"Ah, kain ka na." saad ko kinabukasan sa dining area.Umupo siya sa kabesera.
"Ba't ka hinatid ng lalaki? Nanliligaw siya sayu?"
Ito na naman! Suplado siyang tumingin sakin.
"Kaibigan ko lang yun, si Edmon. Hindi yun nangliligaw sakin." ani ko.
"Kung ganun, bakit ka niya ihatid?"
"Eh kasi si Allexie, hindi umuwi. Kay Gerald natulog. Tapos ayun, walang maghahatid sakin. Kaya nag-offer si Edmon."
"Gusto ka non?"
"Pati yan, tinatanong mo pa talaga. Ewan ko sayu, para kang jowa makaasta." saad ko at iniwan na siya sa dining.
Hindi kami nagpansinan sa boung araw, tila siya'y badtrip. Suplado pa sakin.
Ano, galit siya dahil sa paghatid ni Edmon sakin? Ano naman ngayon?
~Kinabukasan~
Nakita ko siyang kumuha ng snack sa ref.
"Para saan yan?"
Tumaas ang isang kilay niya.
"May bisita tayu."
"Huh? Sino?"
"Si Jacky."
Sumunod ako kay Jake sa sala at nakitang nandon nga si Jacky, nakaupo sa sofa.
"Hai Jacky." bati ko pero masungit lang ako nitong tiningnan.
Nilapag ni Jake ang snack sa center table at umupo sa tabi ni Jacky.
Ano kayang ginagawa niya dito at siya lang nag-iisa?Hindi naman ako pinansin nito kaya tinuloy ko na lang ang trabaho ko.
Pagkatapos kong malinis ang itaas ay dala ko naman ang isang basket para sa mga lalabhan. Bumaba ako ng sala at nakitang magkalapit na sina Jacky at Jake. Nag-uusap sila at kulang na lang landiin ni Jacky si Jake.
Hmp!P*ta! Ano ba 'tong nararamdaman ko?
Naiinis ako na ewan,
No! Hindi ako nagseselos. Never!
Kahit sino pa babae niya. Kahit pa nga maghalikan sila dyan eh. Naku, wala talaga akong pakialam!
Dumaan ako sa sala at tiningnan ko kung mapapansin ba nila ako pero sadyang focus na focus talaga sila sa isa't-isa, ano. Hmp!
Punyetang Jake na yan! Hindi tuloy ako makapagconcentrate dito sa labahan. Kainis!!
Nang magtanghali na ay pumunta muna ako ng kusina para maghanda ng pagkain. Narinig ko ang tawa ni Jacky. Hmp! Ano ng ginagawa nila?
Lumabas ako ng kusina at patago silang tiningnan kung anong ginagawa nila.
Nakayakap si Jacky sa braso ni Jake. Mukhang masaya silang nag-uusap. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na ginawa ni Jacky, hinalikan niya sa pisngi si Jake.
Hindi ko na nakayanan kaya umalis ako at bumalik sa kusina.
Bakit ganun? Ang sweet nila, hindi kaya may relasyon sila? Pero.. wala namang sinasabi si Jake. At bakit ka naman niya sasabihan Aria kung may karelasyon na siya.
Hindi kaya.. wala talaga siyang gusto sakin? Tumigil ako sa paghuhugas ng kawali at pinahid ang luha kong babagsak.
Ano ba Aria, ba't mo iiyakan yung gagong yan?
Eh gago talaga siya eh. Gago!
Akala ko gusto niya ako tapos may pahalik halik pa siyang nalalaman sa pisngi niya kay Jacky!!
Ginagago lang niya ako.
Sabagay Aria, may sinabi ba yun sayu na ikaw ang gusto niya, diba wala!
Lagi na lang assume, assume!
Kabangas!
"Handa na ang pagkain." sabi ko nang nasa sala na.
"Oh, let's eat. I'm hungry." saad ni Jacky.
Hungry mo mukha mo! Grrr.
"Tara." tumayo si Jake at napatingin sakin. "Kain na tayu, Aria."
"Hindi na. Mauna na kayu."
"No. Sumabay ka na."
"Hindi pa ako nagugutom."
"Jake hayaan mo na yan, tara na sa dining."
Tumingin sakin si Jake at tila binabasa ang expression ko.
Mukha mo!
Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga muna saglit si Jacky pagkatapos ay umalis na. Naghuhugas ako ng pinggan nang pumasok si Jake sa kusina.
"Tapos ka ng kumain?" tanong niya.
"Oo naman." sagot ko.
Namayapa ang katahimikan, kaya naisipan kong magtanong.
"Ang aga namang umuwi ni Jacky." ani ko.
"O-oo. Pinauwi ko na."
"Pinauwi mo?"
Eh ang sweet-sweet niyu pa kanina. Ayaw mo bang may kasunod?
Tumigil ka self."Ah, oo. May gagawin pa siya."
Tumango lang ako. Tanungin ko kaya kung sila na ba? Atleast diba may exact reason 'tong hinanakit ko ngayon. Hinanakit talaga? Siyempre ganun talaga pag nalaman mong may girlfriend na yung crush mo, medyo masasaktan ka.
"Ah.. "
tumingin siya sakin, nagtatanong.
"Kayu ba ni Jacky?"
Muntik niya ng maibuga yung iniinum niyang tubig.
"Siyempre hindi Aria!"
Wehh? Eh bakit ang sweet niyu kanina.
"Bakit mo naman naisip yan?"
"Naisip ko lang kasi ang sweet niyu."
"Hindi." ani niya natatawa.
Nagkatinginan kami at nakita kong malalim siyang nakatingin sakin. Lumapit siya at nilagay ang baso sa lababo.
"Malayong maging kami dahil iba ang gusto ko."
So, sino nga?
Nakatitig siya sakin kaya umiwas ako ng tingin. Ayaw ko na namang mag-assume.
"Kung ganun, sino?" ani ko sabay tingin sa kaniya.
"Am. . malalaman mo rin." aniya sabay iwas ng tingin.
Ganun? Hindi naman ako tanga pero ayaw kong mag-assume.
Umalis na siya pagkatapos niyang sabihin yun.
YOU ARE READING
My Boss and I
RomanceThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.