Chapter 20

5 0 0
                                    


"Dessert?" ani Jake sabay lahad nito sakin. "Kainin mo yan, pansin ko maliit lang kinain mo kanina."

Maya-maya pa ay nilapitan kami ni Lola Nelda.

"Kamust iha. You enjoying?" tanong niya sakin.

"Opo."

Nag-usap pa kami kasama mga relatives niya. Some were a bit dismayed of my status, but manage to talk with me.

"Restroom muna ako." ani ko kay Jake nang pumunta na sa kabilang table yung ilan niyang relatives.

Tuturo niya sana kung saan pero sinabihan ko na alam ko na kung saan, pumunta kasi kami kanina non pagkatapos tumulong kasama sina Genie at Melanie.

Pagpasok ko sa restroom ay naabutan ko si Sophie na paalis na dapat sa sink, dala dala ang pouch pero natigil nang nakita akong pumasok. Nagkatinginan kami saglit, sinara ko na ang pinto. Kami lang dalawa ang nandito, ewan ko na lang sa tatlong malaking cubicle.

Tumikhim ako, puting out my bitterness. Ako naman ang girlfriend pero parang ako pa 'tong bitter.

"Aria." sambit niya sa pangalan ko. "Alam mo dapat simula ngayon guwardiyahan mo na yang puso mo. Masasaktan ka lang kay Jake. I can't believe ang katulad mo ang pinalit niya sakin. But naisip ko ganun talaga pag panakipbutas lang. He would not put effort to find someone who's better than me. Kasi, gagamitin ka lang niya at iiwan sa huli." nakangiting ani nito.

Huh! Ang yabang! I get it, she' rich at nararapat kay Jake. Pero hindi ako makakapayag na sabihan niya ako ng ganito.

"Hndi ka pa ba nakakamove-on kay Jake?" ani ko.

Pinanlakihan niya ako ng mata.

"Kaya siguro nagkakaganiyan ka." ani ko at tumuloy na sa paglapit sa sink.

"Oo! Hindi pa ako nakakamove-on sa kaniya at ganun rin siya sakin! Hindi mo ba nakikita panakip butas ka lang! Tinaon niya pa talaga ngayon dahil alam niyang magkikita kami dito sa birthday ng lola niya!" galit niyang saad at tinalikuran na ako.

Naiwan naman akong tulala at aamining naapektuhan sa sinabi niya. Pano kung totoo?

Nagpunta ako sa hardin ng bakuran.

Maya-maya pa ay sumulpot si Jake, lumapit sakin.

"Nandito ka lang pala." aniya sabay yakap sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sabay titig saking mga mata.

I shrugged.

"Nagpapahangin lang."

Umupo kami sa may wooden bench.

"Mukhang malalim ang iniisip mo." aniya. "May problema ba?"

Panakip-butas mo lang ako? Gusto kong itanong at gusto kong malaman ang tungkol sa inyung dalawa ni Sophie pero alam kong hindi 'to ang tamang oras para pag-usapan namin.

"Sabihin mo sakin."

Umiling ako at sumandal sa dibdib niya para hindi niya makita ang mukha ko.

"Aria, ano bang problema?"

Tumayo ako upang tumigil na siya.

"Wala. Bumalik na tayu sa bulwagan." ani ko na lang.

Sumunod naman siya sakin sa loob.

Kinagabihan, lumuwag na ang bulwagan dahil nakauwi na ang mga bisita. Nagpaalam na si Jake sa aming pag-uwi. Medyo wala siya sa mood.

"Anak.. " tawag ni Maam Anavita sa kaniya at tumingin sakin.

My Boss and IWhere stories live. Discover now