Chapter 12
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Ella. Tama naman ang pagkakarinig ko 'di ba? Someone just defended me even though we still don't know each other. And that's the first time that someone did that to me. Of course, except for my friends and boyfriend who knows me better but for her, bago pa lang siya rito, hindi niya ako lubusang kilala and yet nagawa niyang ipagtanggol ako.
I don't know what to feel. Should I be happy?
I don't know.
Nanatili akong tahimik at nakatalikod. Rinig ko ang mga daing niya. Halatang pinipigilan ang pagsigaw para walang makarinig.
"Jorge, ano? Wala ka bang gagawin?"
Hinarap niya ako at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. Same with Grace.
"It is not my job to save the persecuted."
"But because of you kaya 'yon nangyari sakanya!"
"Hindi ko sinabi sakanya na gawin niya ang bagay na 'yon kaya 'wag niyong isisi sa'kin! Dahil sa babaeng 'yon mag-aaway tayong tatlo?"
Napahilamos at napagulo na lang ng buhok si Ella habang si Grace ang talim ng tingin sa'kin. So, ano, ako pa ngayon ang may kasalanan? Hindi ko naman sinabi sakanya na ipagtanggol ako sa madla. Anong tingin niya sa sarili niya superhero? Darna?
"You know that this is the first time that someone protected you from your bashers." Natawa si Grace. "You should be grateful pero sa pinapakita mo ngayon parang wala lang sa'yo."
"Cuz it's not my fault!"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Grace. Napatiim ako ng bagang habang nakatingin sa lupa. Hindi ako gumalaw at nanatiling tahimik.
"You disappointed us. Let's go Ella, tayo na lang ang tumulong." Saka niya hinila si Ella papasok at naiwan ako rito na pinoproseso ang sinabi ni Grace.
Gano'n na ba ang nasa isip nila, na isa akong bigong babae dahil hindi ko naabot ang gusto nilang mangyari na iligtas siya? Gano'n ba ang gusto nilang mangyari?
Naisip rin ba nila kung bakit ayokong nililigtas o pinoportektahan ako ng ibang tao lalo na kung kaya ko naman ang sarili ko? Lalo na kung hindi ko kailangan ang proteksyon mula sa ibang tao? I can handle myself. I can fight without any help of other people. Hindi ko rin gusto na may magkakautang pa ako sa ibang tao dahil una pa lang, hindi ko naman sinabi na gaiwn iyon para sa'kin.
Bakit sino ba siya para gawin ang bagay na 'yon? A mere transferee. She's messing with other life na hindi naman dapat. Hindi naman dapat siya mangialam sa buhay ko. Bakit ba niya ito ginawa? For the reason that I am her guardian? For fuck sake, hindi ako pumayag sa kondisyong iyon.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Pakiramdam ko gipit ako sa nangyayari.
But why do I have this other feeling?
I hate her.
"TABI!" Sigaw ko na siyang nakaagaw ng atensyon ng lahat.
Gulat ang una kong nakita sakanila. As for my two friends they are smiling like they did something good today. Tsk! I hate them for making me feel so guilty and I feel guilty too. Fuck!
"Sinabi kong tabi!"
Hindi natinag ang apat na babae. Nginisihan pa nila ako habang sinuksok ang kamay nung babae na nasa harapan sa pocket ng uniform niya. Sinenyasan naman niya ang dalawa niya pang kasama na bitawan si Nerd ngunit ibang bitaw ang ibig nilang sabihin.
BINABASA MO ANG
Summer ( Season Series 1)
Любовные романыSeason Series 1: Summer [COMPLETED] After she got into an accident, she lost her memories. She doesn't remember everything, even what was her life before. Everything she has before was now gone. For three years, she's been curious about herself, but...