Maya-maya ay naisipan na naming dalawa na sumayaw sa dancefloor.Napasarap na ang aming sayawan nang lalo siyang lumapit sakin.
Sa kantang "One Kiss by Collin Harris at Dua Lipa" ay biglang sumulpot si sir Jake.Nanlaki ang mata ko lalo na ng pinagitnaan niya kaming dalawa ni Londo. Nagulat rin si Londo at balak na lumayo dahil ayan na naman si Jake pero pinigilan ko siya.
"Sir Jake anong ginagawa mo?! Londo!" sabi ko sabay hila kay Londo na nasa likuran ni sir Jake.
"Stop it!"
Ako pa ngayon ang titigil eh siya 'tong bigla bigla na lang umeeksena.
"Kita mo namang nagsasayawan kami diba!"
Tiningnan ko si Londo na naghandsign na aalis na. Oh tapos, iiwan ako sa Jake na 'to.
"Londo!" tawag ko sa kaniya at sinubukang pigilan siya sa pag-alis pero pinigilan na naman ako ni sir Jake at nagulat ako sa sunod na ginawa niya.
Para akong kandelang natupos sa kinatatayuan ko, di makakilos, at 'tila tumigil ang mundo.
Malalim akong hinalikan ni sir Jake. Nalasahan ko sa labi niya ang beer at ang tamis ng halik niya. Para akong sinisilaban sa pagpilit niyang igalaw ang dila ko.
Sa kabila ng maingay at magulong nagsasayawan ay nandon kami nakatayo habang magkalapat ang mga labi.
Pagkatapos ng halik ay parang di maputol ang tingin namin sa isa't-isa. Nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko. Hindi ko na rin namalayan na napahawak na pala ako sa dibdib niya.
Ramdam ko ang hininga niya, kinakabahan, alam kong ako rin. I didn't expect! Sheems. Totoo ba 'to?
"Kung saan saan ko lang kayu hinanap nandito lang pala kayu!" narinig ko ang masungit na saad ni Allexie at hinila ako palayo kay sir Jake.
"Ah... " para akong mahihimatay at hindi ko mahanap ang salita ko.
"Damn you Aria ano bang ginagawa niyu don, nagshoshooting ng telenovela?!"
"T-teka lang Allexie." ani ko nang nakalabas na kami ng disco bar.
Timigil kami at galit niya akong tiningnan. Napatingin ulit ako sa loob ng disco, umaasang makikita ko si sir Jake.
"Aria! What are you doing?! Inaakit mo ba si Jake!"
Napatingin na ako ngayon sa kaniya, teka ba't ba siya galit at parang nanay kung makaasta na hinila pa talaga ako!
"Nakita mo?" tanong ko.
Umirap siya ng napakatodo.
"Inaakit mo siya ano?!"
"H-hindi, Allexie! Bakit ko naman gagawin yan aber?!"
"Kung ganun, ano yun!"
"Hindi ko alam, bigla na lang-" napapikit ako nang naalala ko naman ang magkalapat naming labi.
P*ta Aria tumigil ka.."Teka muna." saad ko kay Allexie at iniwan siya.
Hindi ako mapakali. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang tambol.
Nang may nakita akong bench sa madilim na parte ng beach ay napaupo ako. We kissed! Siya pa ang first kiss ko! Teka self, magrelax ka muna okay.Napalingon ako sa likuran ko at nakita si sir Jake na palapit sa kinaroroonan ko. Oh my! Hindi pa ako handang makausap siya.
Dapat tanungin ko siya kung bakit niya ginawa yun!"B-bakit mo ginawa yun?"
"I'm sorry."
Sorry? Para don?

YOU ARE READING
My Boss and I
RomanceThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.