"Kapatid ko si Chantal Hyosh yung writer ng play natin."
"HA?!"
Narinig kong napasigaw si Kim kaya napabalik kami ni Julius agad agad.
"Kim, Kate okay lang ba kayo?!"
"Bakit? Anong nangyari?"
Tinignan ko si Kate pero wala namang mali sa kanya, si Kim naman tila gulat na gulat.
"Hala sorry mga kuya. Nababahing kasi ako tapos ayaw lumabas huhu."
Nakahinga ako ng maluwag ng malaman na walang nangyari sa kanilang dalawa.
"Alam niyo bang halos madapa kaming dalawa para icheck kayo?"
"Hahahaha. Babawi ako, ako na magbabayad ng order natin this day. Para pang thank you ko din na nakilala ko kayo."
Sabi ni Kate. Buti na lang talaga walang nangyari sa kanilang dalawa kundi, hindi ko alam gagawin ko.
"And oo nga pala, uwi na din tayo mag 1 am na din need natin magpahinga lalo na kayong dalawa. Malapit lapit na graduation niyo, btw Kim tuloy na lang natin pag uusap natin sa phone"
"Teka teka bakit hindi kami kasama? Parang may pinaplano kayo ha." pagtatanong ni Julius.
"Kuya wag ka ngang assuming. Masama ba magkaron ng girls talk? Like hello kayo nga ni kuya Cade madalas ganto so kami naman ni Kate. Bleh"
Natapos na naman yung gabi naman na puro tawanan. Natapos na naman yung isang araw na kasama ko sila, na kasama ko si Kate. Sana sa susunod na matapos at magsimula muli yung araw, siya pa rin yung kasama ko.
Hinatid namin si Kate sa bahay nila.
"Thank you Cade. Sige na dito na yung bahay namin oh, pasabi rin pala kay Julius at Kim na salamat."
"Sigurado ba kayo ni Kim na okay lang kayo?"
"Oo naman Cade. Sige na late na, kailangan niyo din magpahinga. Ang galing mo kanina."
Ito na naman yung mga ngiti niya na gusting gusto ko makita.
"Goodnight Kate."
Yumakap siya sa'kin at bumulong..
"Goodnight Cade. I love you."
Agad din siyang umalis sa pagkakayakap ng masabi niya yun sa akin. Gustong gusto ko siyang titigan.
"I love you too."
Ngumiti uli siya at pumasok sa bahay nila. Sana hindi matapos yung pagkakataon na ganito tayo Kate.
"Cade tara na! Nakatulog na si Kim dito sa kotse mahirap pa naman 'to gisingin baka buhatin ko na naman 'to paakyat sa kwarto niya eh."
"Ito na hahaha. Sanay ka namang buhatin yang kapatid mo simula pagkabata ikaw naman nagbabantay diyan."
Natapos ang araw namin. Nakauwi na rin ako pero hindi ko makakalimutan yung sinabi ni Kate sa akin ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...