Kim's POV
Halos isang oras ako naghintay sa binigay na address ng taong nakausap ko sa phone. Hindi ko mawari ang kanyang boses dahil na din mas iniisip ko si Kate. Ilang oras pa ang lumipas at walang dumating na kahina hinala o kaya'y walang pumapansin sa akin.
"Siguro prank call lang 'yon."
Yumuko ako at tinignan ang direksyon ng aking mga paa hanggang sa may nakita akong sapatos sa harap ko.
"I'm sorry late ako. I tried to go here habang hindi niya ako napapansin."
"Who?"
Inilagay niya ang isang cellphone sa aking kamay. Tinaasan ko siya ng kilay at bago pa man ako nagsalita ay nauna na siya.
"No more questions. Check the phone."
"Pero may password.. paano – ko..?
Nakita kong wala naman itong laman pero natigilan ako ng makita ko ang nakarehistrong pangalan sa phone.
"Alexandra... wait you are ate Chantal's bestfriend right?"
Tumango siya bilang tanda ng pag sang ayon at binuksan ang nag iisang file na naglalaman ng isang video clip.
"Ano 'to?"
"I want you to help Kate. Ako na bahala kay Chantal."
"But why?"
Hinila niya ako papasok sa park kung saan ay laging pinupuntahan ni kuya Cade. Pumunta kami sa bench at napansin kong iyon din ang bench na sinasabi ni kuya Cade na favorite spot nila Kate at ate Talla.. I mean ate Chantal. Pinaupo niya ako bago siya mag kwento.
"I was there when Kate tried to kill her sister."
Nagulat ako sa sinabi niya, akmang aalis ako sa kinauupuan ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Pero hindi niya tinuloy. For sure hindi niya din natatandaan kung sino ako. Paano mo pala nalaman na bestfriend ako ni Chantal?"
"Because naikwento niya yun kay kuya Cade pero ang sabi nawalan na daw siya ng balita sayo."
"It's because I knew what happened that day sa studio. Isa din ako sa mga nakakita sa lahat ng nangyari. I even know na naaksidente si Cade that night."
Ipinapanood niya sa'kin ang video at nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko si ate Chantal sa studio and she is not waiting for someone. She's typing.
"Paano mo nakunan 'to?"
Hindi siya sumagot at mas pinanood ko pa ang video na yun. Nakita ko si Kate wearing a mask and a cap. Walang kamalay malay si ate Chantal na malapit na si Kate sa kanya. Nang akmang sasaksakin ni Kate ang leeg ng ate niya ay namatay yung ilaw, isang minuto lang yung lumipas pero pagbalik ng ilaw ay wala na si Kate sa likod ng ate niya.
"It's giving me chills. Paano siya nawala ng ganun kabilis at isa pa hindi nakabukas ang ilaw so paano?"
Wala pa din akong natanggap na sagot mula kay ate Alexandra at ipinagpatuloy ko ang pinapanood ko. Pagkabalik ng ilaw ay wala na si Kate pero may dumating na isa pang tao pero nagmamasid lang ito at pinagmamasdan ang kilos ni ate Chantal. Hanggang sa lumapit ito at may tinurok na gamot sa leeg ni ate.
"Isa yang gamot na nagpapatigil ng tibok ng puso mo sa ilang minuto at kung hindi mo siya bibigyan ng antedote ay tuluyan siyang mamamatay. That time hindi ko naisipang lumapit kay Chantal dahil ayokong masisi, natakot ako. Dumating ang mga estudyante at nakita na si Chantal."
"And?" nanahimik siya sandali pero agad ding nabalik ang atensyon niya sa akin.
"Bumalik si Kate. Humanap siya ng tiyempo para makuha ang ate niya that time. And kung makikita mo sa end ng video, pinuntahan ko yung lugar kung san natagpuan si Chantal na walang malay and I saw the necklace na may nakaukit na Vienne."
Inilabas niya ang suot niyang kwintas na nakatago sa jacket niya.
"This is why I want you to help Kate. Ako ang nagpadala ng necklace kay Cade kasi I know kayo ang makakatulong sa magkapatid na Hyosh."
Ibinigay niya sa akin ang kwintas na may locket at muling nagsalita.
"Katriel's last wish is maibigay ang locket na 'to sa ate niya."
"Last wish?"
"Yes. Bago niya pagtangkaan na patayin ang ate niya."
Nanlamig ako sa narinig ko at hindi ko na nagawa pang mag salita o mag react.
"Hindi natin ganoon kakilala si Katriel, she can do things to her sister. She can try to kill her ng paulit ulit para.."
"Para?"
Akmang sasabihin na ni ate Alexandra yung dahilan pero bigla niyang nakita sila kuya Julius at kuya Cade na papalit. Hindi ko siya napigilan pa dahil umalis din siya ng parang walang nangyari. Nakareceive ako ng text mula sa unregistered number kaya binasa ko ito.
"Keep this phone close to you. Give the locket to Chantal and please don't tell anyone na nakita mo 'ko. –Xandra"
Itinago ko ang phone sa bag na dala ko. Gulong gulo na 'ko. Una nalaman ko na magkapatid sila Kate at ate Talla tapos ngayon malalaman ko na Kate tried to kill her sister sa hindi ko din malaman na dahilan.
"Kim!"
Agad kong nilingon ang pinanggagalingan ng boses at nakita ko si kuya Julius, kuya Cade at si Kate.
"Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na ah."
"Mukhang may kinikita kang lalaki dito Kim. Ayieeee sabi ko na nga ba meron kang magugustuhan sa mga manliligaw mo eh."
"Care to explain Kimmverly Ray Montel?!"
Natawa naman ako sa reaksyon nilang tatlo lalo na ang kuya ko. Care to explain care to explain pa siyang nalalaman. Kilala ko 'to once na binanggit niya yung buong pangalan ko at may pa-english english pa eh seryoso 'to.
"Hayy kuya. Time flies so fast when you're happy. By the way I didn't know na nandito na si Kate."
Pang aasar ko kay kuya at pagbaling ng tingin ko kay Kate at kay Cade na ngayon ay magka-holding hands.
"Wow akala mo hindi nagkaron ng misunderstanding. Holding hands holding hands kala mo walang promise na di natupad hahahaha!"
"I may be late pero dumating ako. Tara na nga, kwento mo na sa'kin yung tungkol sa dinedate mong lalaki dali!" tuluyan na naming iniwan ni Kate sila kuya sa likod na tila naghahanap pa ng mga bagay bagay sa bench kung san nila ako natagpuan.
Cade's POV
Nakatulog ako ng matagal kaya pagsilip ko sa bintana ko e madilim na. Wala pa din akong natanggap na message o kahit anong may kinalaman kay Kate. Naisipan kong bumaba para kumuha ng pagkain dahil nakaramdam na 'ko ng gutom. Sa wakas ay nakaramdam na 'ko ng gutom sa buong araw na 'to.
"O anak buti naisipan mong bumaba ditto at kumain."
Masaya na may halong pag aalalang sabi ni mama sa akin. Ngumiti lang ako at dumiretso sa dining area. Pumunta siya uli sa may kusina kaya binuksan ko yung mga pagkain na may takip.
"Pork adobo, ham and cheese bread and.."
"Sushi." Sagot ng isang tao na pamilyar ang boses sa akin.
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...