Gumising ako ng mas maaga, I tried contacting her pero cannot be reached ang number niya. I tried to ask Kim and Julius pero wala naman daw nabanggit si Kate kung saan siya pupunta ngayon kaya napaisip ako kung nananaginip lang ba ako na bumalik na siya.
Palabas na sana ako ng bahay ng may marinig na tugtog.
"Was there a lifetime waiting for us, In a world where I was yours.."
Dahan dahan akong bumalik at iniwasang gumawa ng kahit anong ingay. Naririnig ko pa din ang tunog ng gitara habang may kumakanta na nanggagaling sa kwarto na malapit sa akin.
"Tangled with another's eyes.. nevermind, you were never mine..
Glimpse of me and you.. oh, you were a good dream"
Inilapit ko ang sarili ko sa pintuan pinakinggan ko ito. Pamilyar, parang hinahalina ako kaya hindi ko napigilan na matabig yung pintuan.
"Minsan talaga Cade hindi ka marunong mag ingat" – pabulong kong nasabi sa aking sarili. Tila hindi naman narinig ng kung sino mang nasa loob yung nangyari at patuloy lang siya sa pag kanta at pag tugtog ng gitara.
"Cade, anak bumaba ka muna dito. Nandito ang mga pinsan mo."
"Sige ma bababa na po ako." Bumalik ako sa pintuan pagtapos kong sumagot sa tawag ni mama.
Pinihit ko ang door knob at sinilip kung sino ang nasa silid pero nabigo ako dahil wala namang tao doon at ang natagpuan ko lang ay isang player at isang note. Itinago ko muna yun sa bulsa ng jacket na suot ko at bumaba matapos uling tawagin ni mama.
Nakita ko naman ang mga pinsan ko na halos kasing edad ko lang din at ang iba naman ay mas bata sa akin.
"Oh kumusta na yung uhugin kong pinsan?"
"Claver! Calixto!" ngiting binati ko ang pinsan ko na kambal. Minsan lamang sila pumupunta sa bahay namin halos tuwing may okasyon lang sila pumupunta pero ngayon ay nandito sila dahil gusto nilang mag bakasyon sa amin.
"Bakit sila Clav at Cal lang ang binati mo? Paano naman si Xandra?"
Pagtatampong sabi sa akin ni Xandra. Matagal na din yung huling bisita ni Xandra sa amin kaya nanibago ako sa itsura niya, mga 9 years old pa yata noong huling araw na magkita kami. Busy kasi si Xandra dahil focus siya sa pag aaral niya. Niyakap ko naman siya at nginitian.
"Balita ko may girlfriend ka na daw ha?"
"Ah oo hahaha. Schoolmate ko at kasama ko din sa club."
"So, kailan mo kami ipapakilala sa mga kaibigan mong babae dito?" ani ni Calixto.
"Balita ko din madaming nagkakagusto sayo baka pwede mo kami ipakilala ni Cal." Nag apir naman ang dalawa bilang tanda ng pagkakasundo. Natawa naman si mama sa mga inasal nila, nagkwentuhan saglit at inihatid sila sa kwarto ko habang si Xandra ay inihatid ni mama sa kwartong pinanggalingan ko kanina.
Nagpaalam din muna ako para puntahan si Kim at Julius na panigurado ay kanina pa naghihintay sa akin.
"Hay salamat dumating din si Mr. Loverboy." Pag aasar na bati sa akin ni Julius. Umupo naman ako agad sa bakanteng upuan at inilabas ni Kim ang mga pictures na ipinakita niya sa amin nitong nakaraang araw.
"Pinacheck ko sa kaibigan ko kung photoshop yan pero hindi talaga. Si ate Talla talaga yung kasama ni kuya Cade sa picture. Nag observe pa ako at napansin ko intentional ang pagsama niya sa picture dahil naka pose pa siya pero naging blurred. Pero sa ibang picture naman ay nasasama siya pero parang aksidente na lang."
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...