigil na gigil na sigaw ni Blaire at sasampalin na sana si Clyde pero humarang si Kuya.

"Blaire, that's enough," matigas na sabi ni Kuya at hinarangan si Blaire.

She scoffed. "Anong enough?! Kapatid mo yung ginagago rito, Alejandro!" pagmamatigas pa ni Blaire at galit na galit na tumingin dito. Hindi naman nakaimik si Kuya. "At paano mo maipapaliwanag 'to, ha?! Putangina mo!" may ipinakita pa siyang photo galing sa gallery niya.

Tinignan ko naman ang photo at ibinalik kaagad ang tingin sa kanila.

Nakatitig lang ako at wala akong masabi! Hindi ako makarelate sa pinag-uusapan nila, noh! Masakit na nga yung ulo ko dahil sa alak, dinadagdan pa nila!

"P'wede ba kung mag-aaway kayo, hinaan niyo!" singit ko sabay irap. Papungay-pungay ang mga mata ko at bumalik ako sa pagkakaupo.

"Uh.." Pao cleared his throat. Oh, nandito pala siya? "Baka naman aksidente lang na nangyari yun-" he awkwardly laughed, trying to cool down the atmosphere. But it didn't work.

"Putangina," Blaire laughed sarcastically. "Anong aksidente?! Aksidenteng nadapa si Shamiyah tapos labi ni Clyde ang sumalo?! Anong kaputanginahan 'yun?!" asik ni Blaire. "Bakit ba parang ipinagtatanggol niyo pa 'yang Shamiyah na'yan, ha?! Tsaka, huwag mo nang pagtakpan 'yang pinsan mo!"

"Don't drag Shamiyah on these.. It's my Dad's-"

Pinutol niya ang sasabihin ni Clyde. "Huwag mong idamay ang tatay mo sa panloloko niyo kay Alunsina!" sigaw nito.

Ano? Ano ba? Bakit nadamay pa ako!

"Hear me out first—" pinutol ulit ni Blaire ang sasabihin ni Clyde.

"Sasabihin mo, yang tatay mo ang may pakana nito, ha? Ganoon ba?" Blaire sarcastically laughed once again. Her face was full with so much anger. Ngayon ko nalang ulit siyang nakitang magalit nang ganito.

"Listen—"

"Asa ka pang maniniwala ako sa'yo," umismid pa ito at lumayo nang kaunti. "Kapag hindi ako nakapagpigil, masasaktan ko talaga yang manloloko na'yan," mahinahon ngunit matigas pang saad ni Blaire habang dinuduro si Clyde. Ayaw pa'ring magpapigil! Lumapit naman sa kaniya si Ivory at nangungusap na tumingin.

"Blaire, let's settle this matter tomorrow.. please. Look at Alunsina," mahinahong sabi ni Ivory at tumingin pa sa akin. Kumaway naman ako at parang siraulong ngumiti. "She's drunk and you know we can't talk to her properly when she's like this," dagdag pa nito. Buti nalang nandiyan siya para pakalmahin si Blaire.

Chased by Destiny (Broken Promises Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon