Lumabas kaming dalawa ni Jake sa kotse. Dala-dala ko sa kamay ang isang box ng pizza. Nandito kami ngayon sa bahay namin. Dalawang lingo na magmula nong naging kami pero hindi pa alam ng mga magulang ko kaya kailangan na naming ipaalam sa kanila."Tara na." saad ko kay Jake na kita ko sa mukha ang kaba.
Sinalubong agad ako ni Jay-Ar sa pinto pa lang ng bahay.
"Ate!" niyakap ako nito sunod na nagpakita sina mama at papa.
"Ate sino siya?"
"Ah, si Jake, ang boss ko."
Hinead-to-foot agad ng bunso ko si Jake.
"Hai Jay-Ar." bati ni Jake sa kaniya. Tumango ito, parang nagdududa.
Haynaku.
Hinila ko na sila papasok ng bahay namin. Ang tingin naman nila mama at papa ay nasa likuran ko.
"Si Jake Sanchez po pala, yung boss ko."
"Magandang umaga po ma'am at sir." ani niya sabay pakikipagkamay kina mama at papa.
"Magandang umaga rin iho." nakangiting sagot ni mama.
"Ah, pumasok na kayu sa loob."
Tila naguguluhan sila kung bakit nandito at kasama ko si Jake. Pumasok na kami sa loob at naupo sa sala.
Napatingin ako kay Jake na halatang kinakabahan. Nahahawa tuloy ako.
Sabay silang tatlong tumitig samin, para bang binabasa kami.
Hays. Ito talagang pamilya ko. Lalo kaming kinakabahan eh.
"Ah.."
Tumikhim-tikhim sina mama at papa, nagkatinginan. Medyo tumawa si papa.
"Ah, iho, ikaw pala yung nagpautang sa anak ko na nakatulong samin ng malaki. Ang ganda mo palang lalaki. Pero seryoso iho, maraming salamat sa pagpapautang mo." pasiuna ng papa ko.
"Wala po yun, sir. Basta po pag kailangan niyi ng tulong, nandito lang ako."
Siniko ko si Jake. Ano yung sinabi niya?
"Kay bait mo pala iho." tumikhim si papa. "Medyo nakakagulat na nandito ka ngayon."
"Hindi naman masama. Welcome ka kailanman sa bahay namin, iho." ani naman ni mama.
"Talagang naging malapit na kayu ng anak ko." ani papa sabay tawa.
"Opo, may aaminin sana kami sa inyu sir."
"Ah, kainin mo na natin 'tong pizza." natataranta kong saad sabay bukas sa kahon ng pizza. First time pang may ipapakilala akong boyfriend dito sa bahay kina mama at papa.
"Ano?! Anong aaminin?!" tanong ni papa. "Mamaya na yan Aria. Sabihin niyu muna samin kung anong aaminin niyu." madiing sabi ni papa.
Napalunok ako ng di-oras. Napatingin ako kay Jake na tila yata pinagpapawisan.
"A-ano?" ani ni mama na naghihintay.
"Kami na po ni Aria, ma'am, sir."
"Ano?!" gulat na ani ni papa. Gulat silang tatlo.
"Kayu ng anak ko?! Akala ko ba maid mo 'tong anal ko, bakit ngayon syota mo na!?" galit na sigaw ni papa
kay Jake.
"Iho, kung nakakatayo lang ako, kinuwelyuhan na kita!"Relax ka lang hon.." ani mama kay papa.
"Iho hindi mo ako madadala sa bait-baitan mo. Kayu ng anak ko!? Aria, ano 'to? Nagtratrabaho ka ba o nakikipaglandian?!" galit na saad ni papa.
YOU ARE READING
My Boss and I
RomanceThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.