Nang mag-alastres na ng hapon ay naghanda na ang mga kalalakihan para sa jetski. May nakaparada ng tatlong jetski para sa kanila. Sumampa si Andrew sa isa.
"Aria, sakay ka." saad niya sakin.
Kinantsayawan tuloy siya nila at maarte namang napatingin sakin sina Jacky.
"Naku Aria, tsatsantsingan ka lang niyan." saad ni Russel.
Umiling ako.
"Hindi na."
"Ikaw na lang Jacky." saad niya kay Jacky.
"F*ck you Andrew!" galit na saad ni Jacky at imbes na kay Andrew sumakay ay kay Ethan na lang na nasa isang jetski.
Sumampa si Clara sa likuran ni Russel. Si Denise naman ay sumampa kay Andrew. Masaya silang nagjetski. Mga dalawangpung minuto ay bumalik na. Pagkatapos nila ay ang mga natira naman.
Nakataas ang kilay na tumingin sakin si sir Jake ngayon.
"Sakay ka." saad niya sakin. Bumilis ang tibok ng puso ko, sa hindi malamang dahilan.
"Jake ako na sa likuran mo!" saad ni Allexie.
"Hindi Allexie, si Aria ang papasakayin ko. Kay Rian ka na lang."
"Ewan ko sayu!" inis na saad ni Allexie at pumunta na kay Rian na nakaabang sa kaniya.
Naghihintay naman si sir Jake sakin. Lumapit ako sa kaniya.
"Bakit hindi na lang si Allexie ang sinakay mo?" tanong ko.
"Kasi ikaw ang gusto ko."
Ano?
"I mean na ikaw ang gusto kong sumakay sakin." saad niya.
"Yung totoo?" tanong ko.
"Tsk. Yun nga."
Sinimangutan ko siya. Nakita kong nakatingin na samin ang ilan. Ang kj ko naman kung tatangihan ko siya. Tsaka aminin mo self, kinikilig ka na ngayon.
Sumampa ako sa likuran niya."Ready?"
"Ready."
Pinaharurot niya na ang jetski kasama ang mga kaibigan niya. Napahawak ako sa balikat niya, hinawakan niya naman kamay ko at nilipat sa tiyan niya. Sheems. Ang abs. Opo, nakatopless lang kasi siya ngayon. Napayakap na nga ako sa kaniya nang mabilis na ang pagharurot niya sa jetski. Parang sasabog na 'tong puso ko sa lakas ng tibok. Siguro sa kaba, sa ride, at higit sa lahat. . . sa kaniya. Nilingon niya ako.
"You okay?" tanong niya, pasigaw.
"Oo."
Kalaunan ay na-enjoy ko na rin ang ride kahit todo aking sigaw. Lalo na pagliliko yung jetski. Tawa lang ng tawa 'tong si sir Jake. Sarap hampasin. Nag-aya pa si Isaac ng karera, sakay niya sa likuran si Jacky.
Sumang-ayon naman sina Rian at sir Jake.Kinagabihan ay may ganap na disco sa loob ng beach at balak ko ding mamasyal. Nagbihis na ako ng bagong damit, katatapos kumain kasama sina sir Jake.
"Oh, saan ka pupunta ngayon?" tanong ni sir Jake.
"Mamamasyal ako sa labas." sagot ko.
"Ikaw lang?"
"Oo. Bye sir." saad ko sa kaniya at lumabas ng ng room. May bonding sila ng mga kaibigan ngayon, ako naman gusto ko lang mamasyal sa labas.
Lumabas na ako ng hotel at namasyal-masyal sa dalampasigan.
Hmm... nakakarelax ang simoy ng hangin. Grabe, sarap dito."Hai miss."
Napalingon ako sa lalaking bumati sakin.
"Alone?" saad niya sakin, may hawakhawak siyang maliit na beer sa kamay.
Tinaasan ko lang ito ng kilay.
"I'm Londo. Maari bang makilala ko ang magandang binibining katulad mo?" saad nito.
"Ah, I'm Aria." sagot ko at kinamayan na siya.
"Ang magandang katulad mo ay hindi dapat nag-iisa." saad nito sakin. Bola bola. Naglakad na ako at sumabay siya sakin.
"Ah, nagpapahangin lang. Ikaw, mag-isa ka rin yata?"
Tumawa ito.
"Pareho pala tayu nagpapahangin lang. And.. naghahanap ng babaeng makasalamuha." nakangiting sagot nito.
"Ganun ba."
"Oo."
"Pwedi bang makipagkaibigan sayu?"
"Mm.. oo naman." ani ko.
"Ang swerte ko naman pala ngayon at nakilala kita Aria." ani niya sabay kindat.
Napatingin ako sa kaniya. Gwapo at mestizo. Nginitian ko lang siya.
"Taga saan ka?"
"Manila lang."
"Quezon ako."
Nagsimula na siyang magtanong tungkol sakin.
"May boyfriend ka?"
"Wala."
"Ayun! Yun yung mahalaga. Parehas pala tayu, single din."
Tinawanan ko na lang siya. Madaldal siya at nang-iintriga sakin kahit ngayon lang kami nagkakilala. Hindi na rin masama dahil may kasama ako ngayon.
Pumasok kami sa isang open restaurant, masaya siyang kausap at niyaya niya akong magpahinga dito.
Naupo kami sa isang table at bumili ng snack. Mukhang hindi naman siya masamang tao. I guess naghahanap lang ng makakasama.
Maya-maya lang ay naisipan naming pumasok sa isang disco, nais ko rin namang magsaya.
Naglalakad na kami patungo don nang makasalubong ko si Sir Jake. Para siyang galit na nakatingin samin.
"Aria!"
"Ah.. sir Jake, papunta rin ba kayu sa disco?" tanong ko.
"Hindi na, matulog na tayu." ani niya.
"Huh?"
Napatingin ako sa wrist watch ko na alas nuwebe pa.
"Boyfriend mo?" tanong ni Londo.
"Hindi."
"Pero sir alas-"
"Saan ka ba kasi nagpupunta? Kanina pa kita hinahanap."
"Ah, nagpapahangin lang!" medyo irita ko ng saad dahil nahihimigan ko sa boses niya ang inis.
Ano bang pakialam niya?
"Nagpapahangin lang? O.." hindi niya tinuloy.
"O ano?"
"Balik ka na sa hotel. May disco pa naman bukas." saad niya at hinila na ako palayo kay Londo. Hindi tuloy ako nakapagpaalam.
Nang malapit na kami sa hotel ay napabitaw na ako sa kaniya dahil hindi na higpit ang kapit niya sakin.
"Ano bang problema mo?!"
"Matutulog na kasi ako tapos wala ka pa."
Huh!
"Edi matulog kang mag-isa!"
Inis siyang napabuntong-hininga.

YOU ARE READING
My Boss and I
RomanceThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.