Chapter 17

314 7 0
                                    

               **◇Chapter 17◇**

                     Khier PoV

"Ladies and Gentlemen,now we're approaching Philippines where the local time is 10:20.At this stage you should be in your seatbelt firmly,fastened.Thank you for riding International Airport.Welcome and enjoy for staying,have a safe trip."
 

Sa wakas nakauwi din sa loob ng isang buwan for staying sa states ang hirap at ang daming problema.Ako ang anak pero ako ang nagreresolba sa mga ginagawa nila.Ayoko ng madagdagan pa ang mga kasalanan nila.Ang hirap nilang pagsabihan na hindi na dapat ginagawa sa kanila.Sa pag sstay ko sa puder nila ay may nalaman pa ako na hindi ko inaasahan.Kaya umuwi muna ako dito sa pinas,gusto ko muna e-secure ang

Flashback

Pagkalapag ng eroplano ay diretso agad ako sa kompanya ng mga magulang ko,hindi ko naman matatawag na 'samin' ayoko umangkin ng bagay na puno ng masamang ginagawa.

Pagkarating ko sa kompanya ng mga magulang ko ay hinanap ko agad sila sa office nila,pero bago yun tatawagan ko muna si Kuya Vincel.

*riiiinnngggg*

"Hello."

"Kuya ako to si Khier,sila mom?"tanong ko kay kuya,iniisip ko kung magagawa ko ba ito ng tama bilang anak nila mahiral magpaamo ng mga magulang.Kahit minsan lang nila ako kung maalala ay okay lang sakin.

Nagnanakaw na sila tapos ngayon papasok naman sila sa mga illegal,jusko mga magulang ko paba sila.

"Nandito sila,umakyat ka na lang."sa mga kamag-anak nila mom and dad si kuya lang ang nagtatrabaho sa kanila hindi gusto kundi inuutos sa kanya ni lolo.Buhay pa ang lolo ko ang ama ng tatay ko.

Siya ang nagutos kay kuya Vincel na magtrabaho sa mga magulang ko para manmanan ang bawat galaw nila.

Eugene Doeforo Taylor ang nangunguna sa na pinakamayaman sa buong pilipinas at pinakamatanda na din.Maraming negosyo at pagmamay ari si lolo pero dalawa lang naman ang anak niya at pareho ding may negosyo na, si dad nga lang ang gumagawa ng illegal.

"Sige kuya salamat."

Pumasok na ako sa elevator para makarating na sa office nila.Nang makarating na ako sa floor ng iffice nila ay bubuksan ko na sana ang pintian ng pigilan ako ng secretary nila.

"I'm sorry sir,but do you have an appointment to Mr. and Mrs.Taylor?"bago na naman ang sekretarya nila kaya pala pinigilan niya ako.

"I don't need to make an appointment to my parents."hindi nama sa bastos ako pero gusto ko na taposin agad to.

Pumasok na agad ako sa office nila naabutan ko na naglalampungan ang mga magulang ko,naka upo lang naman si mama sa kandungan ni papa.

"Ehem"tikhim ko para makuha ang atensyon nila.Tumingin naman sila agad sakin.

"Oh my son,your here!what brought you here son.Mom miss you so much Khier.Are you staying for good?"taning sakin ni mom na yakap pa ako pero kinalas ko din dahil hindi naman yun ang sadya ko sa kanila.

"Mom,Dad..Are you really insane?"diin ko na sabi sa kanila kunti na lang hindi ki na masisikmura ang mga ginagawa nila.

"Khier!"saway sakin ni mom tahimik lang din si dad sa table niya.

"Dad ano bang iniisip niyo?hindi paba kayo kuntento sa mga nararating niyo,bakit kailangan niyo pa magnakaw?"galit sa sabi ko kay dad.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan nila or niya kung bakit nila ginagawa to.This is worst.

"Khier!Anong karapatan mo na pagsalitaan ako ng ganyan!"galit na sigaw sakin ni dad.

"Wala dad.Kase kahit kailan wala akong karapatan mag-salita eh!pero dad lahat ng 'yun pinalampas ko,sobra na kase ito dad eh,hindi na tama!nababaliw na kayo---"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinigit ako ni mom.

*paaak*

"Wag kang mag-sasalita ng ganyan Khier,lahat ng ito para sayo!"tinuro-turo pa ako ni mom,masakit dahil mga magulang ko sila pero hindi ko sila nararamdaman hindi ko man kailan man sila nakarasama ng masaya.

Nakasama ko sila noong kinuha nila ako sa puder ng mga magulang nila Zhedrick pero dahil sa mga ginagawa nila bumalik ako hindi ko sila masikmura,harap-harap kung gumagawa ng illegal.

"Para sakin ba mom?!Oh para sa inyo ni dad!walang para sakin dito ma!"kahit kailan naman hindi ko naranasan na para sakin ang ginagawa nila.

"I swear mom,dad...pag hindi niyo ito ititigil mawawalan kayo ng anak.Depende na lang kung may pakealam kayo sakin,kahit naman kase kailan wala kayong pakealam sakin eh."kahit ganito ang ginagawa nila ay mahal ko sila pero kahit kaya kong ipakulong ang mga magulang ko ay hindi ko magawa ayoko na ako mismo ang mag-dala sa kanila sa kulungan.

Kahit ganun sila sakin hindi ko padin kayang mag-salita ng masasakit sa kanila.Lumabas na ako sa opisina nila kahit tinawag ni mama ang pangalan ko hindi na ako lumingon baka may masabi pa ako na hindi maganda.

Pababa na ako ng maka-salubong ko si kuya Vincel sa hallway.

"Ano kumusta?"untag sakin ni kuya.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanila kuya."pangalumbaba kong sabi sa kanya.

"Tanggapin mo na ang alok ni lolo,for sure makaka-tulong yun sayo.Total naman tayong dalawa lang din ang apo ni lolo."

Sabagay isa lang din naman ang mga naging anak nila dad at tito,kaming dalawa lang din.

"Hindi din naman ako pwede,may sarili na din akong negosyo and soon ang negosyo ni dad sakin niya din ipapasa."saming dalawa ako na lang naman ang wala pang nararating kase nag-aaral pa lang naman ako.

Kaya sakin talaga mapupunta ang negosyo ni lolo.

"Kuya nag-aaral pa ako,diko pa kaya yung negosyo ni lolo.Isa pa malaki 'yun."hindi sa wala akong tiwala sa sarili ko pero parang ganun na nga.

"Khier third year college ako ng simulan ko ang Wine Industry ko,so in your side why not."

Siguro pag handa na ako,gusto ko pang eenjoy ang pagiging binata ko pero dahil sa mga magulang ko mas mauuna pa akong tumanda sa kanila.

"Siguro kuya,let's see.Mauuna na ako kuya."

"Sige ingat ka"

Nag paalam na kami sa isa't-isa ni kuya.Sa bahay muna ako nila mama tutuloy may gusto akong hanapin sa mga gamit ni papa.

Sa pag sstay ko sa puder nila ay may nalaman pa ako na hindi ko inaasahan.Kaya umuwi muna ako dito sa pinas,gusto ko muna e-secure ang lagay niya.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Bibitinin ko muna kayo ha hahaha
Abang na lang tayo sa susunod hehehe

Thanks for reading😍
Lovelots❤

By:ladymichgel

🛇COMMENT IS ONLY HERE🚫
#REPLY_BOX_POLICY

A Secret of the Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon