CHAPTER 10 - LAST DAY

14 2 0
                                    

"I'll kiss Julius, marry Kim and kill Cade."

Nabigla kaming lahat sa sagot ni Kate kaya nakatingin lang kami sa kanya ngayon.

"Hoy ano ba kayo, kaya kill si Cade 'cause I'll kill him with my love. I'll love him forever. Hindi ko naman ibigsabihin na kill talaga siya."

Lumapit sa akin si Kate at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap.

"I hope I made the right decision. I love you Cade, trust me."

Kahit na nabigla ako sa sagot niya sa laro naming nabawi naman niya ito sa pagsasabi ng I love you sa akin. Basta galing sa kanya, ibang iba ang epekto. Inabot din kami ng 12 midnight talking and plating games until they decided na umuwi na. Sumama ako sa kanila para ihatid si Kate dahil na din maaga ang flight niya mamaya at hindi na naming siya maihahatid.

"I will be fine later. Huwag niyo na 'ko ihatid and baka umiyak lang ako sa airport sayang ootd ko eh hahaha."

Niyakap namin si Kate isa isa at nagsabi ng ingat. Noong turn ko na para yakapin siya I saw some tears sa mga mata niya.

"Babe, don't cry lalo kang nagiging cute eh."

"I promise to come back as soon as okay na ha? I'll attend your graduation ceremony."

I wiped her tears and she gave me a hug. After ilang minutes ay humiwalay na din siya sa pagkakayakap ko at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"I knew you kissed me while I was sleeping kanina so sa cheeks na lang this time." She smiled, pinisil niya ang pisngi ko and nagmadali siyang pumasok sa bahay nila because she knew I'll never let her go.

After ko siya ihatid ay inihatid na rin ako ni Julius sa bahay. I decided to take a nap after ko din malaman na nakauwi na yung magkapatid ng safe. Hindi na 'ko tumawag kay Kate because I knew na kailangan niya muna matulog for her flight at hindi ko din namalayan na nakatulog na ako.

I woke up for almost 9 am and I received 20 messages from her. I read all of it pero tumatak sa akin ang last text niya.

[ From Kate

Hi Love! I knew you're still sleeping so I did not call you. I'm waiting for my flight right now and I thought na I used to give you a song kagabi na hindi mo alam ang title. Please check out these lyrics na lang din and find the title hehehe. I may be inactive sa social media accounts ko since there are activities and meetings na nakalatag ngayon sa schedule. I promise to get to you back as soon as I finished everything. I also left a small present at your room. Check it right after you read this message.]

[ From Kate

I'll be going now. Mamimiss kita, see you at your graduation and please wear what we bought last time okay? Aasahan ko yun. Take care and be happy. I love you. ]

"Please do me a favor. Leave a white rose sa bench na pinuntahan natin sa park. Don't use the memory lane and dumaan ka sa entrance ng park. Also, use the earphones na iniwan ko sayo. Personalize design yan. I chose right because I'm always right beside you.

And in the end can you tell me if it was worth the try, so I can decide. Leaves~

-Kate"

I checked my side table and found the earphones. Hindi naman siya mahilig sa mga nakaukit na names no? Hahaha. Customize earphones, black ang color tapos may nakaukit na letter C sa kaliwa while V sa kanan.

I searched Leaves and the lyrics she sent and nagustuhan ko yung kanta. It is also the song she played to me last night. She's so sweet to do things like this. Kaya lang for 3 weeks I'll be waiting for her.

[ Enneiv Llari sent you a message ]

[ Ennieiv Llari

You're Cade right? Katriel's boyfriend? ]

You accepted the message request..

[ Cade

Yes. Who are you? ]

[ Enneiv Llari

I'm her friend. Sorry I can't show myself to you kasi pero I want to tell you something.. Please leave her kasi it's dangerous for you. ]

[ Cade

What do you mean? ]

[ Enneiv Llari

Sorry I gotta go! Message na lang uli kita ha? I'll tell you everythingbut promise me you'll never inform her. Since boyfriend ka niya you need to kow things for her. Bye! ]

[ Cade

Tell me a reason why should I believe you. ]

Seen 9:15 am

Ano bang meron at ilang beses na ako pinapalayo kay Katriel. I need to know the reason why these people want me to leave her kahit na wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

"Anak, nakaalis na ba si Kate?"

"Opo ma. Pero babalik naman po siya sa graduation namin ni Julius."

"Buti naman at paramakapag bonding pa kami uli. Napakagaling ng batang 'yon. Ang bait bait pa kaso lang nasa ibang bansa pala ang parents niya?"

"Opo ma. Kaya siya palipat lipat ng school ay dahil na din sa parents niya. Sa bahay naman nila usually mga kasambahay ang nakakasama niya gawa ng may business sila sa ibang bansa pero malapit pa din naman siya sa family niya. Yun nga po ang dahilan kung bakit lumipad muna siya papuntang Japan."

"Ah ganon ba. Teka Cade aalis ka ba ngayon? Samahan mo naman ako mamili ng ingredients at namiss ko iluto yung ginawa naming ni Kate kahapon."

"Hahaha ma seryoso? Kahapon kakakita niyo lang eh mukhang mas miss mo nga si Kate kaysa sa pagkamiss ko sa kanya ah hahahaha."

"Eh kahapon lang kasi kami nagpang abot kaya gusto ko sana makasama pa siya ng matagal. At ikaw ingatan mo si Kate ha? Ayoko ng maririnig kong sasaktan at pagbubuhatan mo siya ng kamay."

Niyakap ko si mama at binigyan siya ng ngiti.

"Ma promise hinding hindi ko yun gagawin kay Kate. Hindi mo 'ko pinalaki para manakit ng babae. Tsaka ma ang swerte ko na sa kanya para saktan ko pa siya pero siyempre ikaw pa din ang first love ko mama."

Ilang minuto pa ay inaya na 'ko ni mama na sumama sa pamimili ng mga kailangan. Minsan lang din kasi makapagluto si mama dahil na din sa mga trabaho na kailangan niya tapusin. Never niyang pinaramdam sa akin na mas mahalaga ang trabaho kaya thankful ako na nandito si mama at boto siya kay Kate.

When I See You [COMPLETE - editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon