Maya-maya ay hinanda ko na ang lunch. Nandon siya sa kwarto niya.
Hayyss... naalala ko na naman yung halikan namin hayys Aria magsitigil ka.
Hinahanda ko na ang mga pagkain sa mesa nang dumating si sir Jake sa mesa. Muntik ko pang mabiwatan yung plato. Tumingin siya sakin. Napatikhim tuloy ako.
"Ah, lunch na sir." saad ko sa kaniya.
Nginitian niya ako. Umiwas naman agad ako ng tingin.
"Let's eat."
Ah.. sasabay ba ako ulit ako sa kaniya?
"Sumabay ka na sakin Aria." saad niya na agad kong inilingan.
"H-hindi na. Ah, doon na ko sa kitchen kakain."
Nakakaba naman 'to. Makakayanan ko ba 'to na ganito araw-araw? Eh ok pa noong nasa Boracay kami dahil kasama namin mga kaibigan niya. Ngayon, kami lang dalawa.
"Hindi. Sabayan mo na ako."
"Hindi na nga. Doon na lang ako kakain." saad ko at diretsu ng pumunta sa kusina para hindi na siya magpumilit pa sakin.
Sinilip ko siya sa pintuan at nakita kong napabuntong-hininga siyang umupo sa kabesera.
Napangiwi na lang ako.
Hayyss. Anubayan.
Pagrating ng lingo ay naisipan ko ng umuwi sa bahay namin para bisitahin yung mga magulang ko. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Jake. Bumukas ang pinto.
"Aria."
"Ah... sir Jake.. uuwi sana ako ngayon sa bahay namin. Magleleave muna ako ngayon." saad ko.
Tumango siya.
"Gusto mo ihatid kita sa inyu."
Huhh?
"Hindi..."
Nag-iisip ba siya?
"Ah..." umiwas siya ng tingin. "Kailan ka ba babalik?"
"Bukas sir."
"Ah.. ganun ba.. sige."
Habang nakatingin sa kaniya ay parang may kakaiba sa expression niya. Hindi ko naman ma-explain.
"Sige sir Jake." saad ko at aalis na sana pero nagsalita pa siya.
"Mag-iingat ka. Pwedi namang ihatid kita..."
"Hindi na. Bakit mo naman ako ihahatid." ani ko, medyo nagkakailangan na.
At tsaka, ayaw ko na ng awkward na moments pa sayu, tiyak na ganun pag kami na lang dalawa sa kotse niya.
"Para hindi ka na mahirapang maghanap ng sasakyan."
Pilit akong tumawa sa sinabi niya.
"Hindi na. Ayos lang ako. Sige, ah, aalis na ako " paalam ko na at tinalikuran na siya. Tang*na
Medyo malayo ang sa amin mula dito sa village. Pumara na akong masasakyang taxi at sumakay na dito. Pagrating ko sa amin ay pumasok na ako sa bahay naming dalawa ang palapag. Gawa sa semento ang unang palapag at flywood naman sa pangalawa. Agad akong niyakap ni mama. Ang pangalan niya ay Lina.
"Namimiss na kita ng sobra anak. Buti naman naisipan mong umuwi muna dito." saad ni mama na medyo naiiyak na.
"Mama naman, matitiis ko ba kayu ni papa?" ani ko at nilapitan na rin si papa na nakawheelchair. Niyakap ko siya.
"Anak, mabuti't nandito ka na." saad ng papa ko na si Lucio.
"Papa, kumusta na kayu?" saad ko sa kaniya, nagpapagaling na kasi siya ngayon galing sa pagka-stroke niya.
"Heto anak, bumubuti na ang pangangatawan. Salamat ah, sa mga pinapadala mong pera sa gamot ko."
"Anak, magpahinga ka muna. Galing ka pa sa biyahe." saad ni mama at dinalhan ako ng upuan malapit kay papa. Umupo ako dito at niyakap ulit si papa. Sana talaga tuloy-tuloy na ang paggaling niya.
Sa boung araw ko sa bahay ay masaya kaming nagbonding kasama na rin ang kapatid kong si Jay-Ar.
"Mabait naman amo mo?" tanong ni papa nang nasa sala kami nanonood ng t.v.
Ngumuso ako ng maisip si sir Jake. Ano kaya ginagawa niya ngayon?
"May kabaitan naman rin papa." sagot ko.
"Ate, lalaki pala amo mo, tapos magulang lang sayu ng 1 year. Baka ate may gawin yun sayu kasi kayu lang dalawa sa bahay niya."
"Naku naku 'tong si Jay-Ar talaga!" kinurot ko pisngi niya.
"Tama naman yung sinabi ng kapatid mo, anak. Nag-aalala nga ako sayu." saad ni papa.
"Anuba kayu, sa hula ko naman mabait yung amo ni Aria. Pinautang pa nga siya diba. Malaki pa ang sweldo. Bihira lang ang 4,000 sa katulong, anak." saad naman ni mama.
"Hala! Baka may gusto yun sayu ate!"
Tinawanan ko na lang sila.
"Wag kayung mag-alala. Mabait yung amo kong 'yun. At tsaka, Jay-Ar wala yung gusto sakin." saad ko at muntik pang masamid sa iniinum kong coke.
"Ayos ka lang anak?" saad ni mama na hinaplos yung likod ko nang napa-ubo ako.
Putek!
Wala talagang gusto Aria? Eh hinalikan ka nga non.
"Ayos lang ako ma. Nasamid lang."
Napatingin ako sa kanila at pareho pala silang nagtatakang tumingin sakin.
Ehem!
YOU ARE READING
My Boss and I
RomansaThe first time Jake Sanchez saw Aria Rodriguez in the school, he got interested. And when he knew she needed help and money, he made a... not so good idea.
