Chapter 15

7 0 0
                                    


Sinabi ko sa driver ang address ng bahay namin. Uuwi na lang ako ngayon.

Malayo-layo na rin ang nabiyahe namim nang may nag-overtake na sasakyan. Halos atakehin ako sa gulat nang hinarangan kami nito sa gitna ng kalsada. Agad na nakapreno at hinto ang driver sa sinasakyan naming taxi. Uusok na yata ang ilong ko sa galit lalo't nakita na si Jake, bumaba na ng kotse niya.

Takot at kinakabahan akong binalingan ni manong driver.

"Ay, maam, sino yan?" ani nito.

Napamura ako sa inis. Talagang may gana pa siyang sundan ako! At talagang humarang pa siya dito sa gitna ng kalsada. Ano bang naiisip niya! Buti na nga lang nasa madilim na kami ng parte at walang masyadong dumadaan.

"Wag kayung matakot manong. Kaibigan ko lang yan. Sandali lang po,titingnan ko lang." ani ko at lumabas ng taxi.

"Jake ano bang ginagawa mo!?"

Galit kong binalingan si Jake na papalapit kay manong driver.

"Manong umalis na po kayu. Ako na lo ang bahala sa kanya." narinig kong ani niya at binigyan ng pera si manong.

"Jake!"

"Sige sir. Wala naman po kayung gagawing masama kay maam diba?" tanong ni manong na tumitingin pa sakin.

"Wala manong. Kaibigan ko siya."

Tumango si manong at di ko na napigilang umalis. Umandar ang taxi at nag-u turn na paalis. Pagkaalis naman ng taxi ay lumapit sakin si Jake.

"Saan ka ba uuwi?" ani niya.

P*ta! Pakialam mo ba kung saan ako pupunta!

"Edi sa bahay namin!"

Gusto mo umuwi ako sa bahay mong ganito?!

"Bakit don?"

"Eh sa tinawag mo akong nanlalandi diba-"

"Oo! Kasi kasama mo yung lalaki, hindi mo ba nakita kung pano siya tumingin sayu at sumayaw sa likuran mo."

"Kung ganun din rin, ano namang pakialam mo? Wag mong sabihing nagseselos ka naman at hindi mo naiintindihan ang nararamdaman mo!" galit kong ani.

"Aria, sorry kung nainsulto man kita. Talagang di ko lang mapigilan yung sarili ko dahil sa.. nagseselos ako.."

Nagseselos? Well I don't f*cking need that reason!

"Tama na okay!"

Tumalikod ako at iiwan na dapat siya. I just hate him! Pinigilan niya ako at hinawakan ang braso ko.

"Aria, please..."

Hindi!Tinulak ko siya palayo sakin!

Napasuklay siya ng buhok.

"Umuwi na tayu. Malamig at malalim na ang gabi."

Ito! Ito yung nakakainis sa kaniya. Lagi na lang ganito! Papauwiin ng wala sa sariling mag-iisip kung ano 'tong pinaparamdam niya ngayon sakin.

"Grabe ano! Grabe ka makaselos sakin samantalang nong kayu ni Jacky!" tinuro ko siya, naalala ko naman yung p*tang kalandian nila kanina.
"Masayang-masaya ka pa na hinalikan ka nya! At pwedi ba, wag mo akong paasahin! Wag kang umarteng parang jowa ko kung wala ka namang gusto sakin."

Tumingin ako sa kaniya at nakita kong 'tila natatamaan siya sa mga sinasabi ko at tila nahihirapan.

"Yung kanina kay Jacky, wala lang yun. Ikaw lang naman ang gusto ko."

Natigil ako pag-iyak sa sinabi niya.
Sa bilis ng kabog ng puso ko ang hirap ng kontrolin ng sarili ko.

Nakita namin ang paparating na sasakyan sa aming kinaroronan kaya hinila ako ni Jake sa tabi ng kotse niya. Dumaan naman ang sasakyan.Pinasandal niya ako sa kotse habang siya ay nakahawak sa bewang ko.

"Mahal na kita." aniya habang nakatitig sakin.

Natameme ako. Nawala bigla ang galit ko. At ngayon, hindi makaisip sa inamin niya.

"Mahal mo ako?"

"Oo. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mahulog sayu."

Unti-unti niyang nilapat ang mga daliri sa pisngi ko at pinahid ang aking mga luha. Malamlam siyang tumitig sakin.

Mahal ko din siya, yun ang totoo. Pero mahirap lang ako.

"Pero maid mo lang ako."

"Hindi naman ako mapapalapit sayu kung hindi ako nag-alok ng trabaho sayu."

Ano?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kilala na kita dati pa sa school. May nakapagsabi saking naghahanap ka ng matratrabahuan. Gusto kita. Kaya hinire kita."

Napa-iling ako, hindi makapaniwala.

"Aria, mahal kita. Mahal na mahal." amin niya.

"Hindi ako mayaman Jake. Kaya wag ka sakin."

"Hindi yan importante. H-hindi mo ba ako gusto?"

Siyempre gusto. Pero paulit-ulit kong pinapasok sa kokote ko na mahirap lang ako.

"Hindi tayu bagay. Gusto kita Jake pero-"

"Gusto mo rin ako?"

"Oo pero-"

Hindi ko na natuloy ang sinabi ko nang hinalikan niya ako sa labi. Agad kong tinugon ang mainit niyang halik.

Oo, mahal na mahal ko siya. Hindi ko na mapipigilan pa ang nararamdaman ko.

Ang dali lang isipin na ang mahalaga.. siya at ako. Na wala na akong pakialam sa status namin. Siguro mahirap na patagalin at paharapan ko pa ang sarili ko sa totoo kung nararamdaman sa kaniya.

I'm he's maid, so what?

Kung ganito rin man lang kami, parang ang hirap sirain.

Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ng matagal naming halikan.

My Boss and IWhere stories live. Discover now