Chapter 4

573 19 0
                                    

CHAPTER 4

Naiirita parin ako sa ginawa ni Lexuez na yun kanina.Akala niya siguro madadala niya ako sa pawink-wink niya.Naka-balik na kami sa clasroom namin at dahil sa late na naman ang teacher namin sobrang ingay ng room parang palengke,at ang nangunguna ay ang Legend 5.

Legend 5?

Ang baduy ng pangalan ng grupo nila.Saan ba nila napulot yan,tsk..

Daig pa nila bata sa ginagawa nila nagbabatohan ng papel,may nagsisigawan,at may mga nagkakantahan naman sa unahan.Yung totoo matinong section ba to?Ang hirap nilang ipaliwanag.Ang sakit nila sa ulo,hayst.

Nandito lang ako sa upuan ko naka-yuko sa armchair.Wala akong balak maki-paghalubilo sa kanila,magugulo lang buhay ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may bumato saking papel.Hayst,ayokong naiistorbo,arrghhh!!

Napatingala ako ng may lumapit sakin si koreano lang pala,si Jonhson
Lee.Sobrang puti niya,gwapo din siya makikita mo talaga sa kanya ang pagiging koreano niya.

"Wag mo na lang pansinin ang mga elemento jan sa tabi-tabi Alliah baka mamaligno ka,mahirap na."untag sakin ni Celeste

"Hehehe,grabe ka naman babe maligno talaga tingin mo sakin?"sagot ni Jonhson kay Celeste.

"Pwede ba wag kang magulo,bumalik ka na lang sa Korea dun ka nababagay hindi dito!"bulyaw sa kanya ni Celeste kay Jonhson.

"Babe mas bagay padin tayo hahaha!"tawang-tawa naman tong koreano nato.

Bahala silang mag-bulyawan jan,pero ang sakit nila sa tinga,magka-harap  lang naman silang dalawa.

Binalingan ko ng tingin si Jhomil kunyare nagbabasa siya pero baliktad naman ang librong hawak niya.May nakakalig ba sa dalawang nag-sisigawan.Pero kung titignan mo bagay naman sila.Nagsi-simula pa lang ang klase pero may nabubuo na.

"Tsk,may tinatagong landi pala si girl"-student 3

"Duh..she look like a manang naman eh.hindi sila bagay"student 2

"Tama!hahaha!"student 1 and 2

Natahimik na lang silang dalawa dahil sa mga bulong-bulongan ng mga classmate namin.Naawa ako bigla dahil sa pag-yuko ni Celeste sa upuan niya.

"Ghorl okay ka lang?"pansin sa kanya ni Jhomil.

"Okay lang Jhomil,wag na lang natin silang pansinin"sagot niya na lang sa kaibigan niya.

Uso ba sa school na to ang mag bulong-bulungan?

Bumalik na din si Jonhson sa upuan niya.Tumahimik din siya sa mga narinig niya pero wala man lang siyang ginawa para kay Celeste.

Pero parang may sariling buhay ang mga paa ko at lumapit sa mga nag-uusap.
Magsasalita na sana ako ng may pumigil sakin.Pagtingin ko ay Lexuez pala.Wag niya akong simulan umiinit ulo ko sa kanya.

"Pwede ba umalis ka sa dadaanan ko."pagsusungit na sabi ko sa kanya.Lakas naman ng amats nito lalaki to.

"Miss tranfere hindi mo naman siguro  gugustuhin na gumawa ng gulo,diba?lalo na't bagong lipat ka lang."naka-ngisi niyang sabi sakin.

"Wala kang pakialam!"sigaw ko sa kanya.Hindi ko na lang siya pinansin at binalingan yung babae na nagsabi ng malandi kay Celeste.

"Miss hindi kita kilala pero wala kang karapatan para sabihan siya ng ganun."hindi ko alam pero naiirita na talaga ako sa mga nangyayari.Bigla na lang lumapit sakin si Celeste para pigilan ako.

A Secret of the Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon