Chapter 19

285 6 0
                                    

A/N:this chapter is the scene that Khier is in the place of his parents, flashback in short hehehe.

                  ¿$Chapter 19$¿

Nang ma-realize ko na ang babae sa picture ay mama ni Alliah ay dali-dali akong lumabas ng library at ni-lock ulit ito,pumasok ako sa kwarto ko at doon ko na pinapa-tuloy ang paghalungkat ng mga malaman nito.Marami din ang laman ng envelope pero diko pa alam kung ano ang mga ito,malalaman ko din yan.

Umupo ako sa kama ko para tignan ang laman nito.Maraming letters at mga picture nila at may isang notebook.Tinignan ko ang isang letter na nakita ko.

Ano ito love letter?

Binuklat ko ito at binasa.

Dear Kerson,
        Happy monthsarry sayo,pasensya na ito lang muna ang maibibigay ko ngayon sayo,alam mo naman kase kung anu ang kalagayan namin ng nanay ko.

      Salamat sa regalo na ibinigay mo sakin pero sana hindi kana nagabala sapat na sakin ang mga oras na naka-sama kita.Pangako ko na magiging tapat sayo,Kerson.

           Mahal kita.

                                                  Liah,

Anu ibig sabihin nito?

May relasyon si dad sa mama ni Alliah noon.Pero bakit?Aisshhh!Hindi ko na iintindihan.

Tinignan ko pa ang ibang letters na naka-latah pero ganun lang din ang mga ito monthsarry letters.May nakita akong picture na punit kaya kinuha ko ito.Ang mama ni Alliah at ang dad ko ang magkasama,hinanap ko naman ang punit nitong picture pero wala akong nakita,siguro ang daddy ni Alliah ito.Ang hula ko ay mag-kaibigan ang daddy ni Alliah at ang dad ko.

Nakukuha ko na kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Nakita ko naman ang notebook na puti kaya kinuha ko,binuklat ko ito kaya nakita ko ang naka-sulat sa unang pahina.

'Property of Mine,Liah'

Sa mama ito ni Alliah.Diary ang notebook na ito.

Tinignan ko ang mga pahina nito common lang naman ang mga naka-sulat dito.Nahinto ako sa pag-buklat ng may narinig aking sasakyan.Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang sasakyan nila mom,andito na sila.Dali-dali kong niligpit ang mga naka kalat sa kama ko nilagay ko naman ito sa closet ko para hindi nila agad makita.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba sa sala pero bago yun ay tinignan ko muna ang cellphone ko,may tumatawag.

Si Zhedrick.

Pumunta muna ako sa balcony para sagutin ito.

"Hello Zhed?"

"Khier balita sayo jan?"tanong nito sakin.Simula kanina hindi ko man lang sila na text o natawagan man lang.

"Okay lang ako dito bro,kayo ba jan kamusta si Alliah okay lang ba siya?"sabi ko sa kanya.Malas kase eh nun pa ako umalis sa tabi niya.

"Okay lang kami dito at ganun din si Alliah mo pero bro si Lexuez."natahimik ako sa sinabi ni Zhed.

Una pa lang hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya,hindi maganda ang tingin niya kay Alliah.

"Bakit anong meron sa kanya?"taning ko sa kanya.Hindi ko pa masasabi ang hypothesis ko sa kanya tungkol kay Lexuez hindi pa naman kase ako sigurado eh.

"Nagiging malapit na siya kay Alliah."

"Ganun ba,hayaan mo lang siya but please bro look Alliah for me.Wag niyo hayaan ni Zeke na sumama agad-agad si Alliah sa kanya."I just want Alliah's safety.

Nakuha ang atensyon ko ng may kumatok sa kwarto ko.It's manang Tinya.

"Iho,dinner is ready.Hinihintay ka na ng mga magulang mo."sabi sakin ni Manang.

"Susunod po ako,salamat"

Ngumiti na lang si Manang sakin at sinarado na ulit ang kwarto ko kaya bumalik naman ako sa kausap ko sa cellphone.

"Okay bro.I need to hang up."paalam ko sa kanya kaya pinatay ko sa ang call.Lumabas na ako at bumaba papuntang dining area.Naabutan ko naman si mom and dad sa dining kaya umupo na lang din ako at nag-simulang kumain.Tahimik lang kami na kumakain at ang tunog lang ng kubyertos ang maririnig.Nagiba ang katahimikan namin ng mag-tanong si dad sa studies ko.

"So son how's school?"tanong sakin ni dad.

"It's always fun dad nothing to worry about."

"Good!Keep the good work."hindi na ako sumagot kay dad at tinuloy ko na ang pagkain ko hindi na sana ako magsasalita ng tumikhim si mom napatingin naman kami ni dad sa kanya.

"Honey about sa sinabi mo kani--"

"I'm dead serious about what I say in YOUR COMPANY mom."putol sa sinabi ni mom at diniin ang 'your company' hindi ko ituturing ang pinatrabahoan nila kung galing naman ito sa mali.

"Khier!"saway sakin ni dad pero hindi ko pinansin yun.Biglang sumidhi ang galit na nararamdaman ko sa kanila.

"I'm done,excuse me"tumayo na ako at umalis pero bigla kong naalala ang mga nalaman ko kanina.Kaya tinignan ko naman si dad sa mata.

"Can I ask dad?Do you know Liah Nicole Delacruz?"nagulat naman si dad sa sinabi ko sa kanya at bumaba ang tingin niya,si mom naman ay biglang nag-iwas ng tingin.

"No."simpleng sagot ni dad sakin.

Ngumisi naman ako sa sinagot ni dad sakin.Liar.

May tinatago si dad about this thing.Kailangan kong mabasa ang diary ng mama ni Alliah at malaman ang storya nilang dalawa.Maybe it's just a typical highschool love story,tsk.

To be continued...
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Thanks for reading😍
Lovelots❤

By:ladymichgel

A Secret of the Campus PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon