All characters' names, personalities, business, places, events and incidents are from the author's imagination or some personal experience. Any resemblance to someone/actual person, living or dead is just coincidental.
March 18 – Araw ng play naming at araw na gaganap kami bilang Josh at Kate.
Nakita ko na naman siya, narinig ko yung boses niya. Malamig na nanghihikayat.
"Bakit parang kinakabahan ka Cade?"
"Oo nga e ilang stage play naman na yung nagawa mo sa theater na 'to, hindi ka ba sanay sa full house?"
Boses niya lang yung tanging naririnig ko sa ngayon.
"Tumingin ka sa'kin Cade, relax. Nandito ako, partner mo ko kaya mo 'to okay?"
Cade tingin ka, alam kong kayang kaya mo yan.
"Cade, kaya mo ba or yung kapalitan mo muna ang gaganap sa first half natin?"
"Kaya ko po direk. 5 minutes lang po hihinga lang po ako."
Tumango silang lahat at nakita ko yung mukha nila na nawala na yung pag aalala. Bakit nga ba ako nagkakaganito?
Hinawakan ni Kate yung kamay ko at di ito binitawan hanggang sa magsimula ang play.
Walang naging prolema sa stage play naming, lahat maayos at dumating na yung last scene.
"Huwag mo na 'kong iiwan uli. Hindi ka pwedeng mawala please? Huwag mo 'kong iwan."
Kitang kita ko na parang totoo ang lahat, walang ibang tao nasa may kalsada kami habang nag aagaw buhay siya sa mga kamay ko.
May dugo..
Malamig..
"Josh.. teka may sugat ka sa ulo mo."
"Kate please, wag kang aalis"
Ngumiti lang siya sa akin, doon ko nakaramdam ng kirot.
"Josh, promise me one thing.. Promise me that you'll choose me again."
Bakit? Bakit pakiramdam ko totoo siyang nawawala sa akin?
"Promise."
Pagkabanggit ko ng linya na yun narinig ko na nagpalakpakan yung mga tao dahil tapos na pala yung play namin.
Doon ko naisip na hindi ko na ata kakayanin makita uli ang scene na yun. Ang bigat.
Tinapos na ang curtain call at lahat ay nag aayos na ngayon para umuwi muna at mag celebrate na lang pagkatapos ng graduation ng batch namin.
"Oh Cade, congrats?"
"Punta tayo sa coffee shop ngayon, tayong apat"
Tumango lang ako at agad na nag ayos. Lahat ay may galak at ngiti sa kanilang mga mukha pero iba pa din pag nakikita ko ang mukha ni Kate, nawawala ang pagod ko.
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...