34

62 9 8
                                    

Blaire's POV

"Mommy Tati! I'm here!"

Naiirita akong lumingon sa kaniya nang marinig ko na naman ang napakatinis niyang boses.

Nandito kami ngayon sa living room, kumakain ng cheesecake.

"Shami.." pansin ko ang nerbyos sa boses ni Tita Tatiana.

Bakit ba nandito 'to?

"Oh, why are they here?" taas kilay niyang tanong nang makita niya kaming dalawa ni Ivory.

Gusto ko sanang sagutin siya ng, "Tangina mo, bahay mo ba'to?" pero nakakahiya naman kila Tita Tati at Ate Claire. Baka isipin nila wala akong good manners.

Na totoo naman talaga. Wala talaga akong good manners.

Gago, joke lang.

"They are.. here for Clyde," Ate Claire bit her lip.

Sumama lang naman ako rito para sa moral support. Ayoko ngang makita yung pagmumukha ng gagong 'yun, eh.

Nawala na ang lahat ng tiwala ko kay Clyde nang makita ko ang litratong iyon. Ang laki na ng sama ng loob ko sa kaniya. Hindi ko matanggap na nagawa niyang lokohin ang kaibigan ko.

Tangina niya. Putangina niya pati nitong haliparot na nasa harapan ko. Mga manloloko. Mga salot sa lipunan!

Hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawang lokohin si Alunsina.

Ano bang naging pagkukulang nito? 'Di hamak na mas maganda at mabait naman si Alunsina kaysa sa bobitang 'to.

"Oh really?" umismid ito. Nakakasira ng araw, amputa! "Anyway, where is Clydie? I miss him so much," maarte pa nitong sabi habang nakapilantik ang kanyang mga daliri. Napakaarte talaga amputa! Ihampas ko sa mukha mo yung plato na nasa harapan ko, eh.

Palihim akong umirap. Nakakairita talaga yung pagmumukha niya! Ako ay nauurat!

Kung bahay ko lang 'to, kanina ko pa siya kinaladkad papunta sa labas. Ipapalapa ko pa siya sa mga asong kalye.

"He's talking with Alunsina. Huwag mo muna silang istorbohin," halata ang inis sa boses ni Ate Claire. Ooh! So she hates this haliparot too, huh?

"I'm sorry, Ate Claire but I'll disturb them, hihihi," maarte pa itong naglakad palayo.

Walang respeto! Napakapanget na nga ang mukha, napakapanget pa ng ugali!

Bakit ba 'to pinatulan ni Clyde? Walang karespe-respeto sa pamilya niya! Bakit biglang bumaba ang standards niya?

Eew. So disgusting. Nakakasuka.

"Shami, stop right there," seryosong pagpipigil ni Tita Tati. Hindi man lang lumingon si haliparot! Wala talagang galang!

I cleared my throat. "Tita, kami na po ang bahala," sabi ko naman dahil masyado akong nainis dahil sa inasal ni bobita.

Pinaglihi ba siya sa sama ng loob? Bakit lahat nalang ay masama sa kaniya?

"Ugh. The nerve of that girl! She's so annoying and disrespectful!" inis na sigaw ni Ate Claire. Lihim akong natawa dahil inis din pala siya kay bobita. "Kayo na ang bahala sa kaniya, Blaire, Ivory," napailing-iling pa siya habang umiinom ng kape niya.

I took a sip from my juice before standing up.

It's on.

Nadatnan naming nakayakap na parang linta si Shamiyah kay Clyde.

Nakakasuka talaga!

"I love you, always and forever,"

Ayan ang narinig kong sinabi ni Alunsina.

Chased by Destiny (Broken Promises Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon