Chapter 3

15 1 0
                                    


"Hindi ko naman siya ginugulo. Balik na ako sa pool." ani ni Andrew sabay kindat sakin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni sir sakin.

"Siyempre naman sir."

"Anong ginawa sayu nong lalaking yun?" medyo inis niyang saad.

"Wala naman sir. Inayaya lang ako."

"Saan?"

"Sa pool na maligo daw."

"Gusto mo bang maligo?"

Umiling agad ako.

"Hindi sir." saad ko at tumawa.

Nilingon ko si sir at hinintay na umalis pero nakatingin pa ito sakin. Parang may kakaiba sa tingin niya.

"Napunta kayu dito sir ah, may kailangan kayu?" tanong ko.

Umiling siya.

"Wala. Napansin ko kasing papunta dito si Andrew eh nakita kitang dumaan kanina sa pool side kaya sinundan ko na baka ano pang gawin non sayu."

"Chicksboy si Andrew." saad ko.

"Dapat lumalayo ka sa ganung tao." saad niya nang hindi makatingin sakin.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ah, balik na ako sa pool."

"Sige sir Jake." sagot ko.

Nang hapon na papauwi na ang mga kaibigan ni sir ay nagpunta na ako sa pool para linisin yung mga kalat.

"I'll help you of this Aria." saad ni sir Jake na nandito pa sa pool, yung mga kaibigan niya kasi nasa loob na at naghahanda ng umalis. Pinupulot niya yung mga can in beer sa sahig.

"Aria!"

"Oh Andrew nandito ka pa pala." saad ko nang nakitang palapit sakin si Andrew, galing pa siya sa loob ng bahay .

"Pahingi ng number mo."

Huh?

"Sige na." saad nito sabay lahad ng cellphone niya sakin.

"Bakit? Para saan naman?" tanong ko.

"Common, wag ka ng magtanong. Sige na."

"Bakit nga?"

"What do you want from her Andrew?" seryosong saad ni sir.

"Bro naman. Oh sige, I like you Aria. Gusto kitang makatext. Ngayon, pagbibigyan mo na ba ako?"

He like me? Or gusto niya lang makaporma?

"You just want to flirt with her Andrew. And I'm prohibiting you to do that."

"Bakit, sino ka ba sa buhay niya?"

"Teka, teka, teka nga." saad ko kasi parang mag-aaway na sila. May papataas na tensyon eh.

"Mind  your own business na lang sir." saad ko para tumigil siya, ba't kasi ganyan siya makareact.

Hay naku.

"Sige na nga." binigay ko na ang number ko kay Andrew, tinype sa phone niya. Anyways, number lang naman yan. Nakangiti naman itong nakatingin sakin nang ibalik ko na ang phone niya.

"Right. Bye. See you again." saad ni Andrew at umalis na.

"Sir, ba't ganun kayu makareact?" ani ko sa kaniya habang pinapatuloy ang paglilinis kasama siya.

"Hindi ko lang gustong lokohin ka non Aria."

Okay-yun pala. Kulang na lang mag-aassume na akong nagseselos ka eh.

"Wag kayung mag-alala sakin sir. I appreciate your thoughtfulness sakin sir pero hindi naman ako magpapaloko don."

"Whatever." he said and then iniwan ako sa pool.

Pagkagabihan ay nagtext sakin si Andrew.

'Hai Aria'

Nireplyan ko naman ng 'hello'

'Can I ask you for a date tommorow?'

Baka may hidden agenda 'to sakin. He's a chicksboy kaya dapat mag-ingat. Hindi ko 'to nireplyan dahil wala rin naman akong planong makipagdate sa kaniya.

"May pupuntahan tayu." ani sir isang araw.

"Saan po sir?" tanong ko.

"Sa boracay. I'm going with my friends."

"Ah ayos yan sir. Bakit kailangan mo pa akong isama?"

"Magdadala ng mga gamit ko. At..." tumingin siya sakin. "Para na rin makapagrelax ka, mag-enjoy."

Ay ang thoughtful talaga niya. Naisip pa niya ako sa ganitong sayahan, okay.

"Thank you sir." saad ko.

"Your welcome." sagot niya.

Guess, what where? In boracay!!

Asusual kasama niya yung mga kaibigan niya pero mas madami ngayon. 3 days kami sa boracay kaya naman medyo marami-rami ang dalang damit ni sir. May van naman para sa impake siyempre doon ako sasakay. Alangan namang sumama ako sa van nilang magtropa. Nakakaawa tuloy ako tingnan. But nevertheless, excited na ako sa Boracay!! Medyo matagal-tagal na rin na hindi ako nakakapunta don eh.

Dalawang van ang nandito. Sampu sila sir Jake samantalang ang mga impake nilang gamit ay nandito sa pangalawang mas maliit na van kung saan nandito ako at ang driver.
Tropa trip 'to nila eh.

Pagkarating namin sa entrada ng boracay ay bumaba na ako sa van upang kunin ang mga gamit nila. Oo na, ginawa akong yaya ng tropa.

"Ibigay mo yan sa kanila Aria, kaya naman nila yang dalhin." saad ni sir na na tinutukoy yung mga gamit ng kasama. May kinuha siyang bag sa loob, yung gamit niya.

"Ah ako na po dyan sir." sabi ko agad sa kaniya pero hindi siya nakinig. Kinuha ko na ang salbabida.

"Aria pakidala na rin ng mga gamit ko." saad ni Jacky, yung suplada na kaibigan ni sir. Nakilala ko na sila kanina dahil pinakilala ni sir Jake sakin. Nakita kong papalapit na rin silang lahat dito sa van.

"Guys, kayu na magdala ng mga gamit niyu. Kasama ko si Aria dito okay, hindi katulong niyu."

Napangiti ako sa sinabi ni sir Jake. Walang nagawa yung mga kasahang tropa niya kundi kunin na lang ang kaniya kaniya nilang gamit. Nakita ko pang inirapan ako ng mga babae.

Hmm.. ano kayu ngayon. Ang saya saya ko tuloy. Makakapagsaya ako ng walang mang-iistorbo!!

My Boss and IWhere stories live. Discover now