Chapter 9

8 0 0
                                    


Nang hapon na ay lumabas ako ng bahay at nakita si Katelyn na nagwawalis ng mga dahong laya sa bakod nila.

"Katelyn!!" tawag ko at masaya siyang nilapitan.

Si Katelyn pala ay bestfriend ko na kapitbahay ko pa. Gulat naman siyang napalingon sakin at masaya akong sinalubong.

"Aria my bff nandito ka na pala!!" tumawa ako at nagyakapan na kami.

"Kumusta?"

"Heto. Maganda pa rin. Ikaw, kumusta ka na?!"

"Ayos lang. Medyo nahaggard sa trabaho." saad ko at tumawa.

"Anong haggard diyan eh mas lalo kang gumanda! Kumusta ang amo mong si Jake?"

Hmp!

"Ayun, mabait naman. Alam mo may chika ako sayu." saad ko.

"Ano yan? Mukhang nakaka-intriga ah."

Umupo kami sa kahoy na bench sa kanila at di ko na napigilang ikwento sa kaniya yung tungkol sa amin ni Jake sa pagpunta ng Boracay. Alam ko namang hindi niya ipagkakalat dahil bestfriend ko siya.

Alam niyu yun, hindi ko na kayang isarili lang yung nangyari eh, parang ang sarap sumabog.

"Sinasabi ko sayu Aria, may gusto yan sayu! Panigurado!"

"Hindi ako sure dyan kasi wala naman siyang sinasabi eh. Alam mo, nakakainis talaga!!"

"Nakakainis na nakakakilig!" ani niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Gaga!"

Nagtawanan kami.

"Ah basta! Hirap intindihin!"

"Baka wala yung sinasabi kasi natotorpe sayu!"

"Aba malay ko." ani ko.

"Kinikilig ako sa inyu! Baka mamaya nyan may mangyari sa inyu kasi kayu lang dalawa sa bahay niyu diba. Isang araw, 'Aria pakidala ng towel sa shower room tapos makikita mo abs niya.. aakitin ka niya.."

"Hoy!" tinawanan ko na lang siya.

Ang bruha, namiss ko tuloy yung ganitong kuwentuhan namin.

"Hindi noh! Mabait yun."

"Bff, hinalikan ka nga sa harap ng maraming tao, yun pa kayang dalawa lang kayu na nasa bahay niya."

"Hindi yun malandi noh." saad ko na lang.

Pagkatapos ng kuwentuhan namin at pagbisita ko rin sa bahay nila ay bumalik na ako sa amin.

Kinabukasan ay nagpaalam na ako kina mama at papa para bumalik na kina Jake.

"Anak, mag-iingat ka."

"Opo. Mag-iingat din po kayu sa trabaho niyu ma. Jay-Ar, alagaan mo si papa dito huh."

"Siyempre naman ate."

"Anak, ingat ka." saad ni papa.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay pumasok na ako sa taxi.

Pagbalik ko sa bahay nina Jake ay sinalubong niya agad ako sa pinto.

"Goodmorning sir." saad ko.

"Goodmorning."

Pumasok na ako sa loob at nakita na malinis ang boung sala, walang kalat. Mukhang naglilinis din siya rito habang wala ako. Mm.. good.

"Kumusta naman ang pagpunta mo sa pamilya mo?" tanong niya na nakasunod pala sakin.

"Ayun sir masaya sila."

"Jake."

"Hm?"

"I'm glad na nakabonding ka rin sa pamilya mo. Pwedi namang magleave ka pag lingo. You can call me Jake."

Okay. Matagal niya na ring sinasabing Jake ang itawag ko sa kaniya.

"Am.. ok." mabuti yun mabibisita ko palagi pamilya ko. "Medyo nasanay na rin kasi ako na sir Jake ang itawag sayu."

"Wag mong sanayin sarili mo. Hindi bagay na tinatawag mo akong sir, Jake na lang." ani niya natatawa.

"Bakit naman hindi eh amo kita?"

Unless kung....

"Pagkatapos ng ginawa ko sayu sa Boracay Aria, hindi nararapat na tawagin mo akong amo." ani niya pagkatapos ay iniwan na naman akong nag-iisip sa palaisipan niyang sinabi.

That's what I hate about him. Hindi ako dinediretsu.

My Boss and IWhere stories live. Discover now