Please... stay? Ako ba kinakausap nito? Napatingin ako kay sir na nakapikit naman ang mga mata. Hmp. Kadramahan yata yun ni Sir."Sir..." tawag ko sa kaniya pero hindi naman sumasagot. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sakin at umalis na sa kwarto niya.
"Good morning Sir!" masayang bati ko sa kaniya nang pababa na siya sa sala.
"Ah.. goodmorning." sagot niya at dumiretsu na sa kusina.
Sumunod naman ako sa kaniya at nagmamadali nang ihain ang mga pagkain sa mesa.
"Matagal po kayung nagising ngayon sir ah."
"Ah, yeah, nalasing ako kagabi." sagot niya sabay upo sa kabesera ng mesa.
"Can you prepare me a coffee."
"Ah, right away sir."
Nagmamadali akong pumasok sa kusina at nagtempla na ng kape. Pagkatapos ay bumalik ako kay sir at binigay ito.
"Tapos ka na bang kumain?"
"Ah.. opo sir. Mag-aalas-nuwebe na kasi at nagugutom na rin ako."
"That's good. Pag matagal akong magising, wag mo na akong hintayin. Mauna ka na lang kumain."
"Yeah, sir. Ang bait niyu po talaga." saad ko. Tipid lang niya akong nginitian. Hayyss sir.. lalo akong namamangha sayu. Nagsimula ng kumain si Sir.
Anyway, ano pala yung sinabi ni sir kagabi na "please..stay..?"
"Ah, sir."
"Yeah?" tanong niya at tingin sakin habang humihigop ng kape.
"Bakit niyo po pala sinabi kagabi na 'please..stay?"
Tila nagulat siya sa sinabi ko at napatigil sa pagkain. Halaa. Ano kayang meron nito kay sir?
"What?"
"Ah kagabi po kasi.. noong hinatid ko kayu sa kwarto niyu tapos aalis na sana ako nung bigla mo akong hinawakan at nagsabi ka ng 'please..stay.." sabi ko at ginaya pa ang boses ni Sir kagabi.
"Ah, last night.. i-it was just nothing.. alam mo naman pag lasing kung ano-ano na lang sinasabi diba.. By the way, thank you for your help kagabi na makarating ako sa kwarto ko. Hindi ka ba nabigatan sakin?" ani niya sabay tawa.
"Siyempre sir ang bigat niyu! Pero keri lang. At tsaka, wala po yun sir."
"Pasensya ka na talaga."
"Ok lang sir noh!"
Ayos nga yun eh. Tang*na Aria, ayan ka na naman.
"Aria."
"Po?"
"Pupunta pala dito mamayang 10:00 am yung mga kaibigan ko. Magprepare ka na lang ng meryenda para samin."
"Ah ok po sir. May popcorn naman po dyan sa ref. Yun na lang po at tsaka juice?"
'Sige. Anything you want." sagot niya at iniwan ako sa kusina.
Kaya naman, naghanda na agad ako ng juice at papalamigin ko na sa ref. Nilagyan ko rin ito ng ice.
Maya-maya lang pagkatapos kong linisin ng mabuti yung sala ay may narinig na akong busena ng sasakyan sa labas.
Agad akong lumabas at binuksan ang gate. Isang sasakyan lang naman ang dumating. Pagparking nito sa garahe ay lumabas ang tatlong lalaki at dalawang babae. Ang gwapo naman tsaka magaganda din yung mga babae. Aria, balik ka na sa trabaho mo. Titig na titig eh. Ayun nga bumalik na ako sa kusina at hinain na yung mga meryenda sa mesa.
Narinig ko namang nagbabatian sila sir at ang mga bisita niya. Ano kayang gagawin nila dito? Maya-maya lang ay sinabihan na ako ni sir na ihatid ang meryenda sa kanila. Kaya siyempre sinunod ko. Nilagay ko ito sa center table ng sala.
"Hey, you're familiar."
Napaangat ako ng tingin sa lalaking nagsalita.
Shems. Ang gwapo. Pero ano yung sinabi niya.
"Po?" tanong ko.
"Parang nagkita na tayu. Ah,Jake, maid mo?" tanong ng lalaki kay Jake.
"By the way, guys, si Aria pala."
"Katulong?" sabi sakin nung isang babae at nihead-to-foot ako ng tingin at supladang nakatingin.
"It's temporary for now. Wala kasing pasok." sagot ni sir Jake.
"Pero katulong nga." saad nong babae.
Problema niya sakin.
"Ah.. opo.. katulong po ako ni sir Jake dito."
Tinaasan ako nito ng kilay.
"Oh, your name is Aria. Beautiful." saad nung lalaki sakin. "I'm Andrew pala." sabi niya sabay ngiti sakin.
Sinuklian ko rin ito ng ngiti."I think I met you in school. Sa ***** ka nag-aaral?"
"Oo."
"Kaya pala familiar ka."
Wooh.. kaschoolmate ko din pala sila.
"Ah, miyembro kasi ako ng supreme students last year."
Tumango-tango naman si Andrew.
"Parang nakita nga kita sa isang program sa school."
"Tama na nga ang chika sa isang yaya.. hindi tayo nandito para dyan." maarte sabi nung isa pang babae.
Ano ngayon kung isa akong yaya abers?? Atleast marangal ang trabaho ko! Naku,,, kung hindi ka lang kaibigan ng amo ko eh.
Umalis na ako sa sala at bumalik sa kusina. Pagkaraan nakarinig ako ng mga ingay sa swimming pool. So ayun pala, don sila magsasaya.Mabuti pa maghanda na lang ako ng tanghalian, malapit na rin kasi. Medyo pagod na rin ako.
"Aria, ihanda mo na ang pagkain sa mesa." ani ni Sir Jake nang magtanghalian na.
"Sige sir."
Pagkatapos nilang magtanghalian ay ito na naman maglilinis na naman ako. Pagkatapos non ay kumain na ako. Gusto ko sanang matulog ngayong tanghali pero yung mga classmate ni sir utos ng utos ng mga inumin. Hayyss.. mahirap pala maging mayaman noh, di nagagamit ang dapat gamitin.
Lumabas ako sa kusina, napadaan sa swimming pool papunta sa bandang likuran kung nasaan yung mga washing machine anything for washing clothes.
"Hey whatzup!"
Nagulat ako nang biglang dumating si Andrew sa likuran ko.
"Nakakagulat ka naman Andrew." saad ko.
Tumawa siya.
"What are you doing?"
"Hindi ba obvious, naglalaba." ani ko. Tumawa siya.
"Mamaya na yan." ani niya sabay lapit sakin.
Eh?
"Bakit hindi mo na lang kami samahan don." nang-aakit niyang saad.
Oh boy, chicksboy 'to si Andrew. Halata naman.
"May bikini ka ba, samahan mo kami maligo don." sabi niya pa sabay tingin sa katawan ko.
"Ah, excuse me lang ah.. lumayo-layo ka pwedi?" saad ko.
"Hindi Aria, samahan mo kami don." hinawakan niya kamay ko. P*ta. Aangal na sana ako nang
"Anong ginagawa niyu?"
Nagulat ako nang sumulpot si Sir Jake sa likuran. Nakatingin siya sa kamay kong hawak ni Andrew. Agad ko naman itong nilayo.
"Wala bro." sagot ni Andrew sa kaniya.
"May trabaho si Aria dito bro, wag mong guluhun."

YOU ARE READING
My Boss and I
RomanceThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.