"Did you just say the three words?! Sapakin mo nga ako, huy! Sapakin mo ako! Tignan ko lang kung nananaginip lang ako o hindi!"
Hinahampas ko pa si Clyde sa braso habang nagpapapadyak sa lupa. Shet! Gusto kong magtatalon dahil sa sobrang kilig! Hindi ko keri! Feeling ko, sasabog na yung puso ko! My heart was beating so damn fast.
Simula noong nagkita kami sa Korea, napasabi nalang ako sa sarili ko na, 'Holy shit! Is he the one? Bakit pasok na pasok siya sa standards ko?! Nananaginip lang ba ako?!' OA.
Honestly, nagpapasalamat pa ako na nabunggo niya ako noon at natapon ang milktea ko. Dahil kung hindi nangyari 'yon, I won't be this happy. I don't think my dream of loving and being loved would be fulfilled if we weren't put in that kind of situation. Kahit paulit-ulit pa niya akong banggain, tatanggapin ko! Kahit apakan pa niya ako, payag ako!
He is the man of my dreams. Ganiyang-ganiyan kong pinicture ang lalaking makakatuluyan ko. Pero s'yempre, hindi kasali 'yong pagiging seryoso sa inasahan ko. Sa OA ko ba namang 'to? Pero, dzai! His nonchalance sets him apart from the other men I've liked! Para bang siya lang ang nag-iisang nakapagpapatahimik sa'kin, gano'n! At tsaka hindi siya napapagod sa kaingayan ng bunganga ko. Tanggap ang buong pagkatao ko ang atake. Basta! Parang he is just too good to be true! Tapos naabot ko siya! I feel so superior. I feel so powerful!
Wala na. Talagang it's over. Wala nang atrasan 'to. Pakakasalan ko na 'to. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, beh, Clyde Salvatore.
Anakan mo ako, please.
Choz.
Charot, unless?
Choz ulit.
Tumawa ito nang mahina at tsaka ako giniya palapit sa kaniya para yakapin ako. Bigla namang nagtubig ang mga mata ko. Nakakainis naman! Sweet ang moment tapos iiyak ako!
"I love you too, Clyde," I sobbed. Ewan ko ba kung bakit ako naiiyak ngayon. Parang tanga lang. Sinabihang mahal siya tapos iiyak-iyak.
"Hey," hinagod nito ang likod ko at kumalas muna sa pagkakayakap. He cupped my chin. "Why are you crying?" he wiped my tears off my face.
"Ih," suminghot ako. "Nakakainis naman kasi! Nambibigla ka!" I cried loudly.
"I love you, Alunsina," pag-uulit pa nito kaya lalong lumakas ang pagngawa ko. Naramdaman ko namang gumalaw ang dibdib niya. Tinawanan pa ako ng loko!
"Mahal na ako ng crush ko," hihikbi-hikbi kong sigaw kaya napatingin sa amin ang ilang tao sa park. Inalo naman ako nito sa pamamagitan ng napakahigpit na yakap. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma ako.
"I'll go get you some water, omki?" he said as he saw na kalmado na ako. Ngumuso lang ako habang sumisinghot-singhot pa rin at tumango.
Pinanood ko muna ang mga batang naglalaro sa park. I saw two children playing, isang girl and isang boy. Naglalaro sila roon sa may slides. Ayan na naman ang slides na 'yan, eh! Naalala ko na naman ang batang iyon.
Nasaan na kaya siya ngayon? I still can't accept the fact that I wasn't able to ask for his name. There were times that I thought of looking for him but I guess there was no point if I will do that. Ni hindi ko man nga lang alam yung pangalan niya, eh! Paano ko siya mahahanap no'n? Isesearch ko sa FB, 'batang pogi na tumulong sa akin', gano'n? Kung hindi ba naman kasi ako tanga at kalahati. Wew. I just wish he is happy now. Sana masaya sila ng makakatuluyan niya.
BINABASA MO ANG
Chased by Destiny (Broken Promises Series #1)
JugendliteraturBroken Promises Series #1 Alunsina Scarlett, an heiress of a well-known company who exudes a glow anywhere she may go, met Clyde Theodore, a soon-to-be C.E.O. pressured by the name Salvatore, during her vacation in one of the most beautiful places o...