All characters' names, personalities, business, places, events and incidents are from the author's imagination or some personal experience. Any resemblance to someone/actual person, living or dead is just coincidental.
"Uy Cade kumusta? Tagal mo din bago bumalik ah"
"Oo nga tol. Tagal mo din sa ospital, buti nakabalik ka din agad sa rehearsals natin."
Oo nga naman, matagal din akong nawala sa rehearsals namin. Sabi sa akin ng doctor, maswerte pa din ako kasi madami pa akong naaalala lalo na tungkol sa mga pinag aaralan ko sa school namin.
"Naaalala mo naman kami diba?"
"Paano ko naman kayo makakalimutan e ilang taon na tayong magkakasama sa klase na 'to"
Sila Julius at Kim yung mga kaibigan ko simula nung bata pa. Si Julius athlete sa basketball, tinitilian dahil na rin sa galing niya maglaro, si Kim naman magaling sa arts kaya madaming manliligaw na nag reregalo ng art supplies sa kanya at ako si Cade, parte ng music club at theater ng university na 'to. Isang taon na pagtitiyaga na lang gagraduate na din kami.
"Epekto ba yan ng coma? Naaalala mo nga kami, tulala ka naman." Biro ni Julius.
"Handa ka na ba ulit na tilian ng mga estudyante? Eh bawat gumagraduate dito binabalikan ka para lang mapanuod sa music o theater club natin. Iba talaga karisma ng isang Cade. Matangkad, matalino, hindi nga lang athletic pero oh mukhang mukha talaga yung pag aartista" dagdag pa ni Kim.
Ilang minuto din kami nag usap usap hanggang sa magsimula yung rehearsals namin. Madaming humanga na tandang tanda ko pa din yung bawat linya ng karakter ko. Walang mintis kahit isang salita man lang, parang hindi ako na-coma, parang hindi ako nawala ng matagal. Pasok na pasok yung mga linya sa sitwasyon na binabasa naming sa script. Hanggang sa..
"Chantal?"
Nakita ko yung pangalan na lagi kong binabanggit noong nasa ospital pa lang ako. Pero yun yung di ko inaasahan kasi..
"Oo yung writer ng piece natin, si Chantal"
"Nasan siya? Gaganap din ba siya dito?" kinakabahan ako habang nagtatanong tungkol sa kanya. Ilang araw na pero naaalala ko pa din yung pangalan niya.
"Cade? Anong nangyayare? Bakit parang namumutla ka?" tanong ni Kim.
"Si Chantal, yung writer kailangan ko mahanap. May kailangan akong malaman sa kanya."
Nagulat lahat ng tao at halatang nagtataka sila kung anong nangyayare.
"Cade nakakakilabot ka alam mo yun. Matagal ng patay si Chantal. Remember? Siya yung estudyanteng nakita na lang na walang malay dito sa studio."
"Ano ka ba Cade, nakakatakot na nga dito sa studio mag practice tas ganyan ka pa. Kaya nga natin ginagawa 'tong play at film ni Chantal kasi siya yung best writer ng school natin."
Dumating yung professor na naghahawak sa amin, pinatigil niya muna yung rehearsal dahil sa takot na din ng iba naming mga kasama. Kaming tatlo nila Kim at Julius yung naiwan dahil tumanggi muna akong umuwi. Tinanong nila ako kung anong nangyayari sa akin pero kasabay nun e pinakwento ko din sa kanila yung nangyari kay Chantal.
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...