Chapter 18

5 0 0
                                        


"Aria, pagpasensyahan mo si Jacky." saad ni Jake.

"May gusto yun sayu." ani ko na lang.

"But I don't like her." ani niya.

Nagpatuloy pa ang pag-uusap namin ni Jake tungkol sa nangyari. Galit ako kay Jacky sa sinabi niya but I know na maiisip talaga ng iba na ganun.

Kinabukasan naghanda kami ni Jake ng mga gamit namin at sosoutin para sa pagpunta namin sa lola niya sa probinsya.

Madaling raw nang tumungo kami sa Batangas. Nenerbiyos at kinakabahan rin ako. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga pamilya niya na malamang girlfriend ako ni Jake. Matatanggap kaya nila ako?

I know, he's serious. Cause he will not introduce me to her family if he didn't.

Dumating kami sa Batangas sakay ang isang SUV, ang nagdrive ay si Mang Lito. Pumasok kami sa isang malaking gate at bumungad agad samin ang animo'y palasyong tirahan. Ganito pala kayaman sila Jake.

"Jake! Sobrang laki pala ng bahay ng lola mo!" anas ko sa kaniya nang nasa loob pa kami ng sasakya.

"Yeah, ancestral house ng aming pamilya."

Oww. Tatlong magkakapatid, at mommy ni Jake ang bunso sa kanila. Nag-iisang anak lang din si Jake.

Bumaba kami sa harap ng mansiyon. Nakaabang samin sa harap ng pintuan ang lola ni Jake na nangangalang Nelda.

"Apo!!" masayang bati ni Lola Nelda. Masaya namang niyakap ito ni Jake.

Napatingin ako sa itsura ni Lola Nelda, maganda at mestiza. Puti na ang buhok.

"Oh I miss you apo, I'm glad you're here."

"Of course lola. Happy birthday." Jake kissed her cheek.

"Thank you. Oh, sino itong dalagang kasama mo?" ani nito nang napatingin sakin.

"Good morning po." I smiled at her.

"Ah, lola, girlfriend ko po pala. Si Aria Rodriguez." pakilala sakin ni Jake.

"Hai po. Happy birthday po."

Ngumiti siya sa sakin. Lumapit ako sa kaniya at nagbless.

"Thank you. Ikaw pala ang girlfriend nitong apo ko iha."

"Opo." kinakabahan kong saad.

"Mm." tiningnan kaming dalawa ng lola niya. "You look good together. Hali ka kayu, pumasok na kayu sa loob."

Pumasok kami sa loob ng bahay.

At wow! Ang ganda!

Bumaba galing sa hagdan ang dalawang babae.

"Kuya Jake!!" masaya nitong salubong at niyakap si Jake.

"Genie, Melanie! Nandito na pala kayu!"

"Girlfriend ko pala, Aria Rodriguez."

"Hai ate!" sabay nilang sabi sakin sabay beso beso

I'm happy that they happily welcome me. Naibsan medyo ang kaba ko.

"Everyone meet my girlfriend, Aria Rodriguez."

Isa-isang tumingin sakin ang mga relatives ni Jake. Nandito kami sa maluwag at malaking dining area ng malapalasyo nilang bahay.

Ang mahabang dining table ay puno ng mga iba-ibang klase ng pagkain. May buffet table ng mga desserts na pinaghahandaan ng dalawang ginang. May mga katulong naman na inaayos ang hapag.

"M-magandang umaga po." ani ko.

"Magandang umaga." sagot ng ginang na nasa dessert table.

"Aria, she's my mommy."

Napanganga ako kay Jake, ito pala mommy niya.

"Hello iha. I'm Anavita." ngumiti ito sakin.

"Hello po." lumapit ako at nakipagbeso sa kaniya. She gracefully put the plates with desserts on the table and then look at me again. Ah.. she's a bit intimidating, iyon ang nararamdaman ko.

"Iha, I'm Zita too.. Jake's Tita." sabi ng babaeng nasa tabi niya. Binati ko naman ito at nakipagbeso.

"Aria, my dad too. Redo."

There are 6 people na nakilala ko. Ang parents ni Jake at mga tito at tita niya. Ilan ding pinsan niya.

"Iho, iha, magpahinga muna kayu, galing pa kayu sa malayo na biyahe eh." ani ni Lola Nelda.

Dinala ako ni Jake sa isang kwarto. Kahit saan yata ako mapadpad ay sobrang ganda ng mga silid.

Nahiga ako sa malaki at malambot na kama pagkatapos akong iniwan ni Jake. Mukhang ayos lang pala, hindi big deal sa kanila na nagdala si Jake ng girlfriend. Hindi pa naman nila ako tinanong tungkol sa kung sino parents ko at ano trabaho nito.

Humikab ako, iniisip kung anong gagawin. Tumulong na kaya ako sa paghahanda. Yeah, I need to do this.

Lumabas ako ng silid at bumaba sa bulwagan. Habang naglalakad ay nalilibang ako kakatingin sa malalaking picture frame na nakasabit sa dingding. Nilapitan ko sina Genie at Melanie, dinala nila ako sa dining area at hinayaang makatulong. I meet Maam Anavita's eyes, lumapit siya sakin.

"Anong trabaho ng parents mo?" ani niya. Heto na!

Mm.. maybe madi-dissapoint siya sakin.

"Ah, treacher po papa ko, nagtratrabaho naman sa DSWD ang mama ko." sagot ko.

Tiningnan ko ng maigi ang reaksiyon niya, mula sa ngiti ay poker face na ito ngayon.

Lumunok ako sa nararamdamang kaba.

"How do you meet my son?" tanong niya.

Gusto kong umurong, but yeah, I expected this.

"Ah.. nagtratrabaho po ako bilang katulong sa bahay niya."

Her eyebrows raised. She got a questioningly look. At tila ba may napagtagpi-tagpi siyang idea. She head-to-foot me.

She sighed.

"Don't tell me you seduce him?"

Umiling agad ako sabay wagayway sa kamay ko bilang pagsalunggat.

"No maam."

"Pretty girl like you can easily seduce my son iha."

"Hindi ko po inakit si Jake ma'am. Nagtratrabaho lang po ako bilang maid sa bahay niya-"

"Do you feel lucky now to be here?" ani niya ng may kakaibang tingin, iniinsulto ako.

Mag-eexplain pa dapat ako ng tinalikuran niya na ako.

Bumuo agad ang luha sa mata ko sa halo-halong nararamdaman pero agad kong pingilang bumagsak.

Someone poked me.

"Are you okay?" tanong ni Genie. I manage to bright up my face.

"Yeah."

My Boss and IWhere stories live. Discover now