▫▫▫♧{Chapter 14}♧▫▫▫
Kanina pa ako gising pero naka higa padin ako sa kama ng clinic ng school.Kanina pa ako naaasiwa sa mga bibig nila sa sobrang ingay nila.Maayos na naman ang lagay ko hindi na din ako nahihilo pero halata ang tama ng bola sakin,bwesit bakit pa kase sa mukha.
Nilibot ko ang mata ko dito sa silid pero kulang sila wala si Khier,imbis na siya ang hinahanap ko ay iba naman ang nakita ko nandito si Lexuez at mga kaibigan niya.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko sa kanya nakatayo lang siya sa paanan ng kama ko at nasa likod naman niya ang mga nanahimik na mga kaibigan.
"Nasan si Khier?"hindi naman kase siya sumagot kaya nag-tanong na lang ulit ako.
Naaalala ko na siya,siya yung batang nagliligtas sakin noon.Si Khier ang palaging anjan para sakin.Si Khier ang nagpapasaya sakin noon.Siya ang prince ko.
Tumulo ang luha ko dahil sa sabik na naramdaman ang tanga ko naman kase hindi ko siya naalala agad.Kaya pala kilala niya ako kase matagal ko na siyang kilala.
"Alliah okay ka lang ba ha?Bakit ka umiiyak?"lumapit sakin si Celeste.
"Wait ghorl may masakit paba sayo?"ganun din si Jhomil dahil hindi nila alam kung bakit ako umiiyak.
Naaalala ko na siya pero wala naman siya ngayon gusto ko siya kausapin kung bakit siya umalis bakit hindi siya bumilik ang sabi niya saglit lang siya pero bakit ngayon lang siya.
"Nasaan si Khier?"tanong ko ulit sa kanila,wala kahit isa ang sumagot sa tanong ko.Nakakainis!!!tsaka pa siya nawala nang maalala ko na siya.
Napalingon ako sa mga bagong dating dito sa bedroom ng clinic sila Zhedrick at Zekerick.Hindi ko mawari pero may kakaiba sa kanila ang lungkot ng mga mata nila at hindi rin sila naka-ngiti na madalas na nakikita sa kanila.
"Sumagot kayo nasan si Khier?!"umiiyak na nasambit ko sa kanila.May hindi magandang nangyayari ngayon ayaw lang nila sabihin.
"Alliah naaalala mo na siya tama?"tanong sakin ni Zhedrick,tumango na lang aki bilang tugon na umiiyak padin.
Ang mga kasama naman namin dito ay nalilito sa kung ano ba ang nagyayari.Sila Lexuez naman ay naka-tingin lang samin at nakikinig.
"Girl dalawang oras kang tulog dito,si Khier naman ay umalis hindi naman alam kung saan siya papunta."sambit sakin ni Celeste na nasa gilid ko naka-upo.
"Tama si Celeste,Alliah.Umalis na si Khier...papuntang America.."tila ba binangsakan ako ng langit sa narinig ko.
Hikbi lang ang naririnig ko sa kwarto na to tahimik lang din sila.Sobrang sakit ang tagal ko siya hinintay na bumalik ever since siya lang ang naging kaibigan ko pero umalis din siya,iniwan niya ako ng walang dahilan.Tapos ngayon ganun din ang gagawin niya sakin,aalis ulit siya.Bakit ngayon pa? Bakit ngaying naaalala ko na siya?
"Bakit?Bakit ngayon pa?"sabi ko sa sarili ko.Kasalanan ko ba kaya siya umalis,kasalanan ko ba?Nagtatampo ba siya kase hindi ko siya naaalala kaagad?
"Liah wag kana umiyak,babalik din si Khier."sambit sakin ni Zekerick.Tinignan ko siya kahit hindi ko siya maaninag dahil sa luha ko.
"Babalik?Kailan ulit?Ganu ka tagal ulit?"mga tanong ko sa sabi sa kanya.Gusto ko siya makita,gusto ko mag-sorry sa kanya kase nakalimutan ko siya.Mga bata at uhugin pa kami noon hindi ko naman sukat akalain na malaki ang pinagbago niya.
Tumayo ako at lumabas sa clinic pero bago ako makalabas ay may pumigil sakin.
"Liah lahat ng ginagawa niya ay sa ikabubuti mo,kaya sana maintindihan mo siya at wag ka magalit pag nalaman mo ang lahat."tumigil ako dahil sa sinabi ni Zhedrick na hawak pa ang braso ko dahil sa balak kong umalis.Binitawan na niya ang braso ko at lumabas na siya ng clinic kasunod naman niya ang kapatid niya na si Zekerick.
BINABASA MO ANG
A Secret of the Campus Princess
Novela JuvenilEveryone have a secret,it's either good or bad,white lies or not. But her,everything about lies? She hated... She hates fame,attention and lies. But what if the 3 she hated the most will her life. What will gonna happened? Let's know the whole story...