CHAPTER 3 - FRIENDS

18 3 0
                                    

All characters' names, personalities, business, places, events and incidents are from the author's imagination or some personal experience. Any resemblance to someone/actual person, living or dead is just coincidental.
















"Ayan na si Kat. Pwede na tayo mag party talaga!" Sabi ni Kim.



"Kim sinabi ko na sayo hindi tayo pwede mag bar hangga't di pa tayo gumagraduate okay?"


"Ano ba yan kuya ang boring mo talaga kasama."



"Manlilibre ako pero hanggang samgyup lang tayo ngayon. Promise sayo ni kuya yung bar pag graduate na ha."




"Nakakainggit naman kayong magkapatid." Pagputol ni Katriel.


"Bakit Kat may nangyari ba?"




"Naalala ko lang yung ate ko. Ganyan din kasi siya ka sweet at protective sa 'kin."




"Teka teka nandito tayo para kumain hindi para umiyak. Tara na pasok na tayo sa loob."






Nakakatuwa talaga makita na nagkukulitan sila Julius at Kim minsan maiisip mo na magkasing edad lang sila. Si Julius medyo pilyo pero sobrang protective pagdating sa kapatid niya, si Kim naman laging nakadikit sa kuya palibhasa'y pareho sila ng course at parehong kabilang sa theater.




"Cade, si Katriel nga pala yung partner mo."

"Kilala na niya ako kuya Julius."

"Julius na lang tutal kaibigan ka naman ni Kim. Tropa tropa na tayo dito."

"Julius wag mo ngang takutin si Katriel, nakakatakot ka na e."

Napatawa naman sina Kim at Katriel na tila bang sinasabi na asarin ko pa lalo si Julius.


"Cade ganyan ka na ba sa 'kin? Parang dati lang sabay tayong naliligo sa ulan tapos share pa tayo sa straw ng softdrinks natin."

"Kuya kadiri ka naman tigilan mo na nga di bagay sayo."




Tuloy ang pag aasaran naming magkakaibigan at sa huli ay naging malapit din kami ni Katriel, naging malapit na din siya sa magkapatid. Bawat rehearsal sama sama din kami mula umaga hanggang sa matapos. Nasanay na kaming magkakasama.




Matagal tagal na din ng may napapanaginipan ako na mga eksena sa play siguro nga'y nadadala ko bawat linya na kinakabisado ko para sa play.


Malapit lapit na din kasi ang play at pag naka full house kami at successful yun sigurado na ang pag graduate naming dalawa ni Julius habang ang juniors naman ay may extra credit para sa next year nila.

[ Text message from Kate

Cade? Nasan ka na? Nasa coffee shop na 'ko na sinabi mo.]

[ Sent to Kate

Otw na 'ko. Order ka na ng gusto mo ako na bahala magbayad.]

[ Text message from Kate

Ano ba yung sasabihin mo bakit parang sobrang importante?]

[ Sent to Kate

Sasabihin ko sayo pagdating ko. See you.]


Nag drive agad ako papunta sa coffee shop na yun at nakita ang di ko inaasahan. Nakita ko siya, nakita ko yung ngiti niya. Nakaupo siya sa coffee shop na yun. Pumasok ako sa coffee shop at totoo nga na nandun lang siya naghihintay..

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon