Pag-uwi ko sa bahay ay dumiretsu agad ako sa kwarto at don umiyak.May narinig akong kumatok sa pintuan at bumukas ito. Dali-dali akong bumangon sa kama at pinunasan ang mga luha.
Pumasok si Jay-Ar sa loob at napatingin sakin.
"Ate, kain na tayu." saad nito sakin.
"Sige, susunod na ako."
"Pero ate, may problema ka ba?" tanong niya sakin.
Ngumiti ako sa kaniya.
"Wala."
"Eh bakit malungkot ka?"
"Hindi Jay-Ar."
Pinilit kong wag ipakita sa kanila na may problema ako.
Pagkatapos kumain ay boung gabi kong inisip ang nangyari samin ni Jake, at ang mga sinabi niya.
Bumangon ako, tila naguguluhan. Kanino galing 'tong envelope na pinadala sakin, ang sagot kasi ni Jay-Ar kanina hindi raw sinabi ang pangalan ng nagpadala. Bakit sinabi no Jake na naghalikan kami ni Edmon? At bakit dinedeny niya yung nangyari sa kanila ni Sophie? Dahil totoo kaya dinedeny?
Nakakabaliw 'to.
Pero kahit anu pang isipin ko, tapos na kami. Wala na.
Freaking hurt.
Humahagulhol ako.
Days passed, weeks, month.
Boung buwan na walang buhay para sakin. Palabas na ako ng gate ng school namin nang makita ko naman sa di kalayuan si Jake na nakasandal sa motor niya. Nagkatinginan kami at agad akong umiwas ng tingin.
Minsan ko na siyang nakikita dito tuwing uwian. Nakasandal lang, para bang pinagmamasdan ako.
Pero iba ngayon, tumayo siya at naglakad patungo sakin.
"Aria.." tawag niya bang makalapit.
"May kailangan ka?"
"Can we talk?" seryosong saad niya.
Para saan?!
"Hindi." sagot ko at akmang aalis nang pinigilan niya ako
"Sorry.." salitang nakapagpalambot ng puso ko.
Tumingin ako sa kaniya, naluluha.
"For what?"
"Sorry Aria." naluluha ring saad niya at niyakap ako.
Sa yakap niya, pakiramdam ko nagbalik na siya ulit sakin. Hindi ko akalaing mamimiss ko ang yakap niya.
"Nagkamali ako." ani niya pagkatapos ay humarap ulit sakin.
Nagkamali? Saan? Ano?
Nagtatanong ko siyang tiningnan.
"Pwedi bang mag-usap tayu?"
Pumayag ako sa gusto niya. Nagpunta kami sa isang park kung saan kami naghiwalay. Naisip na naming dito para tahimik lang at makakapag-usap kami ng maayos.
"It was just a set-up." ani niya na kinagulat ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
Sinabi lahat sakin no Jake ang tungkol sa pagseset-up Nina Sophie at Allexie saming dalawa ni Jake. Nung gabing yun, pinlano na ni Allexie na dalhin ako sa bar na yun para gawin ang plano nila. Nilagyan ng gamot na pang-hina ang drinks ko, at dun isinagawa ni Edmon ang paghalik sakin na agad na pinicturan ni Allexie.
Ganun din ang ginawa no Sophie kay Jake. Nakatanggap rin pala ng litrato si Jake sa panghahalik ni Edmon sakin.
"Bakit nila ginawa ito?" tanong ko.
Bumuntong-hininga siya.
"Siguro dahil hindi pa nakakamove-on sakin si Sophie. Pero kinausap ko na siya at si Allexie din."
"Anong sinabi mo?"
"Siyempre nagalit ako sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay."
Umiling ako.
"Hindi tayu magkakahiwalay kung nagkaintindihan tayu. Pero pano mo nalaman?"
"Inimbestigahan ko tungkol dito. Hindi ko inexpect na gagawin nila ito. Pero tama ka, edi sana nagkaintindihan tayu.. hindi tayu matagal na magkakalayo. Pinangunahan lang ako ng emosyon ko dahil selos na selos ako sa inyu ni Edmon. Akala ko kasi totoong naghalikan kayu."
"Ako rin naman Jake."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Patawarin mo ako kung.. hinayaan kitang tapusin ang relasyon natin."
Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. Umiyak sa balikat niya. Niyakap niya naman ako pabalik at hinalikan sa pisngi.
"You cried many tears because of me. Sorry."
Pinunasan ko ang mga luha ko at muling humarap sa kaniya.
"Ganun naman talaga pag nagmamahal, masasaktan." saad ko.
Hinalikan niya ako sa labi, isang malamyos na halik.
"I love you. Bigyan mo sana ulit ako ng pangalawang pagkakataon."
I will gladly be.
![](https://img.wattpad.com/cover/228086455-288-k904764.jpg)
YOU ARE READING
My Boss and I
RomanceThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.