Chapter 27
Tatalikod na sana ako sa kanila ng hinila niya ang buhok ko.
"Matigas kang malandi ka!"sigaw niya habang hila-hila niya ang buhok ko.
"Akala mo ba hindi kita mapapaalis dito ha!Sagabal ka sa mga gusto ko,masyado kang epal!"
"Bitawan moko Eunice,nasasaktan ako!"sh¡t lang talaga,ang sakit na ng anit ko.
"Masasaktan ka talaga sakin!pabida ka!Aagawin mo pa ang trono ko.Kaya papaalalahanan kita AKIN LAHAT ANG NANDITO!"sigaw niya sakin hindi ko na namalayan na kinaladkad niya na ako sa hallway pinangtitinginan na din kami ng ibang students dito ayoko sa lahat ang ganito.Bumibilis na din tibok ng puso ko hindi sa galak kundi sa kahihiyan,bwesit!
"Eunice tama na!"awat ko sa kanya.
"Tama na?!Diba matapang ka?!Ilabas ko ang tapang mo!"sigaw niya sakin na sinasabunutan ako.Hindi ko man lang mahila ang buhok niya para makabawi ako,nakatayo siya habang ako ang nakasalampak sa sahig.
Nanginginig na ang buong katawan ko,hindi pwede to.
"Bwesit kang babae ka!Sobrang landi mo!Ang lakas ng loob mo na kalabanin ako!Sampid ka lang dito,umalis ka dito sa paaralan ko!AKO ang reyna dito kaya wag kang matapang dapat ang ginagawa mo ay niyuyukuan ako!"sigaw niya sa mukha ko.
Pinalibutan na din kami ng mga estudyante ang iba naman ay kumukuha ng video.Sobrang gulo na ng itsura ko ngayon gusot na din ang uniform ko.
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.Akala ko kaya ko ng lumaban talunan parin pala ako.
Flashback
"Hoy taba!"napalingon ako ng may tumawag sakin.Hindi naman na ako magtataka kung sino tinatawag nila.Ako lang naman ang tinatawag nilang taba dito sa school.
"Ahm bakit?"
"Akala mo ba magaling kana ha!hindi purke ikaw ang top 1 sa class ay matalino kana.Nagche-cheat ka kase."hindi naman ako sobrang talino eh,nag-aaral lang talaga ako pero kahit kailan hindi ako nangdaya,sabi ni lola masama daw yun.
"H-hindi ah,hindi ko gagawin yun,sabi ni lola masama daw ang mag-cheat."nahihiyang tugon ko.
"Liar!"sigaw niya sakin.Sinugod niya ako at sinabunutan.
"Kung hindi mo ginawa yun,ako dapat ang top 1 at hindi ikaw!"sabi ni habang hila-hila ang buhok ko.
"Aray Aire nasaaaktan ako!bitawan moko please huhuhuhu!"pangmamakaawa kong sabi.
"Akala mo siguro ay palaging nandito si Khier para ipagtanggol ka ha!"wala pa naman si Khier ngayon walang aawat sa kanila,nasasaktan na ako.
Alam ko naman hindi palaging nandito si Khier para iligtas ako.Pero sa isang tulad ko na palaging naaapi dahil sa itsura ko palaging tanawin ng tukso,bakit ganun bata lang din naman ako?
Wala akong magawa kundi ang umiyak na lang.
"Hoy tabachoy!walang kang mama at papa kaya wag kang magtapang-tapangan dito.Dika nila mahal!"malakas na tulak niya sakin.
*blaaagggg*
Kahit naman kay lola lang ako lumaki alam ko na mahal nila ako,kung nabubuhay lang si mama.
Nagtawanan naman sila sa lakas ng lagapak na nangyari dahil sa pagtulak ni Aeri sakin.
Tumayo na lang ako na parang walang nangyari,may kung ano ang tumama sa ulo ko pero hindi ko na lang pinansin nahihilo man ako pero hindi ko na lang din ininda.Pinahid ko na lang ang noo ko dahil mayramdaman akong pawis nang tinignan ko naman ito ay hindi pala simoleng pawis lang....
Dugo.
Bigla akong bumalik sa reyalidad dahil sa pagka-hulog ng salamin ko basag na pala ito at tanggal na din ang frame ng eyeglass ko.Nakaluhod at naka-yuko parang alipin na pinapagalitan ng amo niya.
"Kung marunong ko lang lumugar hindi ka aabot sa ganito,edi natikman mo din ang galit ko sayo.Anu Alliah kaya mo paba?Aalis kana ba dito?"ngising sabi niya sakin habang hawak niya ang buhok ko.
"Hindi ako aalis dito."matigas na sabi ko sa kanya.Nakita ko naman sa mga mata niya ang pag-usbong ng galit niya.
"Ah ganun siguro sa gagawin ko ngayon maiisipan mo ng umalis."sasampalin niya nasa ako ng may biglang tumawag sa mga pangalan namin.
"Alliah!"
"Eunice!"
Nang tinignan ko ay si Khier ang tumawag sakin kasama sila Jhomil,Celeste at Zhedrick at si Lexuez naman ang tumawag sa kanya.
Lumapit naman sila tinulungan naman nila akong maka-tayo.
"Jusko anong ginawa ng impakta sayo Alliah,maraming sugat ang mukha mo may pasa ka din sa labi."alalang sabi ni Celeste sakin.
Tumingin naman ako sa kanila Lexuez at Eunice na nagsisigawan.
"Ano naman ba itong ginawa mo ha Eunice?!"sigaw sa kanya ni Lexuez parang wala lang din sa kanya a g ginawa niyang kasalanan.
"Pinapaalis ko lang naman siya."simpleng sagot niya.
"Pwede ba itigil mo yang walang kwentang ginawa mo!stop acting like a brat!"
"You don't care!"bumaling naman si Eunice sakin.
"Anu Alliah?Aalis kana ba?"ngiting aso niyang sabi.
Yan ang akala niya.
Hindi ko siya sinagot at tumayo muna ako ng diretso bago ako tumingin at lumapit sa kanya.
"Princess No."pigil ni Khier sakin pero hindi ko siya pinansin.
"Hindi ako ang aalis dito Eunice,alam mo kung sino?"bitin kong sabi na ikinataas naman ng kilay niya.
"IKAW!"
Dahil sa sinabi ko ay bigla naman siya tumawa na parang baliw ang lahat naman ay nagtataka.
"Ako?Are you nuts?Walang magpapaalis sakin dito at hindi ikaw yun!Hahahahaha!"sabi niya na tumawa oa ng malakas.Tignan natin kung makakatawa kapa ng ganyan sa harap ko.
"Oo Eunice,ako ang magpapaalis sayo dito.Dahil ako lang naman ang nag-iisang anak ni Mr. Alexander Emanuel Hemsworth at AKO ang may-ari ng eskwelahan na pinag-aaralan mo."napalaki ang mata niya dahil sa sinabi ko,at alam ko ganun din ang ibang estudyante dito pero anu ang magagawa ko biglaan ang announcement na ito.
"Ako nga pala si Alliah Nicole Delacruz Hemsworth,nice meeting you Eunice Jane Javier."*smirk*
Gulat at pangamba ang nakikita ko sa mukha ni Eunice ngayon.Tinignan natin ang kaya ming gawin ngayon Eunice.
Buti na lang nasabi ko din hindi ko na din kaya ang hilo na kanina ko pa pilit nilalabanan.
Bigla na lang din umitim ang pangin ko,hindi ko na kaya.
"Alliah!"boses na lang ni Khier ang huling narinig ko.
Dumilim na ang lahat.
To be continued...
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Vote and CommentThanks for reading😍
Lovelots❤By:ladymichgel
BINABASA MO ANG
A Secret of the Campus Princess
Novela JuvenilEveryone have a secret,it's either good or bad,white lies or not. But her,everything about lies? She hated... She hates fame,attention and lies. But what if the 3 she hated the most will her life. What will gonna happened? Let's know the whole story...