CHAPTER 25 - HER LAST

13 2 0
                                    

Katriel's POV

Puro putok ng baril ang narinig ko sa gabi na yun. Nakita ko na bumangon si Julius at sinanggahan ang ate ko naalis naman agad ni Clav ang pagkakatali ko sa kanya at pinaulanan ng bala ang mga lalaking sumubok na kuhain ang kahit sino man sa amin.

Nang makita ko na itututok na ni ate Shine ang baril na hawak niya kay Cade ay agad ko na siyang sinaksak ng kutsilyo na kanina ay hawak ni Cade. Ang kutsilyo na muntik ko ng maisaksak sa tunay kong pamilya, kay ate Chantal.

"Stop it ate Shine! Itigil mo na 'tong kahibangan mo na 'to!"

Nagdilim ang paningin ko kaya hindi lang isa o dalawa kundi limang beses kong isinaksak sa kanya ang kutsilyo na hawak ko bago ako tumakbo kay Cade na ngayon ay pinipilit makawala sa pinagtalian sa kanya. I help him, inalis ko ang mga lubid na mahigpit na nakatali sa kanyang mga kamay at paa. Tinignan ko ang ate ko na yakap ni Julius ngayon kahit na hinang hina na siya.

Pinuntahan ko siya upang tignan ang lagay niya, sinabihan ko si Clav ng daan na alam ko para mabilis silang makalabas dito sa impyernong ako ang may gawa. Nauna ng lumabas si Xandra, Julius habang inaalalayan si ate Talla. Nakita ko ang mga mata niyang nagmamaka awang sumama na ako sa kanila pero hindi ko pwedeng pabayaan si ate Shine dito.

"Kate!"

Huling tawag sa akin ni ate bago ko marinig ang huling putok ng baril sa warehouse. Nakita kong pilit na nilang inilabas si ate Talla kaya hindi ko na muling nahawakan ang kanyang kamay.

"Katriel!" pagalit na isinigay ni Cade at tuluyang binaril si ate Shine na kanina pa hinang hina.

"C—Cade.."

"Kate, I'm so sorry nalate ako. Please, please hold on. Nasa labas lang sila, ilalabas kita dito."

"Cade, dumating ka sa tamang pagkakataon...." I held his face and wiped his tears.

"I don't want to see you crying because of me.. Shh.."

"Clav please tawagin mo na si Cal para mabuhat na natin si Kate palabas dito!"

Tumakbo si Clav palabas ng warehouse habang kinakausap si Cal sa earpiece.

"Cade, can you.. pro—mise me? You'll get in touch with someone I never show my love before.."

"Who? Why? Mabubuhay ka Kate!"

"Contact my parents, nasa States na sila.. t—they are with my ch...ild. Ang naging.... bun—ga ng pag gahasa sa akin ng.."

"O..kay I'll promise but promise me you'll survive!"

"Cade, you're the one reason. Naranasan ko yung mga bagay na hindi ko naranasan for the past years... Ikaw ang naging dahilan para tablan ako ng salitang mahal."

He cried pero pinipilit niya pa din akong tignan.

"Can I ask you another favor?"

"Clav pakibilis!!!!"

"Cade.. can you sing me my favorite song?"

"n—now?"

"Yes..."

I held his hand and look at his eyes while he's singing. Leaves was my favorite song unang rinig ko pa lang dun.. I think about Cade's love.

"Don't close your eyes please.. Kate."

"I'm just enjoying the song you're singing.."

I heard na dinala na daw sa ospital si ate Talla kaya relieved na ang pakiramdam ko. Magagamot na sila, they will not experience this hell again because I ended it bago pa may mawala sa kanila.

"I love you Cade, I'm sorry.."

Hindi niya ako narinig at patuloy na kumakanta kahit na alam kong hindi niya na kaya. That was the first and last time I heard my favorite person, singing my favorite song.

Julius' POV

"Time of death 11:18pm.."

I heard it. Hindi kami umabot sa ospital na lumalaban pa siya. Talla was shot directly to her heart, halos limang segundo bago ko siya hagkan. Bumulong siya sa'kin and said..

"I'm sorry I can't give the love you're waiting for the long time.. and thank you.."

Kumabog ang puso ko na matagal ng nanahimik. Narinig ko uli siyang bumulong sa'kin pagtapos ng mahabang panahon na hindi ko siya nakita.

"Thank you for being my knight in shining armor but I'm not the princess you will save sa tore o sa fairytale.."

Wala ng nagawa ang mga doktor dahil hindi na din humihinga si Talla ng makarating kami sa ospital. Kahit na ginagamot pa ang sugat ko ay agad kong pinuntahan ang bed kung saan nila inilagay si Talla. Xandra and Kim hold my hand dahil nag aamba na 'kong sumuntok.

"Kuya.. hindi niya gugustuhin na gawin mo yan. Kuya please stay strong."

"Talla, thank you for making me experience this.. hindi man nabalik yung love na binigay ko, ikaw yung nag iisang babae na nagpakita sa'kin ng tunay na nangyayari sa mundo. Not all story ends happily."

Niyakap ako ni Kim habang umiiyak habang si Xandra ay lumabas para kausapin pa sila Cade, Cal at Clav na naiwan sa warehouse. Tumawag na din siya ng ambulansya at mga pulis na pupunta para sa kanila.

"You're free.."

Cade's POV

"Kate!"

"Daddy? What's wrong po?"

Nagising ako sa masamang panaginip. Isang bagay na patuloy kong hinihiling na isa na nga lang panaginip.

"Nothing baby.. what do you want to do this day? Nakapagpahinga ka ba?"

She nodded and smiled to me like her mom is doing when I see her.

"Let's visit mom. I want to bring her another white roses. Sabi niya kasi sa akin miss niya na daw ako and miss ka na din niya and daddy.."

She played a song from my phone. Nag iisang kanta na hinding hindi ko binubura sa playlist ko.

"Mommy told me na this is your favorite song."

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon