"Hoy hoy hoy! G na! G tayo mamaya!"
My face lit when I heard those three magical words from Blaire.
"Finally! Ang tagal kong hindi narinig 'yan galing sa'yo," sabi ko habang naglalagay ako ng face mask. "Sagot mo ba?" I snorted.
"Oo naman," sagot nito.
"Naks, galante tayo ngayon ah?"
"Oo, kasama sila Jaden, eh," saad niya sabay ngiti. "Excited na tuloy ako," dagdag pa niya.
"Anong oras ba tayo aalis?" tanong ko.
"7:30, girl. Kaya mag-ayos ka na," It's already 6:45 pm kaya nagulat pa ako.
"Eh hindi pa tuyo 'tong face mask ko!" reklamo ko.
"Sige lang, iiwan ka namin ni Ivory. Magpunta ka roon mag-isa," sabi nito sabay end ng call.
Wow ha. Attitude talaga ang ate mo. Wala talagang uubra dito.
Napairap nalang ako at nagpunta na ng comfort room para alisin yung face mask na nakalagay sa mukha ko.
After no'n, nagpalit na ako ng damit. Nagsuot lang ako ng tube top na black tsaka ng high-waisted na white cargo shorts. Kinuha ko rin yung denim jacket ko then I am good to go.
"Aalis po kami nila Blaire at Ivory," paalam ko pagkababa ko ng hagdan.
"Oh, saan pupunta?" mapanurang eksena ni Kuya sabay ngisi.
"Just a night out!"
"Sus! Ako na susundo sa inyo," saad pa nito.
"K. Tatawagan na lang kita,"
Nagpunta na ako kila Blaire at nakita kong ini-start na niya 'yong sasakyan niya. Pumasok naman agad ako sa passenger's seat. Sakto rin namang dumating na si Ivory.
"G na! Inom na inom na ako," hayok na hayok talaga 'tong si Blaire sa alak. Kapag ganiyan ang eksena niyan walang makapipigil d'yan, eh.
Nang makarating kami sa Versus Barcade, um-order na agad kami. It's been a month since the last time we went here. We were busy these past few weeks and dahil nga may South Korea trip tsaka malapit na kasi ang pasukan.
"Pupuntahan ko lang si Jaden ha," paalam ni Blaire.
"Go! Shoot your shot, girl. Basta huwag kang iiyak sa'min kapag nasaktan ka na naman niyang kumag 'yan," I chuckled and even pointed her my index finger.
Nagpunta kami ni Ivory sa maraming tao while holding our tequilas. Sumabay kami sa mga nagsasayaw. Hay, I can do this everyday.
Siguro I am drinking my ewan-ko-kung-pang-ilan-na shot of tequila when Ivory spoke.
"Girl, pupunta lang ako sa restroom,"
"Go, girl!" medyo tipsy na ako. I can't stand up properly anymore.
I wanted to play some games kaya nagpunta ako sa isang arcade machine. Bet na bet ko kaya ang games nila rito, 'no.
I was about to sit down pero may nauna sa'king guy. My right brow automatically raised up. He was wearing a white Champion hoodie, black cap, and a pair of black shorts.
"H-hey! Ako d'yan!" I had hiccups as I shouted at him. Medyo tinatamaan na ako.
He lifted his face up so he can see me. Hindi ko naman naaninag ang mukha niya dahil nakahoodie ang lolo niyo.
BINABASA MO ANG
Chased by Destiny (Broken Promises Series #1)
Teen FictionBroken Promises Series #1 Alunsina Scarlett, an heiress of a well-known company who exudes a glow anywhere she may go, met Clyde Theodore, a soon-to-be C.E.O. pressured by the name Salvatore, during her vacation in one of the most beautiful places o...