Chapter 12

5 0 0
                                    


"Hai Aria." ani nito sakin.

"Ah, sa *** ka pala nag-aaral, nakapunta na ako don. Maganda don."

"Oo."

"May boyfriend ka ba?" ani nito pagkatapos ay tumawa, tila nahihiya.

Umiling ako.

"Why? You're beautiful."

"Ah, hindi pa siya dumadating eh."

"I don't believe. Sa ganda mong yan siguradong marami ng nanliligaw sayu."

"Hindi naman. Tsaka hindi yan ang priority ko. Busy ako sa buhay." ani ko na lang.

"Ah, maiwan ko muna kayu huh." ani ni Allexie at nagsmirk sakin pagkatapos ay iniwan kami sa mesa.

"Busy? Ano bang trabaho mo ngayon?"

Napakurap-kurap ako sa tanong niya. Hindi naman sa kinakahiya ko ang pagiging maid, but yeah. Bakit ko pa kailangang pabanguhin ang sarili ko kung yun naman ang totoo kong trabaho.

"I'm working as a maid."

Tila nagulat siya sa sinabi ko.

"Oh." ani niya at tila napaisip.

Siguro iniisip nito na isa lang pala akong maid. Na hindi ka uri nila, hindi ka level.

"Bakit?" ani ko, nakangisi.

"Nakakagulat lang." sagot niya. "Pero wala namang masama sa isang pagiging maid. Marangal na trabaho yan." ani niya.

Wehh? Sure?

Hindi ako sigurado kung sinasabi niya ba talaga yun para lang hindi ako maiba or dahil totoo talagang nanggaling sa puso niya.

Nag-uusap nga kami don at maya-maya rin ay umalis siya sa mesa ko dahil tinawag ng mga ilang kasama. Pinapasama niya ako pero humindi na lang ako.

Mag-aalas-nuwebe na nang sinabihan ko si Allexie na umuwi na.

"What? Alas-nuwebe pa Aria! Anukaba!" aniya na tila naka-inom na.

"Allexie, kailangan ko na talagang umuwi. Lumalalim na ang gabi." saad ko.

"Mamaya na! Nabobored ka na ba? May mga kausap ka naman ah."

"Hindi Allexie, okay."

"Common, there are many boys out there! Ma-eenjoy ka kakausap sa kanila."

"Pero gusto ko na talagang umuwi."

"Pag-10!" irita niyang saad. "Pero, dito pala ako matutulog. Hindi kita mahahatid."

"What?! Ganun sino ng maghahatid sakin? Ang layu pa naman ng *** village. Allexie naman! Bakit hindi mo sinabi sakin?" frustated kong saad.

"Ah girls, may problema ba?" saad ni Edmon na nilapitan kami.

"Oh, right! Mabuti't nandito ka Edmon. Si Aria kasi, uuwi na pero walang hahatid sa kaniya. Diba sa *** condominium ka naman nakatira, pwedi mo siyang ihatid don." saad ni Allexie.

"Oo! Dadaan ako sa *** village. I can take you a ride there Aria."

"Well, salamat Edmon."

Nakakainis talaga. Pinipigilan ko lang. Nakakahiya kayang makisakay kay Edmon. Ito naman si Allexie hindi sinabi sakin. Naku, ewan ko ba.

9:30 nang naisipan ng umuwi ni Edmon at nagpaalam sa kaniyang mga kaibigan.

"Allexie alis na ako." I said then rolled my eyes. Tipid lang itong ngumiti.

Pagdating nga namin sa bahay ni Jake ay tinanggal ko na ang seatbelt.

"Thank you talaga sa paghatid Edmon, ah. Naabala tuloy kita." ani ko.

"Wala 'to. Hindi mo naman ako naabala eh. Actually, masaya ako na nahatid kita. Dito ka pala nagtratrabaho."

"Oo." ani ko sabay tango. "Sige alis na ako ah. Salamat talaga."

He just smiled at sinuklian ko naman.
Lumabas ako ng kotse at nagwave ng hand sa kaniya. Pinaharurot niya na nga ang sasakyan at tuluyang umalis.

Hayyss.

Binuksan ko na ang gate, naglakad ako patungong entrada ng bahay nang tila nagulat nang makita si Jake don, sa tapat ng pinto.

"Hindi lang ako nakasama sa party, may ibang naghatid na ah." aniya na hindi ko maintindihan.

Ano bang pinagsasabi nito? Tumikhim ako.

"Ba't ka pala nandito Jake?"

"Sino yun?" tanong niya.

"Ba't mo ba tinatanong? Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka."

Hinihintay?! Tumigil ako sa tapat niya. Nagkatinginan kami. Tumingin siya sa sout ko.

Seriously, I didn't want to take his bullshits. Papasok na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Sino ba yung naghatid sayu? Ba't ayaw mo akong sagutin?"

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw."

"Ako? Anong ginawa ko sayu? At bakit ka ba galit huh?"

Bahala siya! Pumasok ako sa loob at dumiretsu sa kwarto. Hayy, anubayan.

Kung makareact siya, parang jowa ko na nagseselos. Tapos yun yung maaabutan ko, yung galit niyang mukha? Napapaisip tuloy ako kung gusto niya ba ako, malamang! Eh sa nagseselos yun eh. Grrrr.. Nakakainis talaga.

My Boss and IWhere stories live. Discover now