Chapter 25

21 1 0
                                    


Masayang isipin na ayos na. Nag-ayos ako at naisip na pumunta ngayon sa bahay ni Jake. Kakausapin ko siya tungkol sa pag-iignora niya ngayon sa mommy niya. Masama din isipin na ako ang dahilan ng pagtatampo niya ngayon sa mommy niya.

Sumakay ako ng taxi at nagpunta na patungo doon.

Pagrating ko ay nagdoorbell muna ako at agad naman itong binuksan ni Jake. Sumigla ang mukha niya nang makita ako. Saglit niya pa akong pinakatitigan. I raised my brow at his stare.

"You're here.." makahulugan niyang saad. Nakangiti.

"Papasukin mo ba ako o hindi?"

"Oo naman.. sa buhay ko."

"Tss. Ewan ko sayu Jake."

Pumasok ako sa loob at napansin na malinis ito.

"Namiss kita dito sa loob ng bahay ko." aniya.

Namiss ko rin naman dito, eh. Dalawang buwan ba naman akong nandito.

"Nandito ako dahil sa mommy mo Jake, nagtatampo ka pa rin daw sa kaniya." saad ko.

Hindi siya agad nakapagsalita. Lumapit ako sa nakatayo na frame at inayos ang porma. Pati na rin ang ilang furniture na hindi maayos ang pagkaka-arrange. I miss working at this place. Lumapit so Jake at hinawakan ang kamay ko. Dinala niya ako sa sofa para maupo.

Pinakatitigan ko siya at nakita ang malalim niyang tingin sakin.

"Dapat na.. ayusin mo na kung ano man ang tampo mo sa mommy mo ngayon, Jake. Hindi naman talaga maiiwasan na ganun ang trato ng mommy mo sakin Jake lalo na't mahirap lang ako."

"Tss. I will never agree to that Aria. Hindi ka mahirap at hindi ko gustong tratuhin ka ng ganun."

Ngumuso ako.

"Nagsorry na sakin ang mommy mo kagabi Jake, at doon ko nalaman na, hindi pa rin pala kayu nagka-ayos." I widened my eyes at him. "Jake, mommy mo siya. Dapat ayusin mo yan."

"Yeah, I will."

Pinag-usapan namin ang paghingi ng tawad sakin ng mommy ni Jake.

Nang lunch na ay naisipan na naming  maghanda ng makakain. Habang kumakain kaming dalawa ay..

"Date tayu?" tanong niya.

"Ngayon?"

"Oo." ngiting sagot niya. "Sa isang restaurant dyan sa bayan."

"Mm, sige."

Napagkuwentuhan naming magdate mamayang gabi sa isang restaurant sa bayan. Umuwi muna ako para mapaghandaan ang date namin, hinatid niya naman ako. Bumati siya kay papa na siyang nandon lamang. Umalis si Jay-Ar, may trabaho naman si mama.

Pagkatapos ng isang oras nilang pag-uusap ay umalis na si Jake. Parang ini-interview yung lalaki, eh. Nalaman ni papa na naghiwalay kami at anu ang dahilan. Humingi naman ng paumanhin si Jake kay papa dahil nasaktan niya raw ako.
Hindi naman namin sinadya yung mga pangyayari eh. Pagkaraan ay nagpaalam si Jake na liligawan ako ulit.

"Seryosong-seryoso ka talaga sa anak ko, Jake Sanchez."

Jake chuckled.

"Opo."

Pagkaraan ay umalis na si Jake.

Around 6, tapos na akong mag-ayos ng sarili ay bumaba ako para pagbuksan si Jake na nandyan na rin upang sunduin na ako.

Nabitin sa ere ang bati ko nang nahalata siyang may dalang bouquet of red roses. He smiled.

"Hai."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Boss and IWhere stories live. Discover now