CHAPTER 24 - 08.18.28

13 1 0
                                    

Cade's POV

"Uy Cade kanina ka pa tulala. Yung kape mo din lumamig na, pupunta pa tayo sa park diba?"

I nodded at nag sorry ako dahil kanina pa pala sila nag uusap tungkol sa mga bagay bagay. Xandra, Clav and Cal decided to stay na dito sa amin kaya hindi na sila umuwi sa States.

"Why are you so quiet kuya Cade? May problema ba?"

"No. Inaantok lang ako haha."

"By the way, I like your necklace kuya."

"Gusto mo? I'll make one for you."

"No need kuya, I knew that necklace madaming memory sayo. It's okay no need to give me one."

Tinawag kami ng iba pa naming kasama kaya umalis na kami sa coffee shop at dumiretso sa park. We all walked sa memory lane and look at the signatures na nakasulat hanggang sa makarating kami sa bench na bagong ayos at iba na ang kulay ng pintura.

"Oo nga pala, araw ng mga puso kaya iba ang ayos ng park ngayon."

"Kaya pala, puro white and red roses sa paligid, it's refreshing."

"Mas refreshing kasi nakahawak ka sa kamay ko."

Cal raised his hand habang hawak ang kamay ni Kim. Napa-woah naman kami ng aminin nila na official na silang dalawa. Napangiwi naman ang kuya ni Kim dahil dalaga na yung kapatid niya na ikinatawa naman naming lahat.

Buti na lang at pwede mag stay ng matagal sa park at nagbitbit kami ng pwedeng gamitin sa parang picnic namin. Nasa tapat kami ng bench at malapit sa playground na puno ngayon ng mga batang naglalaro. Habang nagkakasayahan ay pinanood ko ang mga batang naglalaro sa kalapit na playground hanggang sa may batang lalaki na nadapa at umiyak. Agad ko siyang nilapitan para tulungan.

"Okay ka lang ba?"

"Opo huhuhu. Salamat po huhu."

"Come here, shhh don't cry. Alam mo ba pag nadadapa tayo at nagkakasugat it means we are clumsy. Naging pabaya tayo."

"Huhuhuhu. I'm sorry kuya huhu naging pabaya po ako."

"Pero we can still make something good. Kailangan maging maingat sa lahat ng bagay kaya ikaw ha. Next time mag ingat ka, wounds will heal pero hindi agad agad eh."

Tumahan din ang bata ang ngumiti sa akin. He's cute, hindi na din naman siya ganun kabata.

"By the way what's your name? and here.. take this candy."

"Vincent po pero Vince po ang tawag nila sa akin."

Nagpaalam din siya sa akin dahil uuwi na daw sila ng mga kalaro niya. Natuwa naman ako kasi sabi niya everyday silang naglalaro doon kaya may chance na magkita uli kami.

"He's cute. Nakakamiss tuloy maging bata. Iiyak ka lang dahil nadapa ka and pag may nang aaway sayo at madaling masosolusyunan."

"Wow Cade saang dagat mo naman nahugot at ang lalim niyan?"

"Tss. Minsan talaga hindi ko alam kung pinsan pa kita Xandra."

"I saw someone looking at you habang kausap mo yung batang lalaki. Magpaiwan ka dito mamaya after 5 minutes sumunod ka din sa amin agad kasi di ko na kaya lusutan 'to haha."

Bulong niya sa akin kaya nag usap usap na lang muna kami. Ilang oras din ang lumipas bago sila nag desisyon na dumiretso na naman sa bahay na mas lumaki dahil pinagawa ko ang 3rd floor namin kaya halos lagi ay dun na sila pumupunta. Gaya ng sinabi ni Xandra ay nagpaiwan ako, nilingon ko yung bench at nakakita ng isang white rose.

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon