"Alam mo sir Jake, hindi ako tanga na hindi napapansin yang mga kinikilos mo sakin. Can you tell me the truth, cause you're acting like a jealous!""I'm not! Hindi lang ako makatulog hangga't hindi ko alam kung nasaan ka baka ano ng nangyari sayu!"
"Ok sana kung bata pa ako para makinig dyan sa mga rason mo! Tsaka ang aga aga pa matutulog ka na?!" inis kong saad at nauna ng pumasok sa hotel.
Kainis!!!! Hindi ko na talaga mapigilan sarili ko. Tang*nang sir Jake na yan!! Pwedi bang umamin na lang siya para hindi ako ako magmukhang ewan.
Hindi ko na alam. Baka wala naman talaga siyang feeling para sakin, totoong concern lang siya at ako lang lang 'tong nag-iillusion.Padarag kong binuksan ang room.
"Sumama ka pa sa lalaking hindi mo naman kilala." ani niya nakasunod.
Oh my!
"Ano ngayun sayu kung may kasama akong ibang lalaki?!"
Tang*na!! Hindi siya nakapagsalita.
"Matulog na lang tayu."
Kita mo na, iniiba niya ang topic.
Galit ko siyang tiningnan. Tang*nang lalaking 'to!
"Matulog ka mag-isa mo!" lalabas na sana ako ulit ng room nang pinigilan niya ako.
"Aria, saan ka pupunta?"
"Bitawan mo nga ako!" inis kong saad sabay alis ng kamay ko sa kaniya.
"Sabihin mo nga sakin ang totoo, ba't ka ganyan sakin?!"
Hindi niya ako sinagot bagkus ay pumunta siya sa pinto at ni-lock ito.
"Matulog ka na." seryoso niyang saad at pumasok sa bathroom.
Hindi kaya kaya niya ako sinama dito sa boracay dahil gusto niya nga ako.
Baka nagkamali akong mabait lang siya sakin.Kinabukasan at hindi ko na siya pinapansin. Naghahanda kaming patungong breakfast sa restaurant ng parehonf tahimik lang. Sa ginawa niya kagabi, wala akong planong pansinin siya.
Pagkatapos magbreakfast ay nagplano na silang pumunta sa isla ng Crystal Cove.
"Sir Jake." tawag ko sa kaniya ng hindi ko na napigilan.
"Hindi na lang ako sasama sa inyu."
"Bakit?"
Bakit? Kasi wala akong pambayad! Mas mabuti pang dito na lang boung araw maglangoy sa beach.
"Ah... hindi ko lang gusto.. at tsaka wala akong pambayad!"
"Wag mo ng problemahin ang bayad.. tsaka.. kung.. tungkol lang ito sa kagabi.. p-pasensiya na.."
Nagkatinginan kami.
"Sumama ka na, treat naman kita eh. Tsaka, don't tell me you'll miss the chance to explore the islands?"
Tama nga naman, at tsaka wala akong mapapala kung paiiralin ko lang ang pride at inis ko.
Katabi si sir Jake papuntang Crystal Cove. Sightseeing, kaya sobrang excited na rin ako. May kasama kaming mga higit 20 ka tao sa bangkang sinasakyan sa tour.
Pagrating namin doon ay namangha ako sa ganda. Actually, kahit saan naman maganda. Tinawag itong Tigutian Island, may dalawang hektarya ng lupa. May pathways na patungong picnic areas at dalawang kuweba. Nagpicnic kami don at nilibot ang isla na may maliit na zoo pala. Mahigpit dalawang oras kaming naligo at nagtake ng mga picture.
Ang sunod naming pinuntahan ay Puka Shell Beach. Simple lang at maganda. Naglunch muna kami pagkatapos ay namili ako ng mga souvenirs.
"Mahilig ka pala sa mga souvenirs." ani ni Allexie sakin, dami kasi ng binili ko.
"Ah oo, remembrance na rin. Ikaw?"
Nagkibit balikat lang siya.
Naghanda na kami pagkatapos ng dalawang oras don ay bumalik na kami.
Nagpahinga na kami sa hotel matapos don.
Tuwang-tuwa ako habang tinitingnan ang mga nakuha naming litrato sa pag-iisland hopping nang lumabas si sir Jake ng bathroom, may nakasabit na tuwalya sa leeg, kakatapos lang maligo.
"I'm glad you enjoy the tour."
"Siyempre naman sir." saad ko at iniwas na ang tingin sa kaniya.
Yung about kagabi, hindi talaga napag-usapan ng mabuti. Iniiwas niya, ako naman walang planong ungkatin yun. Nakakasira ng mood eh.
May disco sa front beach nang pupunta silang lahat don.
Nagkakatuwaan na ang magtropa sa table ng umalis ako upang pumunta sa counter at mag-order ng inumin sa bartender.
"I finally see you again!"
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Londo sa tabi ko at mukhang masaya na nakita ako.
"Uy, Londo, ikaw pala. Nagulat ako, akala ko kung sino."
Tumawa naman ito.
"Asan mga kasama mo?"
Tinuro ko ang table nila sir Jake na makikita mula dito.
"Bakit hindi mo sila sinamahan don?"
"Gusto ko munang mag-isa. Eh ikaw?!"
"Ah, nandon lang rin."
"Saan?"
Tinuro niya ang table din ng mga kaibigan niya na nasa kabilang side naman.
"Akala ko ba wala kang boyfriend?"
"Tsk. Wala nga.."
"Eh bakit kagabi nagalit yung lalaking kaibigan mo.."
Inilingan ko agad siya. Hindi ko kasi sinabi sa kaniya noong nag-uusap kami kagabi na sinama lang ako ng boss ko at na maid ako nito.
"Hindi ko yun boyfriend anu ba!" sabi ko sabay inum ng vodka.
Ganun din siya sa hawak niyang inumin.
"So talagang single ka, may chance naman ako diba?"
Tinawan ko siya, natawa na rin siya.
Nakakatuwa talaga siya at hindi ka makakaramdam ng pagkakailang sa kaniya."Seriously I just want to be friend at you. Ang pagmamahal hindi minamadali."
"Gago ka!"
Nagtawanan na lang kami.
YOU ARE READING
My Boss and I
Roman d'amourThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.