CHAPTER 15 - HYOSH SISTERS

8 1 0
                                    

Sina Chantal at Katriel ay kilalang kilala sa lugar kung saan sila ipinanganak. Mayaman ang pamilya habang parehong matalino at active sa school ang dalawang dalaga. Noon pa man ay mas nabibigyan ng atensyon si Katriel dahil mas madali itong magkasakit kaysa sa ate niya.

Pagtungtong ni Chantal sa labindalawang taong gulang ay inilalaban na siya ng eskwelahan sa iba't ibang bansa dahil sa galing nito magsulat ng script at sa galing din umarte bilang aktres. Isang taon lamang ang pagitan ng magkapatid kaya mas nagkakasundo sila kaysa sa kanilang mga magulang dahil na din pilit silang pinaglalayo nito.

Dahil parehong magaling at active sa pag aaral, madalas ay naikukumpara ang magkapatid.

Flashback..

"Ate pag nag college na 'ko, course mo din yung kukunin ko."

"Sabi naman sayo ni ate kung anong gusto mo, yun yung sundin mo kasi kahit naman anong gawin mo ija-judge ka ng tao. Pero tandaan mo ilan man silang maliitin ka, nandito si ate para sayo."

"Sure ba na aalis ka na ate? Paano na lang po ako?"

"Nandiyan naman sila mommy para sayo eh, kahit malayo ako nakasuporta lang ako sayo. Okay?"

Talla's POV

Nagising na lang ako sa isang madilim at malamig na lugar. Ang huling naalala ko ay pabalik ako sa bahay dahil nakalimutan ko ang cellphone ko.

"Ate, kumusta?"

"Vienne? Anong ginagawa natin dito?"

"Bakit ate, natatakot ka ba?"

"Ano ba 'tong ginagawa mo? Ano bang nagawa ko sayo?"

"Noong una pa lang alam mo na kung anong sagot diyan diba? Itinutuloy ko lang yung dapat ginawa ko na dati pa. Dapat hindi na kita tinulungan dapat namatay ka na!"

Ramdam ko ang galit niya para sa akin. Wala akong nakikita, naririnig ko lang siya mula sa ibang parte ng lugar na 'to. Naramdaman ko na may kung anong nakatutok sa aking ulo.

"Any last wishes ate?"

"Kung ito yung magpapasaya sayo sige tatanggapin ko pero please huwag mo na lang idamay dito yung mga taong hindi naman kasali sa atin."

Umalis muli siya at nagsalita..

"Si Julius, si Kim o si Cade?"

"Hindi ba kayo ni Cade, bakit mo 'to ginagawa?"

"Hindi ko naman talaga siya gusto. Kaya ko lang naman siya sinagot kasi alam kong pagtatagpuin uli kayo ng tadhana at magkakaron ako ng chance para burahin ka sa mundo ko."

Naririnig ko ang paghinga niya. Pumikit ako at pinakinggan siya.

"Kahit gawin mo yan dito, hinding hindi mo 'ko mahahanap. Kaya ate sumuko ka na, dapat tinuluyan na kita sa studio edi sana wala na 'kong pinoproblema na gaya mo."

"Vienne, please.. alam kong hindi ka ganyan.. alam kong mapapatawad mo pa si ate. Alam kong hindi mo 'ko kaya saktan."

"If you think na kilala mo na ako, think again ate. I'm always trying to kill you. Pag nawala ka, doon lang ako matatahimik. Pwede din naman na you kill yourself para hindi na mabahiran ng dugo mo yung mga kamay ko. Hindi mo pa ako kilala, hindi lang ito ang kaya kong gawin sayo."

Huminto siya sa pagsasalita at umiyak.. tumatawa.. umiiyak.

"Since the day you left me, I'm not your little sister anymore. Since the day you left me hindi mo na 'ko kaano ano."

"Alam mo ba.. yung play na ginawa ko for school ay regalo ko sa birthday mo? Iniisip kita – "

"Stop or else I'll remove your useless tongue!"

"Hindi ka nawala sa isip ni ate, I told you. You always have sila mommy, you always have me.."

"I'm sorry ate. Goodbye."

May kung anong tumama sa aking ulo hanggang sa nakaramdam ako ng kirot, alam kong hinding hindi mo 'ko magagawang patayin Vienne. Alam kong hindi mo 'ko kayang gantuhin.

"Oo nga pala, welcome back to hell."

Cade's POV

It's been three months after ng graduation ko at wala pa ding traces ni Kate or ni Talla. We're waiting for them para ma-explain nila sa amin yung nangyari in the past at kung bakit nila itinatago na magkapatid sila. Wala na ding tumatawag o nagsesend sa akin ng message after my graduation.

Heto ako ngayon at nagdadala pa din ng white roses sa park. Hindi pa din ako dumadaan sa memory lane mag isa because I'm hoping na one day she will come back and walk with me.

"Kuya Cade uwi na tayo? Ilang oras na tayong tatlo dito. Nakauwi na din yung mga bata na kanina mo pa tinitignan."

"We can go back here tomorrow tol. Sasamahan ka namin ni Kim lagi dito."

I agreed kaya pag uwi namin ay pinilit ko na lang makatulog para lumipas na uli yung maghapon at makabalik kami agad sa park.

Kim's POV

Hindi ko alam kung panahon nab a para ibigay kay kuya Cade ang bagay na iniwan ni Kate sa akin, sa amin ni kuya.

Flashback..

"What plan?"

"Pag dumating yung araw na hindi ako nakapunta sa graduation and sa celebration please do a little favor for me."

Sa tono ng pananalita ni Kate mukhang may balak siyang hindi na bumalik pa sa buhay ni kuya Cade.

"I know it sounds cheesy and at the same time creepy. Print all the pictures I posted na kasama ko siya at kasama ko kayo. I'll send you the other pictures. Put those in his room secretly. Isabit niyo sa kisame, each photo, put a line of the song Leaves."

"Then?"

"Prepare a white box in the middle, punuin niyo ng white roses."

I heard her crying sa kabilang linya.

"Then please put a letter. Take note of every word I'll say..

Cade,

I'm sorry for letting you fall in love with me. I love you, I do.. but this time I didn't make it. It took me a long time to decide and finally nagawa ko na yung bagay na matagal ko na gusto gawin. If you're reading this for sure this is the day na I am not existing anymore. I'll treasure all the memories you gave me even though it's not a long time..."

Pinakikinggan ko siya hanggang sa puro hikbi na lang ang narinig ko sa kabilang linya.

"Kim I'm sorry... I dragged you guys here. I need to leave you.."



Hinintay ko na matapos ang mga bagay na gusto niya gawin for Cade. Now I see kung gaano ka-special si Cade para sa kanya. Pero hindi, maaga pa para gawin ko ang mga sinabi niya, three months lang 'to and I knew Kate will come back for him.



[ 1 message received ]

[ UN

If you're Kim, Katriel Hyosh's friend please come here at... ]



[ UN calling ]



"Hello?"

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon