Chapter 10

9 0 0
                                        


"Ah, snack, kain tayu." saad ni Jake. Alastres na ng hapon. Galing pa siya sa paglilinis ng garahe nang nilahad sakin ang tray na may lamang cookies.

Mm.. medyo naging busy siya ngayon sa bahay. Tumutulong na kasi siya sa mga gawaing bahay gaya ng pagdidilig ng mga halaman sa labas, paghuhugas, at ngayon naman naglinis ng garahe. Lilinisin ko na nga dapat kwarto niya kanina eh pero sabi niya nalinis niya na raw. Medyo nakakataka. Pero naisip ko naman, minsan ganiyan talaga pagbored sa bahay, kung ano ano na lang nagagawa.

"Eh sir Jake-" hindi ako natapos nang tumingin siya sakin. Ayaw niya na kasing tinatawag ko siyang sir Jake.

"Jake pala. Sana sinabihan niyu na lang ako na maghanda ng snack. Galing pa kayu don sa garahe eh." saad ko.

"Ayos lang Aria. Ito lang naman. Snack ka."

Napanguso na lang ako. Kumuha ako ng cookies at kinagatan ito. Nagkatinginan kaming dalawa. Umiwas agad ako ng tingin. Parang may kakaiba sa tingin niya. Namula tuloy pisngi ko. Anubayan.

Hindi ko parin nalilimutan yung halikan namin. Siyempre nakatago na iyon sa kailaliman ng puso ko. I will never forget. At sa tuwing nagkakatinginan kami, the moment will suddenly flash in mind. Kung ano ano tuloy naiisip ko.

Nasira lang iyong silent moment namin habang kumakain nang marinig ang mahinang patak ng ulan. Naalala ko agad yung mga sinampay kong nilabhan.

"Yung mga nilabhan ko!" ani ko at agad na tumayo.

Nagmamadaling lumabas ng bahay at kinuha yung mga sinampay. Tinulungan pala ako ni Jake na kinukuha din ang mga sinampay.

Nilagay namin ang pambahay na damit sa basket. Nakahanger naman ang panggala. Natuyo na naman kaya ayos na.

"Natuyo na! Ipaplantsa ko na lang 'to." saad ko.

Dinala ko na nga ang mga damit sa kung saan ako namamalantsa. Nagsimula na akong mamalantsa nang lumapit sakin si Jake.

Tiningnan ko siya kung may kailangan ba pero mukhang wala naman.

"Ah, may kailangan ka?" tanong ko sa kaniya.

"Wala naman." sagot niya.

Kung ganun, anong ginagawa mo dito?

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ah, papaturo sana ako papano mamalantsa."

Huh? Ano bang nangyayari sa kaniya? Parang may kakaiba sa kaniya ngayon eh.

"Bakit naman?" ani ko medyo natatawa. Kaloka.

"Gusto ko lang matuto pano. Para, ako na ang mamalantsa sa mga damit ko."

"Seryoso ka?"

Natatawa na talaga ako.

Yung boss mo. .. magpapaturo sayu pano mamalantsa para siya na gumawa sa mga damit niya? Loko 'to eh.

"I'm serious, Aria."

Tatawanan ko na talaga siya pero nakita kong hindi naman siya natatawa.

"Anong nakain mo?"

"What?" ani niya, like he finds me ridiculous.

Ok. ok. Magseseryoso na ako.

"Ah, sigurado ka ba talaga na magpapaturo ka para ikaw na mamalantsa sa damit mo. Baka masunog yung mga damit mo."

"Tss. That will never happen." kumpyansa niyang sagot.

Ang yabang naman. Pero seryoso, ba't niya naman naisipan mamalantsa ng damit niya?

"Eh, sige nga. Panoorin mo lang ako sir Jake- este Jake. Madali lang 'to. Pero buti naisipan mo huh, para hindi na madami ang ipaplantsa ko." ani ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

Tinuruan ko na nga siya kung pano, medyo nakakalito lang yung tingin niya, hindi ko magets. Lumapit siya sakin at nagpresinta ng humawak sa plantsa.

Nang nagkalapit na kami, naamoy ko naman yung pabango niya. Sinabi ko yung mga directions kung papano plantsahin yung damit at tsaka yung rate na din ng heat sa plantsa.

"Ako na dito." saad niya ng medyo natuto-tuto na.

"Ano ba talagang nakain niyu sir?"

He glared at me. I smiled at him.

"Just consider this na ayaw kitang masyadong nahihirapan."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

What? Kaya siya nagpaturo pano mamalantsa dahil ayaw niya akong masyadong nahihirapan kaya gusto niyang siya na ang gumawa?

Kabaliwan nito. Ayaw niya akong masyadong nahihirapan kaya ginagawa niya ang ilang gawain dito sa bahay?

But, why?

"Bakit?" ani ko, tinitingnan siyang mabuti na hindi makatingin sakin.

He chuckled.

"Masama ba?"

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko." ani ko, nakanguso.

"I just wanna help you." he said while smiling.

Ok. Pero di ko pa rin maiwasang magduda or shall I say mag-assume! Hindi kaya gusto niya ako? Putek! Heto na naman.

"Naku sir, masyado niyu naman akong iniintindi." saad ko.

"Because I mind you."

Huh! Oh my!

"I mean.. . I'm concern about you, okay."

"Sige na sir, ah Jake. Buti nga yun eh para hindi lang ako yung gumagawa ng gawaing bahay."

Tinuro ko ang mga nilabhan.

"Tapusin mo yan lahat ah. Kering-keri mo yan!" saad ko at iniwan na siya don.

Tingnan natin kung kaya ba niya yun lahat. Mm.. hayaan ko na yun. Eh sa gusto niyang matuto at nagvolunteer siya. Sana ganyan lahat ng amo diba.

My Boss and IStories to obsess over. Discover now