CHAPTER 14 - GRADUATION

10 1 0
                                    

Cade's POV

It's the day. Naghihintay pa rin ako ng message from Kate kasi she promised to come. Inantay ko siya sa bahay, sa venue pero walang Kate na dumating. Hindi ako mapakali sa venue thinking of her, inawardad na ako at natapos ang ceremony pero walang Kate na dumating.

"Tol baka naman nadelay lang yung flight niya pauwi. For sure naman may dahilan yun eh."

"Oo nga kuya Cade, let's wait for her sa celebration mamaya. Kahit si ate Talla ininvite ni kuya hindi din nakarating eh."

Pilit na ngiti ang ipinakita ko sa kanila dahil ayoko din makasira ng mood lalo na at graduation namin. Cum Laude pa kahit papaano, I want to celebrate with her lalo na sa ganitong pagkakataon.

Pumunta kami sa bahay, nandun halos lahat ng kamag anak naming, nandun din yung family ni Julius dahil naisipan ng parents namin na mag double celebration na lang. Pareho lang kaming nakaupo ni Julius sa gilid ng stage.

"Dadating pa yan sila tol. Tiwala lang tayo."

"Hindi mo nabanggit sa akin na ininvite mo pala si Talla. Mukhang more than friends na kayo ha?"

Pagloloko ko sa kanya. Nagsimula ang party, ang lahat ay masaya at nagsasabi ng Congratulations sa amin ni Julius. Nakisaya din naman muna kami para hindi din masayang ang effort nila mama sa amin.

Katriel's POV

"Ate bakit mo ginagawa 'to?"

"Ikaw ang dapat ko tanungin kung bakit mo ginagawa 'to!"

Naiiyak ako, madilim na lugar at malamig. Hindi ko nakikita si ate dahil sa pwesto ko lang mayroong ilaw. Pero may natatanaw ako na upuan sa di kalayuan. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil lahat naman 'to ginagawa ko para sa kanya.

"Hindi mo ba naaalala si Cade? Siya yung nasa panaginip mo lagi. Ate hindi ko naman sinasadya na mahulog sa kanya, pero para sayo ate sige kahit maha—kahit ano gagawin ko kahit iwan ko pa siya. Ate gusto ko lang naman ayusin yung nangyari dati, gusto ko magbati tayo kaya noong nahanap ko siya inantay ko na maging okay ka.."

"Sinubukan mo akong patayin pagkatapos ay kukunin mo si Cade sa'kin? Sinong matinong tao ang gagawa ng ganun? Pinlano mo ba lahat para mapunta siya sayo? Ginamit mo pa yung pagkakapareho natin ha."

"Ate naman parang awa mo na. Kahit ito lang gabi na 'to, ibigay mo na sa'kin promise lalayo na 'ko. Magpapaalam lang ako sa kanya please ate."

Nagulat ako ng may humatak sa akin sa dilim habang may sinusubukan niya na pigilan ako na magsalita pa. Pinutol niya ang nakatali sa akin at sinenyasan ako na umalis na sa lugar na yun pero hindi ko magawa dahil bigla na lamang may sumabunot sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg ko.

"Sa wakas dumating din ang pagkakataon na 'to." Bumulong siya at umalis na din agad sa pagkakahawak sa akin.

Ilang putok ng baril ang aking narinig habang nakakaramdam ako ng kirot. Hindi ko alam kung may makakarinig man sa mga nangyayari ngayon o sa sasabihin ko..

"Cade kung ano man ang magawa ko o kung ano man ang mangyari sa akin, tandaan mo..."

Cade's POV

Ilang araw na ang lumipas ng matapos ang graduation ko pero walang Kate na dumating. Pumupunta ako sa park para magdala ng white roses at dumidiretso din sa burol na pinupuntahan namin pero walang Kate. Kahit sila Julius at Kim ay wala ng balita sa kanya.

"Kate, nasan ka na ba?"

Hindi ko mapigilan yung sarili ko na makaramdam ng inis dahil hindi niya tinupad yung pangako niya ngunit sa kabilang banda ay iniintindi ko pa din siya dahil may priorities din siya.

Umuwi ako sa bahay habang pinatutugtog ang kanta na iniwan sa akin ni Kate. Binasa ko yung mga huling mensahe niya bago siya umalis papuntang Japan at simula nun ay hindi ako nakatanggap ng mensahe sa kanya.

"Kuya Cade?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kim sa harap ko kaya muntik ko ng mabitawan yung cellphone ko.

"Kanina ka pa ba diyan Kim? Nakakagulat ka naman uso naman itext muna ako diba?"

"Eh kuya kanina pa kita tinetext pero hindi ka naman po nagrereply kaya naisip ko pumunta dito sa inyo."

"May kailangan po akong sabihin sayo kuya."

Inaya ko siya na pumunta sa coffee shop habang tinitignan ko ang messages ko. Nagtext nga siya ng ilang beses. Siguro ay hindi ko na napansin dahil sa pag iisip ko tungkol kay Kate.

Nakarating din naman kami sa coffee shop, ang bilis ng oras pero wala pa din siya.

"Kuya.. naaalala mo ba yung picture nating tatlo na ipinakita ko sa inyo? Yung may kasama ka?"

"Oo. Bakit?"

"Nakita ko din kasi siya sa ibang pictures mo pero madalas nasa malayo lang siya. Pero nung pictures mo na kasama si Kate wala siya sa paligid mo."

Binigay niya sa akin yung mga picture na nakita niya.

"Kilala mo ba siya kuya kasi hawig na hawig niya si ate.."

"Si Talla?! Sinabi at ipinakita mo na ba 'to ky Julius?"

"Baka po kasi sabihin niya nag photoshop lang ako pero nung inistalk ko yung pictures natin pati yung sayo sa profile mo.. nakita ko siya."

"Pero diba sabi ni Julius si Talla galing sa ibang bansa?"

"Yun din po ang alam namin ni Kuya. Kaya nagulat po ako ng makita ko 'to. Pero nung pinakita ko yung picture na nasa vase mukhang kilala mo siya?"

"Pero hindi ko pa kilala si Talla noon. Ang naaalala ko ay mukha ng babae na pamilyar. C—"

"Ate Chantal."

Pagputol ni Kim sa akin. Tinawagan niya ang kuya niya para ipakita lahat ng nalaman namin tungkol kay Talla.

"Ang buong pangalan ni ate Chantal ay Chantallari Vienne Hyosh."

Natigilan ako ng malaman ang buong pangalan niya. Hindi lang ako kundi pati sila Julius at Kim.

"Ang ibigsabihin kapatid ni Kate si ate Chantal?"

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon