CHAPTER 9 - KISS, MARRY AND KILL

16 1 0
                                    

Cade's POV

This is her last day before ang flight niya papuntang Japan. Hindi kami nagkita sa mga nakaraang araw dahil na din sa mga inaasikaso niyang papers for their business. Kahit na naiintindihan ko siya, hindi ko maiwasang mag isip dahil sa mga kakaibang sinasabi din sa akin ni Kate. Itong mga nakaraang araw din ay hindi na 'ko nananaginip ng tungkol sa stage play siguro dahil tapos na ang play namin.

[ Unknown calling.. ]

"Hello?"

"Cade, sigurado ka bang kilala mo talaga si Katriel?"

"Sino ka? Ano 'tong sinasabi mo?"

"Kung ako sayo ay lalayuan ko na si Katriel para sa ikabubuti mo at ng mga kaibigan mo."

"Sabihin mo sa'kin kung sino ka para sundin ko!"

"Hindi mo 'ko kailangan makilala. Hahahahaha. Bilib talaga ako dahil magaling umarte si Katriel. Sabagay uma-acting nga naman siya sa theater."

Paano niya nalalaman itong mga bagay na 'to?

"Ang ganda nga ng play niyo eh parang totoo. Mas totoo pa yata yung mga nangyari sa play kaysa sa relasyon niyo. Sinasabi ko sayo hindi mo kilala si Katriel at baka siya pa ang sumira sayo, sa mga kaibigan mo."

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya at naputol ito. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit patuloy lang nitong sinasabi na hindi kumpleto ang number na tinatawagan ko.

[ Katriel Hyosh tagged you in a photo ]

"And in the end can you tell me if it was worth the try, so I can decide~"

Halatang nakikinig na naman siya ng kanta ngayon bago niya ipost ang picture namin sa park. Laging lyrics ng mga kanta ang inilalagay niya sa mga caption niya dahil

"Eh kasi those are the words I want to say to you.."

And then she smiled to me that time. Someone commented in the picture.

[ Enneiv Llari

Do you think you think this will make things right?]

I checked the account but it was private. I think kanta din yun so I don't waste my time stalking her account. Maybe kaibigan lang yun ni Katriel since madaming beses na siyang lumilipat ng school.

"Hay. Ang hirap naman ng ganito, hindi ko siya mapuntahan because she's fixing papers for their business at hindi ko siya maiistorbo."

[ From Kate

Open the door. I have something for you. ]

[ From Kate

Open it now. I'm sorry that's the only thing I can do for you. ]

Akmang bababa na 'ko mula sa kwarto ng bigla akong tawagin ni mama na nasa kitchen ngayon.

"Anak. Bumaba ka na diyan, may nagpadala ng paborito mong ham and cheese. Ang nakalagay sa note eh galing daw kay Katriel."

Nauna pa si mama na buksan yung pinto kaysa sa akin. Nagmadali akong bumaba dahil ilang beses na din ako tinawag ni mama haha.

"Ma nasan na po yung --- Kate?"

"Surprise Love!" agad siyang yumakap sa akin habang natatawa si mama dahil hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Sabi kasi ni tita puro ka lang daw games and pagkukulong sa kwarto these days eh so naisipan kong tulungan siya magluto ng favorites mo. Pork Adobo tsaka Ham and Cheese bread. Hindi lang yan, I even made some sushi for you hahaha."

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon