Alunsina's POV
"Apo, pakilagay naman yung cordon bleu roon,"
Lola Toyang smiled at me. Sinunod ko naman ang utos niya at nagpunta na sa dining area.
"Halina kayo, kakain na tayo," pag-aaya ni Mommy habang inaayos ang hapagkainan.
Nandito kami ngayon sa probinsiya, dito kami magpapasko na matagal nang nakasama sa plano namin.
I was wearing a red turtle neck sweater for tonight. I paired it with my white pencil skirt and my black Alexander McQueen heels.
It's 8:30 pm when we started eating our Noche Buena. Lola Toyang led the prayer.
"Ma, miss ko na yung hamonado mo," sabi ni Mama Corazon habang ka-videocall namin sila gamit ang iPad ko. Mama Corazon is my Mom's mother. So it means, she's my grandma.
"Kaylan ba kasi kayo uuwi, Cora?" tanong ni Lola Toyang habang ngumunguya. Ngumiti naman si Mama Cora habang kumakain ng American breakfast. Nasa ibang bansa sila ni Papa Vic kaya December 23 palang sa kanila.
Mama and Papa ang tawag ko sa grandparents ko. Sila ang nagsabing huwag daw silang tawaging lolo at lola. Tatanda raw kasi sila nang maaga.
Tiyaka, para raw cool. Ewan ko ba sa pamilya ko, puro mga abnormal.
Masasabi ko talagang may pinagmanahan ako.
"Sa susunod na Pasko pa, Ma," masayang sagot ni Mama Cora. "Excited na ako!" she exclaimed. Papa Vic just smiled and showed his thumbs up.
Kaya sila nasa States ngayon dahil wala pang ibang mag-aasikaso ng company naming nakatayo roon. Hinihintay pa kasing gumraduate si Kuya. Siya kasi ang susunod na magmamana nito.
So they're still waiting for two more years.
Before entering my college life, Kuya and I already talked about that matter.
The States' will be his.
And the Philippines' will be mine.
Ewan ko ba roon kung bakit mas pinili niyang maghandle ng business namin sa ibang bansa. Ang hirap kaya roon! Ang layo sa pamilya.
Pero sabagay, nandoon naman sila Mama Cora at Papa Vic. Alam ko namang gagabayan at sasamahan nila si Kuya roon.
"Nasaan na ba ang kambal? Bakit hindi ko sila nakikita?" tanong naman ni Papa Vic.
"Papa! Nandito kami, oh!" tumayo at kumaway-kaway pa sila Ethan at Ellana. Hindi kasi sila kita sa camera, masyado pa kasi silang maliit para makaupo nang maayos sa upuan kaya may hiwalay na table para sa kanila.
Tumawa naman kami at patuloy na nag-usap tungkol sa mga ganap sa buhay.
"Eto bang si Ace ay mayroon ng kasintahan?" tanong ni Mama Cora kay Kuya Alejandro. Sila Mama at Papa ang nagnickname sa kaniya ng 'Ace'. Masyado raw kasing mahaba ang Alejandro.
"Wala po—"
"Nako, Mama! Meron na po kaya! May something sila nung cheerleader sa school namin," singit ko para masura si Kuya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. I just made a face and continued pissing him off.
"Wala pa po akong girlfriend, Ma," umiling-iling pa si Kuya. "Si Alunsina, meron na po yang syota," ngumisi pa siya at pinigilan ang tawa.
I glared at him and even kicked his foot under the table. Heto na nga ba ang kinakatakutan ko! Bakit naman inilipat niya sa akin ang hot seat? Parang tanga.
"Napakapanget talaga ng ugali mo," I mouthed at him and he just chuckled. Bwisit!
"Oh my! Sino?" Mana Cora asked. I saw her eyes twinkled.
BINABASA MO ANG
Chased by Destiny (Broken Promises Series #1)
Teen FictionBroken Promises Series #1 Alunsina Scarlett, an heiress of a well-known company who exudes a glow anywhere she may go, met Clyde Theodore, a soon-to-be C.E.O. pressured by the name Salvatore, during her vacation in one of the most beautiful places o...