Chapter 14

6 1 0
                                    


Hindi pala sila magjowa, pero ba't ang sweet nila? Pagod akong humiga sa kama at pilit inaalis sa isipan yung nakitang eksena kanina-ang paghalik ni Jacky sa pisngi ni Jake.

Like, oh common Aria! Kiss lang naman yun sa cheeks, ba't ka nagrereact ng ganyan. Eh ang nakakainis lang kasi ay nagpahalik siya diba, right?

Akala ko ba.. gusto niya ako.

Hays!

Bumangon ako. Eksaktonh tumunog naman ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello-"

"Hai Aria-"

tiningnan ko ang screen at nakitang si Allexie pala.

"Ah, Allexie ikaw pala."

"Yeah."

"Napatawag ka?"

"Common, galit ka ba sakin? You shouldn't be. Ah, gusto mo bang pumunta ng bar ngayon? Wala kasi akong kasama."

"Mm.. pag-iisipan ko muna yan. Baka kasi iwanan mo naman ako."

"Hindi na." sagot niya.

Bar? Pwedi rin. Parang gusto ko rin. Gusto kong mag-enjoy. Gusto ng magliwaliw, yun nga.

Again, pumunta ako sa bahay ni Allexie, namili ako roon ng mga damit niya.

"This black." ani niya sa isang black sexy dress na maiksi lang.

Nagbihis na nga kami at make-up.

"Anong meron sayu at ganado kang magbar ngayon. Pumayag ka agad sakin eh." ani ni Allexie.

"Ano lang, gusto kong mag-enjoy." sagot ko.

"Yeah. Tsaka maraming boys don sa bar. May ipapakilala ako sayu." she smirked at me.

Bumiyahe na kami ni Allexie patungo sa isang exclusibong bar. Naupo kami agad sa isang sofa pagpasok namin.

"Yeah drinks!!" magiliw na saad ni Allexie.

Nilapag na nga ang mga inumin sa table kaya agad akong naglagay sa baso ko at ininom ito.

"Wooh. Minsan talaga napapaisip ako kung anong nangyari sa inyu." ani niya nang nakatingin sakin.

"You mean kami ni Jake?"

"Yeah." sagot niya.

"Wala naman. Maganda lang mag-enjoy."

Maya-maya pa ay may lumapit sa amin na mga kalalakihan, some friends of Allexie.

"Ipakilala mo naman kami sa kaibigan mong sexy at maganda."

Nanliit ako sa mga tingin nito sakin. Para kasi akong hinuhubaran. Letche. Pero hindi naman.

"Ah, yeah guiz. She's Aria pala."

Sunod-sunod na nagpakilala sakin ang tatlong lalaki at tinanggap ko naman ay pakikipagkamay nila.

Nakipag-inuman naman sila samin. Nag-usap kami ni Khalil, ang katabi ko sa sofa.

"Let's dance!" saad samin ni Khalil.

Ilang minuto na rin kami dito kaya naisipan na naming sumayaw.

Nagpunta kami sa dancefloor at masayang sumabay sa tugtug ng musika. Nasa likuran ko na si Khalil sumasayaw nang biglang may humila sakin. Gulat akong napatingin kay Jake na galit ang mukha.

Hinila niya ako palabas ng bar. Nang nasa labas na ay tumigil kami. Humarap siya sakin at napatingin sa sout ko.

"Yan ang sout mo? Tapos nakikipaglandian ka pa don sa mga lalaki?!"

What!?

"Anong nakikipaglandian!? Sumasayaw ako don Jake!"

"Sumasayaw?! Eh, nakikipagharutan na sayu yung lalaking yun!" galit niyang saad.

Alam kong nagkakamali lang siya dahil hindi ako nakikipagharutan.

"Ikaw! Basta basta ka na lang dadating."

"Oo, sinusundan kita dito! Hindi na ako papayag na pumunta ka pa ulit dito sa bar! Yun yung madadatnan ko."

"Pakialam mo ba huh!"

"May pakialam ako pagdating sayu! Umuwi ka na. Tingnan mo nga yung sout mo, ang iksi!"

"Ano ngayun kung maiksi ang sout-"

"Inaakit mo yung mga lalaki"

*PAK!*

Hindi ko nakayanan at sinampal ko siya! Iniinsulto niya ako! Ako, inaakit yung mga lalaki?! Isa pa, ang kapal ng mukha niyang pagsabihan at pagalitan ako!

Iniwan ko siya at pumara ako ng taxi. Pagpasok ko ay hindi ko na napigilang bumuhos ang mga luha ko.

My Boss and IWhere stories live. Discover now