Chapter 16

11 1 0
                                        


Ilang minuto din kaming nagkatinginan ni Jake. Sa lakas ng tibok ng puso ko, parang maririnig ko na.

"Masaya ako na gusto mo din pala ako."

Ngumiti ako. Ikaw, di ka mahirap gustuhin Jake. Ang bilis lang kaya nahulog nitong puso ko. Tumikhim ako.

"Ah, akala ko si Jacky ang gusto mo eh."

"Tsk. We're just friends. Galit ka pa ba sakin?"

"H-hindi na, ikaw?"

Umiling siya at tumitig sa mga mata ko na para bang hinahalina ang kaluluwa ko. Hinalikan niya ulit ako sa labi, sa isang malamyos na halik.

"Ngayong alam mo ng mahal kita, liligawan kita."

Ano? Liligawan niya ako? Ansaya ng heart ko! Parang sasabog na!

Ilang sandali pa ay napagdesisyonan na naming pumasok sa loob ng kotse niya. Pagkapasok namin ay nilahad niya sakin ang jacket niya.

"Malamig na kasi. Seksi pa ng sout mo." ani niya.

Ehem Ehem self. Relax. Can this be true?

Sinout ko na ang jacket niya at naupo na ng maayos. Pinaandar niya naman paalis ang kotse.

Nakakakaba na ang sarap naman sa feeling. Yung hindi ka sigurado sa bukas na mangyayari pero sigurado ka sa kaniya.

Balak ko sanang umuwi ng bahay sa galit ko sa kaniya pero di ko rin aakalaing mahuhulog ako sa bitag ng pag-aaminan namin ngayong gabi. Ang saya lang isipin na mahal niya ako.

Mahal niya ako, paulit-ulit iyong pumapasok sa isipan ko.

Pagrating namin sa bahay niya ay lumabas na kami ng kotse at pumasok sa loob ng bahay. Dumiretsu na kami sa taas at habang umaakyat kami sa hagdan ay tinanong ko siya.

"Kailang mo ako nakilala?" tanong ko.

"Noong nakaraang taon."

"Hm? Pano?"

Gosh! So talagang nagustuhan niya ako kaya niya ako hinire na maid niya?

"Sa isang program sa school. I was amaze by your beauty."

"Eh? Pero pinahirapan mo pa talaga ako at ginawang maid."

He chuckled and kiss my cheeks.

Mangliligaw ka pa talaga huh? Eh todo ka na halik. Uminit ang pisngi ko.

"You always seems unreachable. Simula nong nakita kita sa program, napapansin na kita sa canteen. Pinagmamasdan kita. Nalaman kong member ka pala ng student supreme kaya siguro kapag nasa canteen ka parang laging busy. Dala-dala mo pa laptop mo non. Ang hirap mong lapitan eh. Parang kailangan importante ang ani ko sayu para makuha ang atensyon mo."

Uminit ang pisngi ko sa confession niya. Hindi naman ako ganun, di ko alam ba't niya naiisip yun.

"Hindi naman ako unreachable noh. Sa isip mo lang yan."

"Kaya, pasensiya ka na talaga at ito ang ginawa kong paraan para mapalapit sayu."

"Ayos rin lang naman din." tinawanan ko siya.

"Nasustentuhan ko pa pagpapagamot ni papa at nagkapera pa ako ng malaki. Kasi kung ibang trabaho pa ang napasukan ko, medyo mahirap ang sitwasyon ko ngayon." saad ko.

"Sinadya ko talaga 'yun dahil gusto ko ring makatulong sayu."

Napapangiti na lang ako sa mga nalaman ko galing sa kaniya. Hekhek. Saya.

Inihatid niya ako sa tapat ng kwarto ko. Binuksan ko ang pinto.

"Goodnight."

"Goodnight rin. Sweetdreams." ani ko sabay ngiti.

Lumapit na naman siya sakin. Medyo nilayo ko siya.

"Mm?"

Tumawa siya, lagpas mata yung ngiti eh.

"Hahalik ka na naman. Manliligaw ka pa diba?"

"Sensya na. I can't get enough."

"Matulog na tayo. Lalanggamin na tayu dito eh."

"Sige. I love you." ani niya sabay dampi ng halik sa noo ko.

Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi niya naman ako pinilit na sumagot, he's giving me time. Manliligaw pa siya eh. Pumasok na ako sa kwarto matapos ng eksena namin sa labas. Pumunta na rin siya sa kwarto niya. Agad akong humilata sa kama at di na napigilan ang kilig.

Pero wait, kailangan mo pang magbihis Aria bago ka atakehin ng puso sa saya.

Kinabukasan ay masaya akong gumising. Nag-ayos agad ako ng sarili at dumiretsu sa kusina, pero bago iyon pinagmasdan ko ang pintuan ng kwarto ni Jake pagdaan ko. Gising na kaya siya?

Pagrating sa kusina ay nakumpirma kung nandoon nga siya nagluluto, naaamoy ko kasi ang amoy ng nilulutong pagkain. Medyo nakakagulat pa na siya ang nag-asikaso ng pagkain ngayong umaga.

Lumingon siya sa gawi ko nang mapansin ako.

"Hello, beautiful lady. Goodmorning. How's your sleep?"

"Wow huh. Super duper ultra mega ayos. Maaga kang nagising ah at ikaw pa talaga nagluto. Gawain ko yan." ani ko sabay lapit sa kaniya.

"Hindi. Pagsisilbihan kita."

Umagang-umaga pa, sasabog na naman puso ko.

"Hindi ka na gagawa sa mga gawaing bahay, ako na ang bahala."

"Hmp. Niloloko mo ba ako Jake?"

"Of course not. You're my lady, and I will serve you." ani niya.

Mahihimatay na yata ako pero gusto ko pang mabuhay.

"Hindi pwedi yun noh, maid mo ako kaya kailangan magtra-"

Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Simula ngayon, ayaw ko ng nakikitang nagtratrabaho ka. Just let me do the works and just let me serve you."

Naku, naku, wrong idea.

"Hindi-"

"No buts. Boss mo ako at yun ang utos ko." ani niya sabay kulong sakin sa counter. Nakataas ang mga kilay niyang nakatingin sakin habang nasa counter ang magkabilang kamay niya malapit sa bewang ko.

Hindi ako makaisip ng maayos, tuloy para na akong naestatwa sa harap niya.

Nakatitig ako sa nakakaakit niyang mukha at nangungusap na mga mata.

Unti-unti siyang lumapit, sa titigan namin parang may pumepwersang maglapit kami sa isa't-isa. Muntik na kaming maghalikan nang maalala ko ang mga niluto niyang ulam.

"Yung ulam! Baka napano na." saad ko at nilayo siya sakin.

Aga-aga, umaagos na yung damdamin eh.

And just like that, I feel happy and inlove with him.

My Boss and IWhere stories live. Discover now