Chapter 28

230 5 0
                                    


Chapter 28

Khier's PoV

"Akala ko ba nandito na si Alliah ghorl?"biglang tanong ni Jhomil,tinignan ko naman ang uluan niya at wala dito ang bag niya.

"Baka naman nag-Cr lang."sagot ni Celeste.

Baka nga.

Hindi ako sumasagot sa mga sinasabi nila at nanahimik na lang.Diretso naman ako sa upuan ko na nasa likod lang ni Alliah tsaka naman umulo si Zhed sa tabi ko,si Jhomil at Celeste naman ay nag-uusap.

"Anong iniisip mo?"biglang tanong ni Zhed sakin kaya napa-tingin naman ako sa kanya.Nagtataka man pero sinagot ko nalang siya.

"Wala,bakit?"sagot ko.

"Wala naman wala pa kasing yung iba nating mga ka-klase."pinalibot ko naman ang tingin ko sa boyng classroom.

Iilan pa lang kami dito pero kanina pa nag-bell.

"Uy Khier bakit parang ang tagal naman ni Alliah?"tanong ni Celeste sakin.

Kanina pa siya wala,dapat nandito na siya.

"Hindi ko nga din alam."sagot ko sa kanya.May hindi tama dito.

Nagulat naman kami sa dahil biglang pag-bukas ng pintuan.

*blag!*

At may pumasok,isa sa mga kaklase namin,tumakbo siguro to dahil hinihingal siya.

"Jhomil si Alliah....sinasaktan ni Eunice sa hallway ng Cr.!?hingal at mabilis niyang pagkasabi pero hindi yun hadlang para hindi ko siya maintindihan.

"Ano?!"singhal na tanong ni Jhomil at tumingin sakin.

Kaya mabilis naman akong tumayo at tumakbo.Tinakbo ko naman ang hagdanan pababa dahil ang Cr ay nasa second floor.

Nang naka-liko na ako ay nakita ko naman sila agad,naka-subsub ito sa sahig at gusot na din ang damit.

Akmang sasampalin na sana ni Eunice si Alliah kaya tinawag ko agad siya.

"Alliah!"

Limingon naman siya sa gawi namin kaya agad namin siya nilapit para tulungang maka-tayo.

"Jusko anong ginawa ng impakta sayo Alliah,maraming sugat ang mukha mo may pasa ka din sa labi."alalang sabi ni Celeste sakanya.

Hindi ko mawari kung ano ang iba pang ginawa ni Eunice sa kanya pero dahil sa gulo ang buhok niya,malamang sa malamang sinabunutan niya si Alliah.

Hindi ko siya matignan sa mata,hanggang ngayon ba naman hindi ko siya nailigtas.Naiinis ako sa sarili ko palagi kong sinasabi na 'I will protect Alliah' pero hindi,hindi ko nagawa!

Nang maka-tayo na siya ng maayos ay agad naman siyang humarap kay Eunice na ngayon ay nakikipag-sigawan kay Lexuez.

"Anu Alliah?Aalis kana ba?"ngiting aso na sabi ni Eunice.

Hindi muna sumagot si Alliah,at lumapit pa lalo kay Eunice.Tinitigan niya muna si Eunice.

Anong balak niyang sabihin?

Ang buong akala niya siguro ay mapapaalis niya si Alliah dito.Hindi ko naman din siya masisisi kase wala siyang alam.

Lalapit na sana siya kay Eunuce ng pinigilan ko siya.

"Princess No."pigil ko sa kanya.

Pero hindi siya nag-patinag sakin,inalis niya lang ang kamay ko sa braso niya at lumapit pa lalo kay Eunice.Naka-alarma naman ako baka bigla ulit siyang saktan ni Eunice.

A Secret of the Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon