August 16, 2010
It's been a month since she left me. I never wrote things about me sa mga lumipas na araw at buwan. I never contacted her again, ayokong dumagdag sana sa mga naiisip niya until I met her bestfriend. Ate Shine became my second sister, pinunan niya lahat ng pagkukulang ni ate sa akin. She's thirteen and my age is twelve. Wala pa 'kong masyadong alam sa mundo, mom and dad are always going somewhere at naiiwan lang ako sa bahay na tila nagiging kulungan ko. Lagi akong binibisita ni ate Shine, lagi siyang nandito sa tabi ko kahit malungkot o masaya ako. She never think of living me para mangibang bansa unlike my real sister.
This day I promise to do something for ate Shine as my thank you sa mga nagawa niya sa akin. I promise.
August 18, 2010
I met a man. It is also the day where I lost ate Shine because of ate Talla. She invited ate Shine sa party sa ibang bansa, all expenses ang sinagot ng ate ko samantalang ako wala akong natanggap na invitation. All our maids are sleeping that time, sanay ako na nandito si ate Shine beside me, watching me till I fall asleep. Naiwan ako mag isa sa kwarto ko, madilim, malamig. Wala akong kasama hanggang sa someone knocked at my door. I expected na si ate Shine yun pero hindi. This is my last entry. I'm lost, I lost. Nobody is there for me. Kung hindi sana ininvite ni ate Talla si ate Shine siguro normal pa 'ko ngayon. Hindi sana nakuha ng lalaki na yun ang gusto niya.
Kim's POV
Kate sent a message to me, pagkabasa ko ay agad kaming umalis ni kuya para puntahan si kuya Cade sa burol na yun. Kate didn't say other word at ang sinabi niya lang ay naghihintay si kuya Cade sa amin.
"Kuya, 30 minutes na tayo nandito pero wala naman si kuya Cade. Hindi kaya prank lang 'to?"
"If she's playing games, I'm on it. Hindi ko inaakalang gagawin 'to ni Kate."
Kitang kita ko ang galit sa mga mata ng kuya ko. Cade is his bestfriend, noong siya ang nabubully, kuya Cade is there for him kaya hindi ko siya masisisi.
I contacted ate Alexandra, lately ko lang nalaman na pinsan ito ni Cade. She said she will go with her brothers, Cade's cousins.
"Kuya Cade's cousins are on their way here kuya. Kumalma ka muna please. Nakakatakot ka na."
Nakita kong nanggigil si kuya at halos suntukin niya na yung puno na malapit sa amin. Isang oras ang nakalipas at tumawag si ate Xandra sa akin.
"Hello ate?"
"Bakanteng warehouse. 1 hour na biyahe mula sa village. Go."
"Anong ibig mong sabihin?"
Nag loud speaker ako para marinig din ni kuya.
"Cal and Clav tracked his phone. Kumilos na kayo kung gusto niyo tumulong or else kami na ang tatapos nito."
She ended the call at pansin ko na madaming alam si ate Xandra sa nangyayari. Base sa salita niya ay parang may masamang mangyayari sa kahit isa sa kanila. Tumakbo na kami ni kuya pababa ng burol at buti na lang ay dala niya ang kotse niya kaya bumiyahe agad kami sa warehouse na sinasabi.
"How did you know ate Xandra? kuya Cal and Clav?"
"Ikukwento ko sayo lahat pero kailangan muna nating puntahan si Cade. This is the time. Ito ang sinasabi na mangyayari."
"Saan?"
Hindi na sumagot si kuya at mabilis na pinaharurot ang kotse na dala niya. Wala akong kamalay malay sa mga nangyayari until someone sent me a copy of a diary. It looks like sinubukan itong sunugin.
"Received it?"
"What?"
"The Diary. Her diary."
Tumango lang ako pero hindi ko pa din naiintindihan kung bakit tila ganito ang kilos ng lahat sa kanila. Deactivated na ang account ni Kate at ate Talla kaya wala na, hindi na din namin sila mahanap. Someone called kuya kaya inilihis niya ang kotse. May dumating na kasunod namin at pinababa ako ni kuya.
"I can't let you see the things that might happen. Go on, sumama ka sa kotse na nasa likod natin. I'm sure they will take care of you. Send the copy of the diary. Huwag mo na 'ko hintayin sa bahay. Take care my baby girl."
Hindi na 'ko nakapagsalita at agad na bumaba sa kotse, pumunta sa isa pa at nakita kong pinaharurot na kuya ang kotse niya. What's happening?
"Come on. We need to go."
Isa sa mga lalaki ang tumawag sa akin papasok sa sasakyan.
"Come on or else baka may masama pang mangyari sa'ting lahat. Trust us. We're Cade and Xandra's cousins."
"Kim, let's go."
Inilagay ko ang seatbelt ko at nagsimula kaming sumunod kay kuya. One is driving while the other one is tracking, they are giving instructions to ate Xandra and kuya Julius.
"She's awake. Be careful Xandra. Ayokong mayare kay daddy dahil meron ka na namang mga pasa after nito."
"Julius, Cade's inside the room. Left side 2nd floor."
Para akong nanonood ng action and detective movies na live, na isa ako sa mga tauhan ng isang kwento. I checked my phone, may lumabas na kung ano ano sa screen and the man beside me noticed it.
"Oh shi..."
He almost cursed pero pinigilan siya ng lalaki na nagda-drive.
"Give me your phone."
"Kaya mo ba Cal?"
The guy beside me nodded. I gave him my phone at may nilagay siya na wire na naka connect sa tablet na gamit niya.
"I found her."
"Who?" I asked.
"Shine."
Pagkarating naming ay binigyan ng katabi ko ang lalaking nagda-drive ng isang ear piece at agad na bumaba ito sa sasakyan.Sumenyas ito at itinuro ako. That time I got the chance to ask.
"Who are you? Anong nangyayari?"
"Bakit interisado ka? Hindi kita type."
"Hey, I'm asking you ng maayos. Stop telling me jokes because I'm not into it right now."
"I'm Calixto, Calix for shot but yeah I'm not short."
Nagagawa pa talaga niya magbiro sa ganitong sitwasyon? Tinitigan ko siya ng masama. Pabalik balik ang tingin ko sa tablet na hawak niya at sa kanya na ngayon ay seryosong tinitignan ang screen.
"Why? Interested in hacking and tracking?"
"Nope."
"Good. This is not for a girl like you. Hindi din papayag si Julius na madamay ka."
"How did you know my brother?"
Sa halip na sumagot ay muli niyang ibinalik ang tingin sa screen ng tablet na hawak niya.
"This is interesting."
Nagtaka ako sa sinabi niya. I decided na bumaba ng sasakyan para sundan o tignan ang nangyayari sa loob pero bago ko pa buksan ang side ko ay nalock na ang pinto.
"You better stay with me now or you'll stay with me for the rest of your life."
"Here." Iniabot niya sa akin ang nag iisang ear piece at isinuot ang bulletproof vest.
"Julius will kill me pag pati ikaw nadamay dito. He knew that you're here so you better stay."
Halos dalwang oras kami nasa kotse ng makarinig ako ng mga putok ng baril sa loob ng warehouse. Kinabahan ako, kuya is there.
"It's done. Finally."
Kalmadong sabi ni Cal sa akin. Kinapa ko ang bag ko and I found the necklace. Yung binigay sa akin ni ate Xandra.
BINABASA MO ANG
When I See You [COMPLETE - editing]
Random"If we stop, we may be happy ---- but we're not part of each other's happy ending." Christian Ade Verde is a Communication Arts student, member of theater and music club. His life flows smoothly not until he met her. If his love will make her stay...