Xandra's POV
At first I was scared seeing things na hindi normal sa ibang tao pero as years passed by I decided to overcome it and nasanay na ako. Kim showed me the necklace I gave to her na hindi niya na naibalik kay Talla. Ipinakita niya sa akin yung mga numerong 08-18-28.
"Baka lucky numbers yan ate? Hindi kaya tumataya si ate Talla before sa lotto? Hahahahahaha!"
Napaisip ako sa mga numero na iyon hanggang sa tumawag sa akin si Cade.
"Xands, pupunta kami ni Cathy sa puntod ng mommy niya, gusto niyo bang bisitahin din si Talla?"
"Oh yeah sure kuya Cade! Punta kami sama ko si kuya, matagal na din nung nakabisita kami eh."
"Sure couz, punta kami. I'll tell Clav and Cal."
"See you po mga tito and tita. Miss ko na po agad kayo!"
We heard the cheerful voice of that cute little thing. Siya ang naging saya namin sa gitna ng mundong madilim. She brought the light when we are lost in the dark woods.
Pumunta kami sa sementeryo at binisita si Talla at Kate. Ilang taon na ang lumipas pero tandang tanda ko pa din yung mga nangyari, at ang hindi namin inaasahang mangyari. That night, pareho silang namatay, pareho nilang pinili na iwan ang mundo na parehong naging unfair sa kanilang dalawa.
"Tita Xandra?"
"Yes baby girl?"
She hugged me.
"Thank you. Thank you for coming back to me and I'm sorry hindi na kita masasamahan sa ibang gigs best."
Kinilabutan ako sa ibinulong sa akin ni Cathy, humiwalay siya sa pagkakayakap at ngumiti.. bumalik sa tabi ng puntod ng mommy niya at kumaway sa akin. Imposible, boses ni Talla ang narinig ko at tinawag niya ako na best. Inilagay namin ng dala naming na white roses sa mga puntod nila at ang mga pagkain na paborito nila mula sa coffee shop na paboritong din nilang puntahan. Lumamig ang hangin, sinundan ko naman kung san ito papunta.. Nakita ko muli ang araw ng birthday ni Kate at ni Cathy na parehong August 18 habang si Chantal naman ay April 28.
Muling umihip ang malamig na simoy ng hangin at napatingin ako sa direksyon na malapit sa nag iisang bench sa tapat ng puntod nila. I saw them both, they are smiling.. nakita ko din na napadpad ang tingin ni Cathy sa direksyon na yun at ngumiti.
"Zero, eight, eighteen, twenty eight. Hyosh"
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...