Palabas kami ng maaking gate nila ate Syd dahil sinundo na kami ng driver. Mom insisted na tumira muna kami sa bahay kahit isang linggo lang dahil recently, may natatanggap nanamang death threats si Dad. We can't obviously say no to her so Eros and I decided to go home.
"Eros, paki-lagay." Abot ko sa kanya ng gym bag ko para ilagay sa compartment.
Kaka-tapos lang ng party ngayon- or maybe that's not considered as a party kasi walang liquors.
Dahil mahaba pa ang biyahe mula dito sa Binangonan na bahay nila ate Syd sa Makati na bahay namin, I decided to sleep. Nagising lang ako dahil sa isang tawag. I didn't bother to read the name of whoever is calling me.
"Hello?" Inaantok kong sabi.
"Nangumusta lang, Erin. Kakatapos lang daw ng party? How was it?" Si CJ pala ang tumatawag.
"Okay lang." Simpleng sagot ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Besides, andito si Eros.
"Cold answer, ah! May sasabihin pala ako. Graduation na namin next month. Siguro, mapapa-aga pamamaalam ko." Tumawa siya.
"Okay. Sige. I'll see kung makaka-punta ako." May halong lungkot ang boses ko. I don't want him to leave, I mean- no one does!
"Alright. Thanks for the email kanina, ah! Tulog ka na ulit." He said and ended the call. Babalik sana ako sa tulog nang kausapin naman ako ni Eros.
"Uy, napapadalas tawag ni CJ, ah?" Puna niya.
"So? Hanap ka rin ng kausap mo, 'wag moko guluhin. I'm trying to get some sleep! Napuyat ako kagabi."
"Kalma! Nagtatanong lang naman ako, ah! Tsaka sa bahay ka na matulog, lumabas ka na." Sabi niya at hindi ko namalayan na naka-pasok na pala kami ng gate.
"Dalin mo nalang bag 'ko, ah. Good night." Sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagpalit ng pajamas ko.
Maya-maya, pumasok si Eros sa kwarto ko dala ang bag ko. Wala na akong gagawin kaya natulog na ako. I'm so exhausted. Pakiramdam ko kay sampung bundok ang kinailangan ko upang maka-uwi.
Hindi pa ako magigising kung hindi nangugulo si Eros sa kwarto ko.
"Erin, tara, work-out!" Masiglang tawag ni Eros saakin kaya halos manginig ang mortal na katawan ko sa inis. Damn you, Eros!
Kinuha ko ang malaki kong teddy bear na galing sa isang classmate ko noong junior year. Cute kasi kaya ko tinaggap. Binato ko naman ito kay Eros.
"Lumayas ka nga dito!" Inis na sabi ko at binato siya ng isa pang unan.
"11 AM na kaya! Gumising ka na!" Sabi niya at nagtatatalon gamit ang jumping rope na hawak niya kaya wala na akong nagawa at nag-bihis na ng usual na sinosoot kapag magw-workout ako.
"Happy?" Bungad ko sa kanya pagpasok ko sa gym ng bahay namin.
Tumawa lang siya kaya nagpasak na ako ng airpods at dumiretso na sa treadmill.
"Erin." Kalabit saakin ni Eros pero hindi ko siya pinapansin. "Hoy!" Malakas na sigaw niya at tinaggal ag airpods ko.
"Ano ba 'yun?" Nangingigil na sabi ko sa kanya. Kanina pa siya ah!
"From the sponsors. May jackets, whey protein and foods. Kain na muna tayo?" Sabi niya pero umiling ako sa kanya. Wala na siyang nagawa at lumabas na ng gym, probably kakain na.
It's one PM when I finally decided to finish my workout and eat lunch. Tinawag na din kasi ako ng isang yaya dahil sinabi ni Daddy na tawagin ako. Sunday kaya hindi sila umalis ni Mommy ngayon.
BINABASA MO ANG
Skies' not the limit
RomanceErin Athena Razon. Loved by everyone, feared by many. People look up to her. Looks, wit, talent, wealth. Name it and she has it. She has never felt anything odd and chaotic. Not until CJ - Clavell Jairus Zobel, an Atenean, and Blue Eagles' team Capt...