CHAPTER 8 - END?

16 1 0
                                    

Kim's POV

Tumawag si Kate sa akin pagkatapos niyang makauwi galing sa lakad nila ni kuya Cade.

"Hello Kim. Kailangan ko ng tulong niyo ni Julius."

"Bakit? May nangyari ba?"

"Please iexplain mo na lang sa kuya mo lahat. Kailangan ko 'tong gawin for Cade and kayo. Ayokong madamay kayo."

Ikinuwento niya sa akin lahat at inend agad ang tawag dahil kailangan niya daw mag ayos ng papers niya. Kinausap ko si kuya tungkol sa pinaplano ni Kate, ayaw niya sana pero sinabi ko din na kung hindi namin ito magagawa, may mangyayaring masama kay kuya Cade.

Cade's POV

Maayos ang tulog ko kagabi kaya maaga akong nagpunta sa salon para mag appointment para kay Kate. Tinext ko din siya para ipaalam na nagpa-appointment na ako..

[ Received from Kate

Okay sige. I'll be there ng mga 11am. See you. I love you. ]

Halos araw araw na kaming magkasama ni Kate kaya madaming mga bagay ang mas naaalala ko sa kanya. Ilang oras pa ay dumating din si Kate, iniabot ko na rin ang boquet ng bulaklak na puro white roses dahil yun ang kaniyang paborito.

"Di mo naman sinabi na may pa roses ka ha."

"Hindi dapat sinasabi pag surprise diba?" nginitian niya ako at dumiretso sa loob ng salon para magpa treatment.

Sinabi sa akin ng hair stylist na aabutin ito ng mahigit isang oras kaya umalis muna ako sa salon at naghanap ng pwedeng mairegalo sa kanya. Naalala ko ang kaniyang kwintas kaya nagpa customize ako ng design. Dahil na din may nakaukit na pangalan niya, inilagay ko ang aking pangalan na karugtong ito. Hindi mabubuo ang salita kung hindi pagdidikitin ang kwintas.

[ Kate calling... ]

"Helloooo, nasan ka?"

"Pabalik na 'ko sa salon. Tapos na ba treatment mo?"

"Yup hehe. Kain tayo uli cake, my treat!"

"Okay. See you babe."

Mukhang good mood na good mood siya para kumain na naman ng cake na paborito niya mula sa coffee shop. Kinuha ko ang kwintas na pinagawa ko at pumunta na din sa salon kung saan nandun si Kate.

"Cade.. ano.. okay ba?" humarap siya sa akin at ipinakita ang kanyang buhok. Pinabawasan niya ito hanggang balikat kaya nag mukha lalo siyang isang bata. Sakto pa na siya ay nakasuot ng puting dress na may design na puro bulaklak.

"Mas okay pag sinuot mo ito."

Isinuot ko sa kanya ang kwintas na nakaukit ang aking pangalan.

"Kailan mo 'to pinagawa? Ang dami mong surpresa sa akin ngayon ha. Baka sa susunod hindi ko na kayang tapatan yung surprises mo. By the way, thank you Cade."

"Kahit ano basta para sayo."

Binigyan ko siya ng halik sa noo at ngumiti naman siya. Nagpaalam at nagpasalamat kami sa mga nag asikaso sa kanya kaya sinamahan niya muna ako mamili ng damit para sa graduation ko.

"Oh ito bagay sayo 'to. Navy blue suit tapos white na panloob at isang neck tie na kulay itim."

"Hmm.. or ito kaya color white na coat tapos bow tie?"

Pinasukat niya sa akin lahat ng kaniyang napili. Tila enjoy na enjoy siya sa pamimili ng mga damit ko. Ngayon ko lang nakita ang ganitong ngiti niya, yung ngiti na parang walang ibang iniisip kundi sinusulit lang ang mga araw.

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon