Cade's POV
Ilang araw pa ang lumipas at pumunta uli ako sa park na may dalang white roses, dalawang pirasong white roses ang dala ko ngayon para may maiwan pa din sa bench. Dumating ako ng mas maaga kaysa sa oras na ipinupunta ko lagi para maglakad lakad din.
Makalipas ang ilang oras na dumating nga si Talla pero nakita kong dumiretso siya sa swing sa playground at naglaro kasama ang mga bata.
"Kaya siguro favorite niya 'tong bench na 'to dahil natatanaw niya yung mga bata na naglalaro."
Pinanood ko si Talla habang nakikipaglaro sa mga bata at biglang dumating si Julius.
"Tol nagdala ka pa din ng white rose dito. Paniguradong tinutupad mo talaga ang promise mo eh. Oo nga pala, tignan mo si Talla hindi ba hawig sila ni Kate?"
"Paano mo nasabi?"
"Tignan mo yung kilos niya, yung favorite place, yung bahay at favorite din niyang bulaklak gayang gaya ni Kate."
"Mas naaalala ko nga si Kate pag kasama ko siya. Parang kasa-kasama ko lang si Kate kahit malayo siya."
"Oh tol may Kate ka na ha, balak ko ligawan yan si Talla e ano ba mapapayo mo sa'kin?"
"Unang una maligo ka lagi at mag toothbrush kasi wala ka sa kapogian ko." Binatukan niya naman ako at nag reklamo.
"Seryoso naman kasi yung tanong ko eh"
Natawa naman ako sa ikinilos ni Julius at agad din siyang umalis nang makita na papunta na si Talla sa bench saan ako nakaupo.
"Cade, hindi ba si Julius yun?"
"Oo hahahaha napadaan lang naman siya kita na lang daw uli sa coffee shop mamaya."
Iniabot ko ang isang rose kay Talla at agad niya naman itong tinanggap at nagpasalamat.
"Thank you Cade. Mukhang kikitain mo na siya ah? May dala ka pang isang rose oh."
"Hahaha hindi pa siya umuuwi pero nagbabaka sakali ako na pagbalik ko bukas kinuha niya na itong rose na iiwan ko. Tutal binibigyan naman na kita."
Nagpasalamat siya uli at umalis din agad dahil may photoshoot daw siya kaya nagpaalam din ako.
"Kailan kaya uuwi si Kate? Excited na din si mama na makita si Kate haha mukhang mas miss niya pa si Kate kaysa sa sarili niyang anak."
Sabi ko habang tinitignan yung rose na hawak ko. Naghintay ako ng isang oras at iniwan na din yung bulaklak sa bench.
Talla's POV
Bumalik ako sa park dahil nakalimutan ko ibigay kay Cade yung schedule namin nila Julius para sa rehearsal ko sa acting. Bumalik ako pero hindi ko na siya nakita sa bench at sa halip ay nakita ko ang white rose na iniwan niya. May lumapit at kinuha ang white rose, umalis at nag iwan ng note sa bench.
Nang makalayo siya ay agad akong lumapit para tignan.
"Sabi ko sayo, layuan mo si Katriel kung ayaw mo mapahamak. –V"
Katriel? Ibinalik ko ang note na nakalagay sa bench at umalis agad.
Katriel's POV
Hindi ko sinabi sa kanila kung kailan ako babalik kaya panigurado ay masusurpresa sila. Hindi muna ako magpapakita sa kanila sa unang dalawang araw.
Pumunta ako sa bench kung saan ako nagpaiwan ng white rose kay Cade pero nagulat ako ng madatnan ko ay isang sticky note na nakalagay doon.
"You can't hurt him. I'll kill you instead. –V"
Nagulat naman ako ng may lumapit sa akin, isang babae na sa tingin ko ay nasa 30 years old na.
"Madalas ka ba dito?"
Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Hanggang likuran niya at itim na itim ang kulay ng kanyang buhok, maputi siya at bilog na bilog ang mga mata.
"I'm Xandra. Napansin ko kasi na may lalaking nag iiwan ng white roses dito so I think it's your favorite flower. Sometimes ang meaning ng white roses ay new beginning or farewell. Minsan naman it can say na iniisip ka ng tao na nagbibigay nito sayo."
Bumalik ang tingin ko sa note bago sumagot sa kanya.
"Yes. I didn't know kung beginning o farewell ba ang mangyayari sa akin pero gusto ko lang marealize ni Cade na I've been thinking of him habang nagdedecide ako."
Hindi na siya sumagot kaya lumingon ako ngunit wala na siya. Lumamig naman bigla ang simoy ng hangin kaya umalis na ako sa bench dala dala ang sticky note na nakakabit. Dumiretso ako sa bahay kung saan tumutuloy si ate para doon muna mamalagi.
"Oh Vienne kailan ka pa umuwi?"
"Fresh from Japan ate, kakarating ko lang din hahaha. Malapit na din kasi graduation ng boyfriend ko at gusto ko siya isurpresa."
Napansin ko na tila umiiwas si ate ng tingin sa akin at medyo awkward pa din dahil sa nangyari sa amin in the past.
"Ate may problema ba?"
"Wala naman. Oo nga pala may kikitain ako sa coffee shop gusto mo ba na sumama?"
"Sure ate. About work?"
Tumango siya at tinulungan ako na ayusin ang gamit ko.
"So what's his name?"
Sabay naming tanong sa isa't isa kaya napatawa kami pagtapos marinig.
"You first."
"His name is Cade. Communication Arts student, graduating."
Nagtaka ako ng mapangiwi si ate, hindi man lang siya nag react sa pangalan ni Cade? Weird. She's been sending emails sa akin before and said na he's seeing someone in her dreams na Cade ang pangalan and she said na ipinapakita dito na in love siya. May times na kinukwento na din si Cade sa akin before.
"Christian Ade right? I knew it. Ikaw yung dinadalhan niya ng white rose sa park."
"Ate, how did you – k.."
"Nag meet na kami, ilang beses na din dahil sa rehearsals ko for work."
Doon ko nakita na hindi ganoon familiar si Cade sa kanya. Weird.
"Ate, hindi pala ako pwede sumama sayo kung sila ang kikitain mo. I don't want them to see me agad before their graduation eh."
"It's okay. Oh paano aalis na muna ako so pwede ka na mag pahinga dito. Tsaka na tayo lumipat sa bahay natin after mo magpakita sa kanila."
"Ate, wala po bang nasasabi sa'yo si Cade? About you hehehe."
"Wala naman."
Ngumiti lang siya at umalis para magpunta sa coffee shop. Napaisip naman ako ng makita ko siyang ganun. I'm doing this for her. At this time kung ilang beses pala na nagkikita na sila ni Cade she probably into Cade and she will message me na nakita niya na ang taong hinihintay niya sa studio that time.
[ Enneiv Llari
So magkasama na pala kayo ni Talla? ]
I knew it. Hindi si ate ang may hawak ng account na 'to.
[ Enneiv Llari
Masusurprise ka sa gift ko sweetie. Wait until sa graduation ng mga kaibigan mo. ]
I don't want to waste time replying to this one. Lalo na at naguguluhan ako kasi Cade is ate's first love and also si Cade? Bakit hindi man lang siya nagrereact sa similarities namin if they are already in love with each other even before the accident?
May nag door bell kaya dumiretso ako agad sa gate ng bahay.
"Oh ate, you forgot something?"
"Oo. Ikaw."
Something's new with her voice. Binuksan ko ang gate and..
"Ika—w?"
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...