CHAPTER 12 - DREAM

11 2 0
                                    

"Huwag mo na akong puntahan, baka pag bumalik ka hindi na kita kayang bitiwan."

"And cut!" sabi ni Kim.

Pumalakpak kaming tatlo dahil nagulat kami at dalang dala ni Talla ang eksena.

"Di mo naman sinabi sa amin na magaling ka sa acting ate Talla." Sabi ni Kim.

"Akala ko nga hindi ko din magagawa haha. Pero kahit anong mangyari naman kasi iniisip ko na lang na why do I have to hide? people will judge me anyway"

"Oo nga naman. Hindi talaga nawawala yung ganun, kaya siguro alagang alaga ka ng company dahil sa confidence mo." Sabi ni Julius.

"A—ano yung sinabi mo Talla?"

"Why do I have to decide? People will judge me anyway."

Bakit pamilyar sa akin yung mga sinabi niya na yun?

"Kuya Cade bakit?"

"Wala naman. Medyo sumakit lang yung ulo ko."

Lumabas muna ako saglit para makalanghap ng hangin. Kita kong nagtaka sila Talla, Julius at Kim pero nagulat din ako ng biglang sumakit ang ulo ko.

[ Enniev Llari

Hello Cade! ]

[ Cade

Hello? Anong meron? ]

[ Ennieve Llari

Parang mabilis mo na makakalimutan si Kate ah? Maganda yan para hindi ka na masaktan. Maniwala ka sa'kin. ]

[ Cade

Bakit ako maniniwala sayo? Bigla ka sumulpot sa message request ko at nag comment sa post ni Kate. Mahal ko si Kate at wala kang magagawa para pigilan yun! ]

Seen 7:00pm

"Cade, uuwi na 'ko ha. See you around na lang." sabi ni Talla.

"Kuya Cade kaya mo naman umuwi mag isa this day diba? Ihahatid muna naming si ate Talla sa bahay ng bestfriend niya."

"Oo naman. Ingat kayong tatlo."

Binalikan ko lang yung inumin na naiwan ko at nagsimula na din akong maglakad, naisipan kong pumunta sa burol na pinupuntahan namin ni Kate. Pagtapos ng paglalakad ay nakarating din ako.

"Kate, konting araw na lang at makikita na kita. Di mo alam kung gaano ko namimiss yung mga ngiti mo."

Kinuha ko uli yung earphone na bigay niya at pinatugtog yung kanta na iniwan niya sa akin.

I can think of all the times
You told me not to touch the light
I never thought that you would be the one
I couldn't really justify

Nilaksan ko ang volume at tumingin sa langit. Ganito siguro yung pakiramdam niya noong mga panahon na umaakyat siya dito mag isa.

How you even thought it could be right
Cause everything we cherished is gone
And in the end can you tell me if
It was worth the try, so I can decide

Katriel's POV

Leaves will soon grow from the bareness of trees
And all will be alright in time
From waves overgrown come the calmest of seas
And all will be alright in time
Oh you never really love someone until, you learn to forgive

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon