CHAPTER 18 - THE LAST CHANCE

8 2 0
                                    

Cade's POV

Naglalakad ako habang mabigat ang nararamdaman.

"Katriel tried to kill her sister the night of your accident."

Naririnig ko pa din ang mga sinabi sa akin ni Kim at Julius. Isa isa nilang sinasabi sa akin yung mga bagay na sa una ay hindi ko maintindihan.

"Even your accident. She is the reason. I don't know what's with her, pag kasama ka niya she's acting nice and pinapakita niya na mahal ka niya."

"She even give these customize things for you."

"What's the reason sa lahat ng 'to. Talla didn't even remember me pero siya din ang pupuntahan ko sa studio... but Katriel's name is also Vienne and that was the necklace given to me."

"The only thing to find out is to ask her.."

Natigilan ako ng makita ko si Kate na nakaupo sa favorite spot namin? Kate please tell me these are all lies.

"Hi babe."

"Cade.." she smiled and it pains me. I really love her smile pero this time habang may gumugulo sa'kin hindi ko na alam. My heart says huwag ko pigilan ang pagtatanong pero my mind says may explanation naman ang lahat ng bagay na nalaman ko.

"Anong ginagawa natin dito?"

"I'm here to say goodbye.. to you.. to us."

Natigilan ako ng marinig ang mga sinabi niya. She's still smiling while looking directly into my eyes.

"What do you mean?"

"You'll be hurt habang nagsstay ka sa'kin. I can't promise to protect you so please protect yourself."

"I'm willing a masaktan basta para sayo. I always do."

"No you don't understand. This time we need to let each other go. Oo nga pala, this necklace.. you can save this for your true love."

Iniabot niya sa akin yung necklace na may pangalan ko at muling ngumiti. Kita ko yung mga tubig na gustong kumawala sa kanyang mga mata. Sa halip na magtanong pa 'ko tungkol sa nangyari, wala akong nagawa. Mas nangingibabaw yung pagmamahal ko sa kanya. I hugged her, niyakap niya din naman ako pabalik.

"Calm down. Baka nabibigla ka lang, we can still fix things and ilagay 'to sa tama."

"Enough Cade. This will fix everything."

Tinignan niya 'ko at hinawakan ang mga pisngi ko. I saw the stars, I saw galaxy in her eyes pero agad na napalitan 'to ng isang madilim na parte. Balewala na sa'kin yung mga nagawa o nangyari noon hindi ko siya kayang bitiwan basta basta.

"B—bakit? Ano bang dahilan?"

"Hindi mo na kailangan malaman." She smiled and wiped the tears na nagsisimula ng dumaloy mula sa mga mata ko. Sinandal niya ako sa mga balikat niya. Pansamantalang naramdaman ko na hindi niya 'ko kayang iwan.

Katriel's POV

He asked me ng paulit ulit kung ano ang dahilan pero hinding hindi ko pwedeng sabihin sayo. Hindi mo pwedeng malaman kung bakit.

"Not all story ends happily."

I said. All I can do is to smile and huwag ipakita sa kanya yung mga luha na kanina pa gusto kumawala. This is all I can do for you Cade, ayokong dumating yung time na ikaw na yung mawala.

"Kate, please let's work this out."

Lumuhod siya, nagmakaawa at halos hindi na humiwalay habang yakap yakap ang mga paa ko. He's a mess right now and I can't do anything dahil mas wasak ako kumpara sa kanya. Ilang beses kong naisip na yakapin pa siya pero pilit kong pinipigilan ang aking sarili.

"Cade kailangan ko na umalis.."

"No. No, I'll change Kate. What do you want me to do? Anong kailangan kong gawin for you to give me a chance?"

"Cade, please. I'm sorry. It's over."

Inalis ko ang pagkakayakap ni Cade sa mga paa ko at tuluyan siyang iniwan. Naglakad ako pababa ng burol at sumakay sa kotseng nag aabang.

"Cade.. I'm sorry. Sorry minahal kita. Sorry." I glanced. Muli kong tinignan yung burol na yun sa huling pagkakataon. Tinext ko si Kim para wala ng mangyaring masama kay Cade. That was the time na bumagsak ang mga luha na pilit kong pinipigilang lumabas. Ang sakit. Masakit pero mas masasaktan lang kami pareho kung mananatili kaming ganito.

"Akala ko hindi ka tutupad sa sinabi mo."

"Please just leave me alone this time. I did what you said kaya please lang leave me alone."

That's the time I realized na hindi na maganda yung nangyayari sa'kin. Panic attacks and anxiety after ng nangyari dati pagtapos ako iwan ni ate. I wanted to kill her para maramdaman niya yung pain na naramdaman ko ng mga oras na yun pero everytime nakikita ko si ate pinanghihinaan ako ng loob.

Ako yung nagsimula kaya ako din ang dapat tumapos. Hindi pwedeng madamay pa si Cade, tama na yung panahong ginamit lang namin siya. Mas hindi ko kayang mawala siya, mas gugustuhin ko pang ako na lang kaysa siya. Cade is the reason why I changed kaya lang hindi pwedeng magbago ako habang alam kong posibleng mangyari yun. Wasak na wasak na 'ko bago pa man siya dumating sa'kin, sa amin.

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon