Chapter 35

219 7 0
                                    

 A/n:Update for this morning.😊Hope you love it😘

Chapter 35

Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung mali lang ba ang narinig ko sa Grande de Pronovias.Isa lang naman ang ibig-sabihin nun,sun-- sunog.

Iniisip ko na lang na baka nagooverthink lang ako,bumuntong hinga na lang ako dahil sa iniisip ko.Dapat masaya lang ako malapit na ang birthday ko kaya dapat hindi ko binibigyan ng problema ang sarili ko.

"Princess?"

Lumingon ako kay Khier na tumawag sakin.

"Okay ka lang ba?Kanina kapa walang imik.May problema kaba?"tanong nito sakin.

"Ahh wala naman,iniisip ko lang anu ang magiging resulta sa gaganapin na party.Alam mo na hindi ako sanay sa maraming tao."sagot ko sa kanya.

"Alliah,dapat hindi mo iniisip yan,mag-enjoy ka lang sa birthday mo."sabi nito sabay subo ng fries.

Sa mga iniisip ko hindi ko na maenjoy ang lakad namin ng mga kaibigan namin dito.

Nasa mall kami ngayon dahil sabado naman at sympere walang pasok kaya nag-ayaan na lumabas daw kami,wala naman din akong gagawin sa bahay kaya naman sumama na din ako.Kompleto kami na pumunta dito pero ngayon hindi ko na alam nasan na ang iba dahil kami na lang dalawa ang naiwan.

Sa ngayon naka-tambay kami sa jollibee at bumili ng makakain.Naka-upo lang kami sa dalawahan na lamesa dito kaya magkaharap kami ngayon.

Parang walang nagbago sa kanya ganun pa din siya.

"Khier,nililigawan naba ni Zhed si Celeste?"tanong ko sa kanya.

"Ahm hindi ko alam,pero minsan makahulugan ang tinginan nila eh.Wala din namang sinasabi ang pinsan ko na yun.Pero malay natin kung nililigawan naba niya talaga."sagot niya sakin na kumakain pa din ng fries.

"Buti pa si Celeste."bulong ko sa sarili.

Tch,wala naman akong pakialam pero bakit ko ba tinanong yun.

"Huh?May sinasabi kaba?"tanong niya sakin.

"Wala,wala akong sinasabi."inis kong sagot sa kanya.

"Bakit mo nga pala natanong?"

"Wala lang,masama ba?"irap kong sabi sa kanya.

"Teka bakit nagsusungit ka na naman?"pout niyang sabi.Akala mo naman talaga kina-cute niya ang paganyan-ganyan niya,psshh.

"Pake mo ba!"singhal kong sabi sa kanya,mabilis akong tumayo at lumabas sa fastfood.Naiinis ako sa kanya pero hindi ko alam bakit.

"Uy sandali!"habol niya sakin.

Mabilis naman akong naglakad para hindi niya ako masundan pero malalaki din ang hakbang niya kaya nasundad parin niya ako.

"Gusto mo date tayo?"sabi niya sakin ng makahabol umakbay naman siya sakin at ngumiti.

Tumigil ako sa paglalakad,tinignan ko naman siya na nalilito.

"Jowa ba kita para makipagdate ako sayo?"sabi ko.

"Hahahaha!jowa lang ba ang dapat mag-date?"sarcastic na tanong niya sakin.

"Bahala ka jan!"tinangal ko ang braso niya sa balikat ko at binalibang itong binitawan.

"Mag-date ka mag-isa mo!"mahinang singhal ko kay Khier.

Iniwan ko na siya doon sa hallway ng mall,matanda na siya kaya na niya sarili niya.Hahanapin ko na lang ang mga kasama namin,kanya-kanya din kami pag-dating ng mall pero hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin.

Naglakad-lakad na muna ako sa mall at palingon-lingon baka kase makita ko sila.Tinungo ko ang escalator ng mall balak kong punta sa 3rd floor nitong mall para hanapin sila.Wala pa akong nahahanap kahit isa sa kanila.

Hindi ko makita kahit ang anino nila,hindi ko na din nakita si Khier na naka-sunod sakin.Patay ako nito,hindu ko kabisado ang mall kaya wala akong alam.Dahil sa pagod sa kalilibot ng mall ay huminto muna ako,may bench akong nakita kaya umupo muna ako dito.Ilang saglit pa ay naisip ko na tawagan sila.

Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at dinial ang phone number ni Celeste.

"The subscriber cannot be reach please try again later."

Bakit cannot be reach?

Gaano ba sila ka-busy.Hinanap ko naman ang number ni Jhomil.

"The number you have dialed is now out of coverage area please try again later."

Hayst bakit hindi ko sila makontact,wala pa din naman aking number ng iba.Tumayo na din ako para nahapin ulit sila,dapat pala hindi ko na iniwan si Khier doon.

Dahil kanina pa ako nag lilibot ay nakaramdam ako ng hindi maganda,parang may nakatingin sakin.Kaya naman lingon ko ang likodan ko pero wala naman akong nakikitang kahinahinala kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad,psshhh tinatamad na kaya ako.

May nakita akong icecream parlor kaya nakaramdam ako ng gutom.Naglakad na ako papunta dun mg may bumangga sakin.

*boggshh*

"Sorry po kuya."sabi ko habang himas-himas ang braso ko.Pero tuloy lang siya sa paglalakad niya.Hindi ko na lang pinansin ang bumangga sakin at tumuloy na lang ako sa ice cream parlor.

"Hasyt!saan ko ba sila mahahanap."buntong ko sabi ko ng nakaupo na ako sa upuan ko.Ilang saglit pa lang ay may lumapit na sakin na waiter.

"Good morning ma'am,welcome to Freeze House Icecream parlor.Can I take your order ma'am?"sabi nung waiter sakin.

"Isang cookies and cream na lang po,palagyan na lang ng chocilate syrup,marshmallow and sprinkles,thank you."request ko sa waiter,dahil sa palakad lakad ko nagutom tuloy ako,ilang oras din kaya ako naghanao sa kanila pero hindi ko naman sila mahanap malaki din kaya ang mall.

Ilang minuto pa ay dumating na din ang order ko na icecream kaya naman agad ko din itong nilantakan.Nagutom ako dun sa kakahanap sa kanila.Bahala silang maghanap sakin ngayon.

Habang enjoy ko sa pagkain ang icecream ko ay nakaramdam ako ng may nakatingin sakin.Kanina pa ito pero wala akong nakikitang tao.Umirap na lang ako at binawalang bahala na lang baka paranoid lang ako.

Tulad ng sabi ni Khier,dapat hindi ko bigyan ang sarili ko ng problema.

Third Person PoV

Lingin sa kaalaman ng dalaga na si Alliah na kanina pa mula ng dumating sila sa mall ay may nakamasid na sa kanya pero dahil ay siya na lang mag-isa ay mas nararamdaman na ng dalaga ang mga mata na naka-tingin sa kanya.

Sa kabilang banda dahil sa inip at walang pang balita na natatanggap si Kherson ay siya na ang tumawag sa tauhan niya na inutusan para sundan ang dalaga kung saan man ito pumunta.

*riiiiiingggg*riiiiinnnggg*

Agad naman itog sinagot ng tauhan niya.

"Ano na ang balita sa inutos ko sayo?"tanong ni Kherson sa tauhan habang relax lang itong naka-upo sa upuan at umiinom ng alak.

"Boss,okay na okay.Kanina pa ako naka-sunod sa kanya at hindi ko hinahayaang makatakas sa panigin ko."pagpapasikat na sabi ng tauhan ni Kherson kaya naman malaki ang ngiti nito sa kanyang labi ang ninanamnam ang init ng alak na dumadaloy sa kanyang lalamunan.

"Mabuti,gawin mo lang yan hanggang wala pa akong inuutus na iba,at wag mo ding kalimutan na kuhanan ng mga litrato."ngiting aso nitong utos sa kanyang tauhan.

"Opo boss."

'Mawawala ang lahat sayo Alex dahil tulad ng ginawa mo sakin ay kukunin ko din ito ng hindi mo nalalaman.'sabi ni Kherson sa kanyang isipan na nangagagalaiti sa galit ng kahapon.

To be continued...
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Vote and Comment

Follow na!!😊

Thanks for reading😊
Lovelots❤

By:ladymichgel

A Secret of the Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon